05: The Knight Commander Is Named Andrew

128 13 1
                                    

"Kailangan mo lang magpahinga para madaling gumaling ang namamaga mong paa." sabi ni Mang Alias, ang punong manggamot. Nandito kami sa isang klinika sa Sentro. Kasalukuyan niyang benebenda ang aking paa. "Bawal kang maglakad lakad ng isang linggo" Agad namang lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

"Po? Bakit ang tagal naman" reaksiyon ko agad. Parang nagsisi kaagad ako na iniharang ko ang paa ko kanina. Pwede namang patigilan ang lalaki sa ibang paraan.

Naiiyak ako sa sitwasyon ko. Mukhang ito na ang kabayaran ko sa hindi pagsunod ng utos ni King Lucas.

Kita ko sa peripheral vision ko kung paano umangat ang sulok ng labi ni Knight Commander. Mukhang masaya ang isang ito sa paghihirap ko kaya palihim ko itong inirapan.

"Pwede po after five days?" palugit ko sa punong manggagamot at binigyan ko ito ng nagmamakaawang tingin kaya tumango ito ng labis kong ikinasaya.

Sisigaw na sana ako ng 'YES' pero may idinagdag itong sinabi.

"Kung gusto mong mapilay habang buhay ay pwede naman."

Napasimangot ulit ako at hindi na nag-aksayang magtanong ulit dito dahil malulungkot lang ako.

Meron namang tumikhim kaya napalingon ulit ako sa gawi ni Knight Commander. Ang mukha nito ay para bang malapit na itong matatawa.

"Mabaliukan ka sana" bulong ko na mukhang narinig yata niya kaya tumikhim ulit ito pero ang malaberdeng mata nito ay nagsusungit na nakatingin sa akin.

"Nakikinig ka ba sa akin, mahal na prinsesa?"

Huh?

Napabaling naman ako sa mukhang nakasimangot na si Maria. "Ang sabi ko, umalis na si Mang Alias at pumunta sa ibang silid dahil meron siyang ibang pasyente na kukonsultahin" sabi nito na ikinatango ko lang. Bahagyang lumapit din ang kanyang mukha sa aking tenga. "Kaya ba nakipagputol ka ng kaugnayan kay young master Levi, dahil si Knight Commander Andrew na ang iyong napupusuan?" dagdag na bulong nito kaya napatango ako. So Andrew pala ang pangalan ng lalaking ito.

"TOTOO?!" sigaw nito kaya taka akong napalingon dito.

Magsasalita na sana ako ng magsalita ang isang kasama namin dito sa silid. "Tapos na ang aming misyon dito kaya kailangan na naming umalis!" ang mata nito ay nakatutok sa ibang direksyon kaya napaturo naman ako sa aking sarili.

"Ako ba ang kausap mo?" nagtataka kong wika pero gaya ng una niyang tingin sakin ay binigyan na naman niya ako ng isang matalim na tingin.

"Sa tingin mo?" tugon agad nito at bakas sa kanyang boses ang inis.

"Eden" malamig na tawag ng Knight Commander kaya napatingin kami dito at bakas din sa kanyang boses ang pagbabanta. Padabog naman itong umalis at lumabas sa silid.

"We'll leave!" tipid na paalam ng Knight Commander na ikinatango lang namin. Binigyan naman ako ng huling tingin nito bago siya sumunod kay Eden palabas.

"Kyaaa!! ang gwapo talaga ni Knight Commander Andrew" napatango naman ako sa sinabi ni Maria at mahina ako nitong niyugyog pero agad akong natigilan at umiiling agad.

Ipinatigil ko naman ito sa kanyang ginagawa at mahinang sinampal ang kanyang mukha "Mukhang may deperensya ang iyong mga mata kung ganun" sabi ko nalang. Ang pangit niya kaya!! Hehe charot lang pero dapat itanggi natin kasi binibigyan ng isang ito ang mga simpleng bagay ng malisya.

"Mukhang ikaw ang may deperensya sa mata, mahal na prinsesa" sagot nito kaya pabiro ko itong inirapan ito. "Pero tumango ka kanina nung sinabi ko na siya na yung bago mong napupusuan" pang aasar nito at bahagyang sinusundot sundot ang bewang ko na siyang ikinaasim ng mukha ko.

"Luh, wala akong natandaang sinabi mo yun" sambit ko na ikinalakas ng pagsundot nito sa aking bewang kaya tinikom ko ang aking bibig dahil pinipigilan kong kumawala ang aking pagtawa.

"Hindi mo ako maloloko prinsesa. Kita ko ang palihim na tinginan niyong dala-HAHAHAHAHAHA"

"Pft HA HA HA HA" hindi ko na rin mapigilan ang aking tawa dahil nakakatawa ang tawa nito at gumanti din ako sa kanya. Sinundot sundot ko lang naman ang maliit na bewang niya. Sana all may curve.

Ilang minuto kaming ganun bago kami makadinig ng isang malakas na pagtikhim dahilan na napatigil kami sa aming ginagawa.

Umaangat ang aming tingin at sumalubong sa amin ang malamig na tingin ni haring Lucas. Nagkatinginan kami ni Maria at pareho sa mukha namin ang takot. Lagot!!




SA PALASYO

"You, hard headed child!" agad naman akong napayuko ng marinig ko ang malamig na boses nito. "I thought you've changed." agad naman akong napaangat ng tingin. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa paraan ng pagtingin niya sa'kin kaya napayuko ulit ako.

"And you, servant, why did you let her leave the palace?!" agad naman akong tumayo ng makita kong papaluhod na si Maria sa harapan nilang dalawa ng reyna kaya pinatigil ko ito. Sa halip ay ako ang lumuhod sa harapan nilang dalawa kahit dama ko pa rin ang kirot sa aking kaliwang paa.

"Patawarin mo ako sa paglabag ng iyong kautusan ama. Ako ang nagpumilit na lumabas kaming dalawa at walang kasalanan ang personal kong katulong kaya kung may parusa man kayo na ipapataw ay handa akong tanggapin iyon ama" matigas na saad ko.

Sa maikling oras ay para sa'kin, kaibigan ko na si Maria kahit may mababa pa siyang antas ng pamumuhay dito sa Atlanta.

Narinig kong malakas na napasinghap ang reyna at agad akong dinaluhan at pinatayo.

Hindi ko alam na sa simpleng pagtakas namin ay magiging malaking problema ito sa amin. Kung alam ko lang sana na ito ang magiging resulta ay hindi na sana kami nagtangkang tumakas pa.

"Anak!! Hindi pa masyadong magaling ang paa mo pero may gana kapang lumuhod!" bakas sa boses ni Queen Charmaine ang inis kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Napadako din ang tingin ng hari sa nangungube kong paa. Malalim itong bumuntong hininga.

"The punishment I will impose on you is that, you cannot leave your room until your left foot is healed. As for your personal assistant, I will send her to the Cold Kingdom and she will have to stay there for two days as her punishment."

Nagkatinginan naman kami ni Maria at sabay na tumango. Every action has consequences and we should face the consequences of our actions, indeed.

to be continued...

Reincarnated As A Bitch Princess (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon