Chapter One: Waiting Shed

286 7 0
                                    

Hindi mabibilang sa kamay kung ilang beses na akong napamura sa isip ko habang pinagmamasdan ang kumpulan ng mga estudyanteng kapwa ko nagmamadali sa pagpasok.

Mukha akong tanga na kanina pa nakatayo sa gilid ng main gate habang naghihintay sa kasama ko na ang sabi ay magpaparada lang ng sasakyan, ngunit magsasampung minuto na ay wala pa rin hanggang ngayon.

Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ko para kalmahin ang sarili. For the first time in my life ay mararanasan kong mahuli sa klase, ang malala pa ay favorite subject ko ang unang nasa schedule ngayong araw, ang Art Appreciation.

"Sorry babi, ang daming kotse sa labas."

Sumulpot sa harapan ko ang lalaking hinihingal pa, tumatagaktak ang pawis sa noo niya't halatang kagagaling lang sa pagtakbo. Kung bakit ba kasi gustong-gusto niyang magparada outside the university, may garahe rin naman dito.

"Okay lang, tara na."

Nauna akong maglakad dahil kailangan ko talagang abutan ang unang subject ko. Malinis ang record ko at wala pa akong absences at hindi ako papayag na ang araw na ito ang sisira sa marangal at walang dungis kong pagkatao.

"Your bag?" Inilahad niya ang kamay sa harap ko.

"Hindi na. I have to go, babi. I might be late. I'll see you at lunch!" Matapos ko siyang bigyan ng halik sa pisngi ay kumaripas na ako ng takbo papunta sa building ng department namin.

Sa main gate kami usually pumapasok at may kalayuan ito sa College of Home Science and Industry kaya kailangan ko pang tumakbo.

Ang daming tao at lahat kami sa pathway ay may kani-kaniyang karera sa mga oras na ito. 'Yung isa nakabangga pa ng professor, nag-aaway tuloy sila ngayon. Hindi tumitingin sa dinadaanan at tarantang-taranta si ate. Paano'y tanga–

"Holy spirit! Are you blind?"

"Puta–ma'am! Good m-morning po!"

Mabilis akong napayuko nang makabawi sa gulat. Nalaglag ang panga ko dahil unipormado ang taong nasa harapan ko't mataman akong pinagmamasdan. Ramdam na ramdam ko kahit hindi ko siya tingnan.

Napalunok ako ng wala sa oras nang makumpirmang professor nga sa university na ito ang kaharap ko nang yumuko siya't kuhanin isa-isa ang mga libro niyang nahulog sa sahig buhat sa hindi inaasahang salpukan namin.

Mariin akong napapikit nang mapagtantong gulo ang posibleng kahantungan nito . Putcha, ang bilis ng karma ko.

"I'm sorry, Ma'am..."

Ramdam ko ang mapanghimasok niyang tingin na tumatagos sa balat ko papasok sa kaloob-looban ko. Para bang inuusisa nitong mabuti ang pagkatao ko at kinu-kwestiyon ang existence ko sa mundo. Grabe naman.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang sa wakas ay magsawa na siyang tapunan ako ng tingin.

"What's your name?" Tanong niya habang mino-monitor ang tumatakbong oras sa relo niyang suot. Maayos na rin ang mga libro niyang nalaglag kanina at nakatayo na ulit siya sa harapan ko.

"R-ramara po."

Buhat sa narinig ay dinapuan niya ako ng mapagtanong niyang mga mata.

"Ramara what?"

Minandohan niya akong i-angat ang tingin sa kaniya. Nang magtama ang mga mata namin ay kumalma ako agad dahil parang hindi naman pala siya galit base sa hitsura ng mukha niya ngayon. Kalmado lang, hindi pa naman umuusok ang ilong.

"Tuazon. Ramara T-tuazon..."

"You can talk to me normally. Hindi ako nangangain ng tao, Miss Tuazon."

Her Avenues [GXG]Where stories live. Discover now