Chapter Two: Earphone

208 7 2
                                    

"I love you."

"I love you, too. See you later." Paalam ko kay Cedrix bago kami magkahiwalay ng daan patungo sa kani-kaniya naming department building.

Wednesday ngayon kaya maaga akong pumasok dahil ito ang unang araw na ma-mi-meet namin ang bagong instructor sa art appreciation subject. Syempre sa akin ibinilin ni Ma'am Pluzena ang bagong teacher kaya kailangan kong pangunahan ang pag-welcome sa kaniya.

Habang tinatahak ko ang pathway papunta sa designated building for Hospitality and Tourism ay nakita ko si Seych, nakikipag-usap sa isang football player kaya tinawag ko siya agad dahil may utang nga pala akong singkwenta pesos, naalala ko.

"Tiu!" Sigaw ko sa gitna ng pathway. Saglit siyang lumingon sa gawi ko at si gaga hindi ako pinansin. Bumaling ulit siya sa kausap at patuloy na nagsalita matapos akong tapunan ng tingin.

Mukhang importante ang topic nila kaya tumabi na lang muna ako sa gilid ng daan at nangulangot, charot! Syempre 'di ko pwedeng gawin 'yon dito kaya naghintay na lang ako sa kaniya ng halos limang minuto bago siya tuluyang layasan ng kausap niyang varsity player.

"Bakit?" Nakangiti siyang humahangos palapit sa akin. 'Yung ngiti na clueless kung bakit ko siya tinawag.

"May utang ako sa'yo," pagiimporma ko.

"Fifty pesos 'di ba?" Tumango naman siyang nakangiti pa rin. Inabutan ko siya ng 51 pesos sabay sabing, "Keep the change and buy something nice for yourself," saka siya tinalikuran at humalakhak.

I felt the satisfaction, yes! Sarap maging bullshit sa buhay ng best friend ko.

"Gaga!" Bulalas niya't hinablot ako sa braso. "May assignment ka sa Rizal? Pakopya ako sa ayaw at sa gusto mo," barumbadong sabi niya.

"Hindi ka gumawa?" Gulat kong tanong dahil ito ang unang beses na nagsabi siyang mangongopya ng assignment.

"Nakalimutan ko, girl..." Napapakamot sa ulong aniya. Bumagal ang lakad namin hanggang sa huminto ako't hinarap siya ng may mapagbantang tingin.

"Seych, seryoso. Anong nangyari? Bakit hindi mo nagawa?"

Ngayon lang kasi nangyari ito sa kaniya. She was always active when it came to passing assignments and activities. Napakahalaga sa kaniya ng pagpapasa on time dahil consistent dean's lister siya kaya hindi ko lubos-maisip kung paanong hindi siya nakagawa ng assignment ngayon.

Huwag niya ring sabihin na wala siyang oras para gawin 'yon dahil siya ang kilala kong tao na napakagaling mag-utilize ng time kahit gaano pa 'yan kaikli. Hindi rin ako naniniwala na nakalimutan niya lang dahil napaka-imposible talaga.

"Papakopyahin mo ba ako o hindi?" Pambabalewala niya sa mga tanong ko kanina.

"Tanga, syempre papakopyahin kita. Gusto ko lang malaman kung bakit hindi mo nagawa 'yung assignment mo, and don't you dare tell me na you just forgot about it. Alam kong may iba pang dahilan," kalmado kong sabi. "Kaya sabihin mo na sa ayaw at sa gusto mo."

Nag-aalala ako dahil hindi ito normal sa kaniya. She's my best friend, and I want to make sure that she's not having a hard time with life, and if ever she does, I'll make sure that she's not alone in facing her battles. Nandito naman ako palagi, e. She just have to tell me para naman hindi ako mangapa kung ano ang dapat kong gawin bilang matalik niyang kaibigan.

Narinig ko ang buntong-hininga niya bago ako hilahin papunta sa gilid ng pathway. May mga bench naman na pwedeng upuan kaya doon muna kami pumunta. Maaga pa, kaya kahit umabot kami ng 20 minutes dito ay ayos lang, hindi kami mahuhuli sa klase. Ang mahalaga ngayon ay malaman ko ang dahilan kung bakit niya nakalimutang sagutan ang limang tanong na assignment sa rizal.

Her Avenues [GXG]Where stories live. Discover now