00 - Her Reincarnation

313 16 1
                                    

Started: March 21, 2023

"Prinsesa, kailangan mo nang magising."

Dahil sa nakaramdam ako ng malamig na bagay na parang pinupunas ang aking balikat ay wala sa sarili ko itong iwinaksi.

"Ano ba" I protest.

Parang may narinig naman akong kumalampag na kung ano kaya napabangon ako at inis kong kinamot ang aking ulo.

"Kanina ka pa ah! Ang ingay mo bwisit. May natutulog dito oh!" I said and lied to the bed again pero wait, bed? pero wala akong kama. Sa papag lang ako nakahiga kaya wala sa sariling iminulat ko ang aking mga mata.

Sumalubong sa akin ang isang malawak na espasyo ng isang silid. The anterior designs are different too.

Tumingin ako ibang direksyon at nakita ko ang isang babaeng may maaliwalas na ekspresiyon habang tinitignan ako.

"Salamat sa diyos at ikaw ay nagising na." kita ko talaga sa kanyang mukha na masayang masaya siya.

"Sino ka naman?" tanong ko at napatingin ako sa kwartong kinasisidlan namin ngayon. Natigilan naman ako. "Bakit ako nandito? Sino ka?" mariin ko siyang tinignan.

Imbes na sagutin niya ako ay iba ang naging reaksiyon niya. "Mahabaging langit." sabi nito na parang pinagsakluban ng lupa.

Bigla itong tumayo at binuksan ang pinto hanggang sa makalabas ito at sumigas ng "ANG PRINSESA AY GISING NA!! PERO WALA SIYANG MAALALA!!" ako naman na may nahihiwagaang ekspresiyon ay napailing nalang.

May saltik ba ang babaeng yon? Prinsesa daw!

Napatingin naman ako sa malaking vanity mirror malapit sa kama.

My eyes widened when I saw another reflection. Kumaway ako at ginawa naman nito kung ano ang ginagawa ko.

Tangina! Minumulto ba ako?

Tumayo ako at lumapit doon. Nang makarating ako ay agad kong kinapa ang aking mukha at ganun din ang ginawa ng aking repleksiyon sa salamin. I tilted my head to the left but my eyes are still watching the reflection and she is still imitating me.

Totoo ba'to?

I scanned my dress-pero wait...anong dress? Hindi ako mahilig nun.

Nagsimula nang mamuo ang takot sa aking sistema. Oh please! Bakit ako nandito sa katawan ng babaeng ito?

Okay Phoebe. You need to calm down.

Parang may narinig akong mga footsteps na papalapit sa kwartong ito kaya agad akong bumalik sa kama at humiga ulit. Nagsimula na namang bumilis ang aking puso.

Sabi nang maging mahinahon ka self eh.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babaeng at isang lalaki na nasa tingin ko ay nasa 40's na. They're also wearing a crown kaya napaisip ako.

Kaya ba tinawag ako ng isang babae na prinsesa dahil ang babaeng kinasisidlan ko ay isang ganun?

"Anak, after 1 year, nagising kana rin" isang malumanay na tinig ang aking nadinig kaya hindi ko mapigilang mamula sa kanyang sinabi.

Anak? Pero bakit ganun? Kapag tinignan mo siya ay hindi mo aakalaing may anak na ito.

Napadako naman ang tingin ko sa isang lalaking may malamig na awra kaya hindi ko mapigilang mapalunok. Napansin naman nito na tinitigan ko siya kaya napaiwas ako ng tingin.

Kung ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay ina ng babaeng nagmamay ari ng katawan na ito, hindi malabong tatay niya ang kasama ng nanay niya.

Should I act like I have an amnesia? Napalingon naman ako sa likod nila at nandoon ang babae kanina. Nakayuko lang ito. Tutal sinigaw naman niyang wala akong maalala kuno, papanagutan ko nalang iyon.

Napalunok ako ng ilang beses.

Okay, I decided to act like I lost my memories.

Tinignan ko ulit ang babaeng may nag aalalang napatingin sa akin.

"P-pasensya na po pero s-sino kayo?" Bahagya pa akong nautal kaya napapikit ako sa kasinungalingan ko. Sana hindi masyadong halata kasi sa buong buhay ko, ngayon ko lang to ginawa.

I heard multiple gasps.

"Totoo nga! Ang anak ko!" she cried kaya nagsisimula nang mataranta ang hari. Pati ako. Nakakahawa ang pagkataranta niya. "W-walang maalala ang anak ko. Hindi na niya kilala ang sarili niyang ina." kaya hindi ko napigilang bumangon at niyakap siya.

"Pasensya na po at wala akong maalala pero ayoko pong nakikitang umiiyak ka." kinalas ko ang pagkakayakap namin. "kasi masakit dito." pagpapatuloy ko habang tinuturo ang bandang puso. "kaya tahan na."

Hindi ako nag-iimbento. Talagang nakaramdam ako ng sakit emotionally dahil na rin siguro may pakiramdam pa rin ang katawan na ito kahit kaluluwa ko na ang nandito.

She gasped again. "Hindi ko alam anak kong matutuwa akong may maalala ka o wala pero mas gusto ko na ganyan ka. Hindi katulad noon na palagi mo kaming iniignora." What? She ignored them?

Tinignan ko naman ang hari pero mas lalong lumamig ang ekspresiyon nito. Anong ginawa ng babaeng ito? Bakit ganyan nalang makatingin ang hari sa'kin? Grabe, nakakatakot.

I sighed and hugged the queen. "Hindi ko alam kong anong nagawa ko noon i-ina" tumikhim ako. Shete. Parang may nakabara sa aking lalamunan ng sinabi ko iyon. Dahil na rin siguro na lumaki akong ulila sa una kong buhay bago ako mapunta dito. "Sana mapatawad mo ako kung may nagawa man akong bagay na ikinagagalit niyo noon ina, a-ama." tinignan ko ang hari at may ekspresyon itong hindi ko mawari. "Help me regain my memories!" yumuko ako para hindi ko makita ang ekspresyon ng kanilang mukha.

I felt two people embraced me. Nakaramdam ako ng kakaibang ginahawa sa aking puso "I hope this time, you'll treat us as your parents, not just a bank like you always do in the past na para bang you'll just approach us because you like money more than us. Prove to me that you're capable of changing." a cold voice stated and I don't why I nodded. Maybe because I can feel his pangungulila and pain.

And because this is my second life, I'll cherish them like my real parents.

to be continued...

Reincarnated As A Bitch Princess (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon