8: Healing the assassins

108 16 5
                                    

"Kailangan na nating makaalis bago pa man dumating ang ibang mga assassin." Sabi ni Raiden.

Nagsitanguan naman ang mga kasama at nagsimula na silang maglakbay muli.

Naiwan naman si Sufiah na nakatayo pa rin sa kinatatayuan nito. Hindi niya namalayan na nagsialisan na pala ang grupo ng mga hero dahil nga hinahanap pa niya si Faith.

"Uy, Faith. Sagutin mo naman ang tanong ko? Ano ako sa mundong ito? I mean, ano ang papel ng Sufi na ito sa mundong ito bago ako napasok sa kanyang katawan?" Tanong niya pa habang nakatingala sa kawalan.

"Faith uy. Langyang system na ito, bigla-bigla nalang nang-iiwan." Sambit na lamang niya ngunit natigilan nang mahagip ng kanyang tingin ang papalayong pigura ng mga hero kasama ang heroine.

Napalinga-linga siya sa kanyang paligid at napansing nag-iisa na lamang pala siya.

"See? Ang extra ay palaging nakakalimutan. Maliban sa hindi na sinasabi ang anumang nararamdaman ng mga extrang hindi mahalaga sa kwento, palagi rin silang nakakalimutan na nandoon pala sila at kasama dapat sa eksena." Sambit ni Sufiah.

Napabuga siya ng hangin saka binalingan ng tingin ang mga nakahandusay na mga assassin. Ilang sandali pa'y naduduwal na naman siya.

"Sige lang, iwan niyo nalang ako dito. May sarili naman kayong mga kwento e. May sarili din akong kwento. Hindi ako mahalagang bahagi ng buhay niyo dahil umiikot lang ang mundo niyo sa the most favored being ng mundong ito. At ako, extra lang. Extra lang." She lamented bitterly.

Umupo siya sa lupa at ipinikit ang mga mata.

"Kalma lang Sufiah. Wag kang maiinggit sa heroine. Pokus ka lang sa misyon mo. Kaya mo yan." Sabay tapik ng kanyang dibdib. Huminga siya ng malalim bago ibuka ang mga mata.

"AYMAMANGKABAYO." Ang naisigaw niya makita ang mukhang malapit sa mukha niya.

Napahawak naman si Meadows sa kanyang mukha. "Sa pagkakaalam ko, gwapo ako, paanong nagiging kamukha ko ang kabayo, Binibini?"

Napaatras si Sufiah at mabilis na tumayo. Sinamaan ng tingin ang lalaking alam niyang ayaw sa kanya. Lalo pa't may nakita pa rin siyang kulay pulang numero sa tuktok ng ulo nito.

Napangiwi siya makita ang negative 500 sa tuktok ng ulo ni Meadows.

"Negative 500 pa talaga? Ano bang kasalanan ko sa kanya? Inaano ko ba siya?" Lalong tumalim ang kanyang tingin sa lalaki.

Nag-tsk naman si Meadows. Kanina kasi nang magsialisan na sila, napansin niyang hindi sumunod si Sufiah kaya nilingon niya ito.

Napatigil din sa paglalakad si Skywill at napalingon sa likuran, saka nila nakita si Sufiah na kinakausap ang sarili. Babalik na sana si Skywill kaya nagprisenta na si Meadows na siya na ang babalik. Dito niya narinig ang sinasabi ni Sufiah na mission.

"Siguro espiya nga ang babaeng ito." Sambit niya pa bago ilapit ang mukha sa nakapikit na dalaga.

Lalo lamang siyang nainis makita ang matalim na tingin nito sa kanya ngayon, samahan pa ng ekspresyon ng mukha nito na tila ba nandidiri yata sa kanya.

Napatigil na rin sa paglalakad ang iba at napalingon sa gawi nila.

"Ano pang ginagawa niyo diyan?" Tawag ni Vills sa kanila.

Sinamaan naman ng tingin ni Meadows si Sufiah tila sinasabing kasalanan nito kung bakit natagalan sila sa biyahe.

"Ano pa bang ginagawa mo at hindi ka agad sumunod?" Naiirita niyang tanong kay Sufiah.

"Bakit ako susunod? Saan ako pupunta? Bakit ako sasama sa inyo e alam ko namang ayaw niyo sa akin at iniisip niyo pang espiya ako." Matapang na sagot ni Sufiah.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hero, Please Go AwayWhere stories live. Discover now