Chapter 53

301 8 0
                                    

Nakaupo kami ngayong apat sa iisang mesa. Katabi ko si Rygo habang kaharapan namin si Silver at Miss Sandra.

Kanina papalag sana ako dahil guard on duty ako ngayon pero si Miss Sandra na mismo ang nag-utos saking umupo.

Ngayon ay mag-isa nalang nakatayo si Zianne na nagbabantay.

“So Rygo. This is Silver, my suitor.” Sandra giggled introducing his man while clinging on his shoulder.

Hindi naman nagpatalo si Rygo ng kunin niya ang kamay ko sa upuan. Natanaw ko ang pag-alerto ni Silver sa ginawa ni Rygo.

“Eto naman girlfrie— Ex girlfriend ko.Jassel.” sabi kong tigilan mo na kakatawag saking Jassel eh. Ugh, I hate that name.

Nahiya tuloy ako kay Sandra kaya kinurot ko ng pasikreto si Rygo.

“Ouch!” kaso nga lang at oa ang isang toh, kung makaaray ay parang hindi pa naranasang tamaan ng bàla.

Nagpatuloy ang usapan habang ang titig ni Silver ay nasa sakin parin.

Uminom muna ko ng tubig habang nagpapalitan si Sandra at Rygo ng storya, na animoy magbestfriend sa past life.

“Owhh, is that so? Paano kayo nagkakilala then? Why did you break up?Kasi kami ni Silver, destiny mismo ang nagtagpo samin.Si kupido na ang kusang pumana sa mga puso namin.” muntikan ko ng maibuga ang ininom ko kaya lumabas ito galing sa ilong ko.

Agad na may nag-offer sakin ng tissue ng maaninag ang dalawang kamay ni Silver at Rygo.

Napatingin ako kay Silver na tinangunan pa ko, gesturing me to get his offered tissue.

Siyempre, kay Rygo ang kinuha ko at pinamunas sa nabasa kong bibig. Nakarinig pako ng kaunting YES sa kaniya at nasilayan ang matalím na titigan nila ni tanso.

“Ano ba naman Erin, you're so careless.” tatlo na kaming natigilan ng mali parin ang pagkakabigkas ni Miss Sandra sa pangalan ko.

“Sorry po Ma'am, nabilaukan lang po.”

“Ma'am? Siya  ba ang bagong kliyente mo? Yung rinereklamo mo sakin gabi-gabi na stress ka dahil sa kasupladahan at isip-bata ng boss mo? Siya yun? Siya ang tinutukoy mo? Irene?” nanlaki ang mata ko ng sunod-sunod niya kong ibuking sa harap ng amo ko.

Narinig ko ang tawa ni Zianne sa malapit, pero agad din namang tumikhim ng mapansin ang masamang titig ni Miss Sandra.

Humanda ka talaga sakin Rygo, may araw ka rin.

“So you're still in contact with each other huh? How often?” Silver asked, not minding the insult to Sandra.

Napayuko tuloy ako at ramdam ko ang galit na tingin ni Ma'am sakin. Pero agad itong tumikhim at pinasigla uli  ang mukha.

“So nagtagal ba kayo ni Erin?”

Nagkatinginan kami ni Rygo at pasimple ko siyang inilingang wag sagutin ang tanong.

“Nagtagal naman.”

“Owh really? Ilang years? One year? Two years?”

“Isang linggo.” 

Ang malakas na halakhak ang sunod na narinig namin kay Silver ng sagutin ni Rygo ang tanong.

“One week? Ano yun isang linggong pag-ibig? Pfft.. Lunes~ ng tayo'y magkakilalaa—..” may papikit mata pa ito at natigil lang sa kalagitnaan ng pagkanta ng maramdamang nakatingin na kaming halos lahat sa gawi niya.

Her Blood On His HandsWhere stories live. Discover now