Chapter 21

84 5 0
                                    

CHAPTER 21:

Limang araw na rin ang nakakalipas simula no'ng huling makita ko si Chad. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung mahal pa rin ba niya ako.


Mabilis akong nagising sa reyalidad sa tumawag sa pangalan ko.


"Woy? Bingi nito, tawag ka ni Jax kanina pa!" Ilang beses akong kumurap sa boses ni Jacob.


"Alam mo bastos ka talaga!" Iniripan ko si Jacob at naiilang akong ngumiti nang makita kong nakatitig si Gavin sa akin.


"Are you okay?" tanong nito, nag-aalala.


Nakita ko kung paano kami titigan ni Jacob at umiling.


"Dude, ayoko siya ang magiging girlfriend mo. Sinabihan akong bastos! Pasalamat talaga na babae siya!"


"Hoy! Parang hindi mo ako tinawag na baby no'n!" Mabilis na natigilan si Jacob at umiling.


"Sinapian lang ako ng demonyo no'n, k bye!"


Mabilis siyang umalis sa harap namin at iniwan kami ni Gavin.


"Are you okay?" Mabilis akong tumango at pilit na ngumiti.


Ngumiti si Gavin at inaya na akong sumakay sa kotse niya. Ngayon ko lang napansin na gabi na pala. Nang sumakay kami pareho sa sasakyan niya ay walang nagsalita ni isa sa amin.


Tahimik lang din na nagmamaneho si Gavin.


"Gusto kong uminom ng alak!" Gulat na lumingon sa akin si Gavin.


"Sure ka?" Tumango ako.


Nagmaneho ulit siya pero this time pabalik na sa condo. Katulad nang ginagawa niya ay pinagbuksan niya ulit ako.


Mabilis kaming binati ng guard nang pumasok na kami sa condo. Sumakay kami ng elevator at tumungo sa kwarto ni Gavin.


Mabilis akong tumungo sa kusina at naghanap.


"Herencia Historico 27 De Mayo XO, Mexican Tequila?"


Aba, yayamanin.

Nakita kong sumulyap si Gavin sa akin.


"Magkano ito? Nasa 1k?" Tumawa siya at umiling.


"6,190." Nanlaki ang mata ko at mabilis na binalik sa refrigerator ang hawak ko.


"SALAMAT NA LANG, ACTUALLY SABI KO NGA MATUTULOG NA AKO!"


Tumawa siya nang mahina at napailing. Mabilis akong naglakad papaalis sa refrigerator. Dahil sa kakamadali ko ay natisod ako dahilan para matamaan ko si Gavin. Halos gumuho ang mundo ko sa sakit ng paa ko.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon