Chapter 8

86 5 0
                                    

CHAPTER 8:

Humiga ako sa kama ko at hindi mapakaling tumingin sa kisame. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, napaisip ako kung tama ba naging desisyon ko kahapon sa sinabi ni Chad. Masyadong mabilis ang pangyayari pero syempre nagsabi ako ng 'oo'. Sino ba ako para tanggihan si Chad Louis A. Rivera? Ang iniisip ko lang ay kung ano ang magiging reaksyon ko ng magulang ko sa mga pinaggagawa ko.


Tumingin ako kay Chad na busy sa laptop niya, narinig ko ang malalim na paghinga niya habang may tinitipa sa keyboard ng laptop niya. Hanggang sa may malakas na kumatok sa kwarto dahilan para lumingon kami sa pintuan.


"KUYA! KUYA!"


Mabilis na tumayo si Chad at galit na binuksan ang pintuan.


"What the fck?!"


Nakita ko ang tatlo na kumag na nasa pintuan. Pareho silang taranta na lumingon sa akin at kay Chad. Nagulat ako nang makita kong umiiyak sina Chase at Chasen. Iba rin ang awra na binibigay ni Charles.


"What the hell is this all about?! Bakit ganiyan ang mga itsura niyo?"


Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga titig nila sa akin at kay Chad.


"K-Kuya, Charlie was m-missing. Wala siya sa playground ng school nila. Wala rin nakakita kung lumabas siya ng school."


Pareho kaming natigilan at nagulat ako nang mabilis na lumabas si Chad sa kwarto. Mabilis akong sumunod kay Chad. Narinig kong ang yabag ng tatlo na sumunod sa amin.


"Fck!" Dabog na pumasok si Chad ng kotse at mabilis naman akong sumakay.


"Magreport kayo sa police station." malamig na sabi ni Chad sa mga kapatid niya.


Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan at hindi na hinintay pa ang sagot ng tatlo.


"I'll ki11 my self if something bad happens to Charlie."


Nakita ko ang panginginig ni Chad habang nagmamaneho.


"Where the fck are you, Charlie?"


Mabilis na nangilid ang mga luha ko nang nakita kong pumatak ang mga luha ni Chad. Isang malakas na preno ang ginawa niya dahilan para muntikan na akong tumalsik sa upuan ko.


"D4MN IT!" Hinawakan ko ang braso niya.


Nawala ang kayabangan, ngisi at masamang titig nito. Para siyang isang tatay na umiiyak ngayon dahil nawawala ang anak niya.


"Hindi ko alam kung s-saan ko siya hahanapin. I do not fcking know!" Hinampas niya ang manibela.


Mabilis ko siyang niyakap.


"Mahahanap din natin si Charlie."

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon