04: Knight Commander, Who Are You?

147 17 2
                                    

Napagpasyahan na naming lumabas sa maliit na shop na iyon dahil isang oras yata kaming nagtagal doon.

"Saan tayo pupun-"

"MAGNANAKAW!!" hindi na natuloy ni Maria ang kanyang sasabihin ng may narinig kaming sumisigaw sa di kalayuan namin.

Isang payat na lalaki na may dalang malaking pouch, na nasisiguro kong kita ng matandang ale na ninakaw niya, ang tumatakbo patungo sa direksyon namin.

Marami pa itong binangga para lang makatakas.

"Mahal na prinsesa, mag-iingat po kayo!" natatarantang wika ni Maria pero itinaas ko lang ang aking isang kamay para siya'y tumahimik.

Nang malapit na ito sa aming direksyon, iniharang ko ang aking kaliwang paa. Kasabay nang pagkatilapid ng payat na lalaki ay ang pagsakit ng aking paa dahil saktong natapakan niya ito.

"MARIA, KUNIN MO ANG POUCH!!" utos ko dito.

Agad namang ginawa ni Maria ang sinabi ko. Kukunin na sana niya ito ng biglang hinawakan ng payat na lalaki ang isang paa ni Maria kaya paharap siyang napahiga sa lupa.

"HUY!! ITIGIL MO NA YAN!!" kahit masakit ang kaliwa kong paa, buong lakas kong ginamit ang aking kanang paa at inis na tinadyakan ang kamay ng lalaki na nakakapit sa paa ni Maria.

Umungol ito at napangiwi sa sakit. Nakuha na naman ito ni Maria pero dahil may natural na liksi ang kamay ng lalaki ay nabawi na naman niya ito.

Para kaming tanga na nag aagawan ng pouch.

Ang iba naman ay tinignan lang kami at parang walang balak na kami ay tulungan kaya palihim akong umiling.

Biglang napatahimik ang paligid kaya napatigil kaming tatlo sa pag aagawan nito. Dahil parang tuod na ngayon ang payat na lalaki, kinuha ko itong oportunidad para kunin ang ninakaw niyang pouch.

Napangiti naman ako pero agad iyong nawala ng biglang may isang kamay ang kumuha nito sa'kin. Napaangat ang aking tingin dito at agad na nagtama ang aming paningin.

Una kong napansin ang malaberdeng kulay na mga mata nito at ang kanyang kulay pilak na buhok. Napaawang ang aking bibig dahil sa paghanga. Grabe mga beshie!! Ang gwapo!! pero katakang takang malamig ang tingin na binigay nito sa'kin.

"So it's true that you're finally awake huh!" he coldy said at bigla akong napahawak sa aking balikat. Woah! Ang lamig.

"Get up! A princess shouldn't laid down in the land" sabi nito. Hindi ko na namalayan na nakahiga na pala kami sa lupa habang nag aagawan sa pouch kaya agad akong umupo sa lupa pero agad napangiwi dahil sa kirot na nararamdaman ko sa aking kaliwang paa. Oo nga pala. Natapakan pala ng payat na lalaki na ito ang paa ko.

"Knight Commander!" hindi ko na napansin na may maliit na grupo pala siyang kasama na mga kawal.

Lumingon naman ang mga ito sa aking gawi at agad na nanlaki ang kanilang mga mata. "P-prinsesa Andrea!!" at sabay sabay din silang yumuko na ikinatango ko lang.

"At ease" I said and gave them a small smile and their eyes widened because of it. May iba pang namula pero kapansin pansin ang isang kawal na may masamang tingin sa'kin.

"Eden, get the culprit!" Agad namang sumunod ang Eden daw. Siya yung lalaki ang may masamang tingin sa'kin.

Kinuha niya ito na parang wala lang. Sabagay, may matikas na pangangatawan ang nagngangalang Eden samantalang ang lalaking hawak niya ay payat lamang na para bang madali lang siyang saktan.

Tinulungan ako ni Maria na tumayo dahil hindi ko ito kaya na mag-isa.

"Sabi ko naman sayo na mag-iingat ka eh" para na itong maiiyak habang sinusuri ang aking kaliwang paa. Parang malapit na itong magkulay ube. Kaya pala ang sakit huhu.

Nawala lang aming atensiyon dito ng pumunta ang matandang ale sa aming direksyon. Walang humpay siyang nagpapasalamat sa amin ni Maria. Isa daw kaming tagapagligtas niya. Hindi niya din inaakalang isang prinsesa pa ang magliligtas sa kanya kaya tatanawin niya itong utang na loob.

"Wala pa iyon. It is my duty as a princess to help my co-citizens" I answered at kita ko kung paano tumaas ang kilay ng Knight Commander sa aking tinuran.

"Sasabihan ko si King Lucas tungkol dito dahil kahanga hanga ang ginawa mo kanina, mahal na prinsesa" saad nito na ikinakaba namin ni Maria.

"H-huwag na po. Masaya akong natulungan kita. S-sapat na po iyon sa akin." sagot ko dito.

"Oo n-nga po. Bukal sa loob namin i-iyong ginawa kaya hindi mo na kailangan s-sabihin sa mahal na hari ang tungkol dito" rinig ko rin sa boses ni Marie ang kaba.

Okay lang sana kong gumala kami na may pahintulot nila pero tumakas lang kami at siguradong malalagot kami nito.

Nagpasalamat muli ang matandang ale sa amin hanggang sa napagpasyahan nitong bumalik sa kanyang maliit na tindahan.

Napansin namin na nandito pa rin ang Knight Commander kasama si Eden.

"You wandered here without your father's permission." It's not a question. It's a statement.

"So?" nagsusungit na wika ko kaya napangiwi ito at sumama naman ulit ang tingin ni Eden sa'kin.

Problema ng isang ito!!

"So I'll tell this to King Lucas, but for now let's go to the 'punong manggamot' " sabi niya kasabay ng pag angat ko sa lupa. Dahil sa gulat, napakapit ako sa kanyang batok.

Kita ko ang pagsimangot ni Eden at ang kinikilig na si Maria kaya lihim kong pinandilatan ito.

Lumakas ang pintig ng aking puso, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa kaba dahil siya ang unang lalaki ang gumawa ng bagay na ito sa'kin. Sino ba ang lalaking ito?

to be continued...

Reincarnated As A Bitch Princess (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon