Chapter Thirteen: "All About That Night"

172 3 0
                                    

Can I sleep beside you tonight?

...

I was dumbfounded after hearing what he just said.
Gusto niyang makatabi akong matulog. Wait, matutulog lang naman diba?! Wala naman sigurong masama kung-- wait lang... Parang nag lag yung utak ko at hindi ako makapagsalita.

"I—I'm sorry! I was wrong to ask you that. I didn't mean to—"
"Okay."
"Okay? You—You mean..."
I nodded then leaned on his shoulder. Wala namang meaning yung magkatabi lang na matulog, hindi ba? I don't want to lie to myself dahil gusto ko rin naman. At wala rin naman akong iniisip na masama... I just want to make memories with Eun-woo.
"Don't worry, I won't let us get caught."
Yun lang. Ang laking eskandalo pag may nakakita saking pumasok sa kwarto niya.
"O-Okay... But, how do I get out in the morning?"
"Well, umm— I guess we have to get up early?" Napa facepalm siya at umiling.

"Sorry, Angela... It's making you uncomfortable." He sighed.
"No, it's fine. But I have to get to my room first. Daisy might look for me."
"Oh, right... Daisy."
Nahihiya na tuloy siya ngayon at itinatago ang kanyang mukha sa likod ko.
"After I finish editing my vlog, I'll text you."
"Okay. I'll be waiting."
I kissed his cheek at nauna na akong pumasok ng resort na parang ninja. Hahaha!

Pagkapasok ko ng kwarto ay bumangon si Daisy at binati ako.
"I went for a walk. The beach is pretty nice at night!"
"Awwee~ I want to go out too, but I feel really tired. I wish I joined you."
"We can go tomorrow after the shoot if you want."
"Okay! Let's do that, Angela."
"I have to edit my vlog right now too."
"Fighting!"
Nagmadali akong i-set up ang mga gamit dahil alam kong matatagalan ako. Inaantok ako pero bakit parang may lakas pa ako? Excited yarn? Waaa~!

"I'll sleep first, Angela... Good night!"
Nilingon ko siya at ibinaba niya ang kanyang cellphone at nagkumot.
"Good night, Daisy~ Let me know if you need something, okay?"
"Okay~"
Para bang nakalunok ako ng limang bote ng energy drink at ang bilis kong mag edit ngayon. I checked the clock and it's almost 9 PM. Palihim kong nilingon si Daisy na nakatalikod sakin at mukhang tulog na tulog na nga. Syempre, pagod na pagod siya kanina at sobrang init pa. Maaga na naman kasi sila bukas eh. Yung isa kaya? Baka mamaya pala, nakatulog na siya. Buti naman kung ganon noh. Ninenerbyos na nga ako ngayon pa lang.

Sumandal ako sa upuan at napapikit nalang nang matapos kong i-upload ang vlog. Nice, bukas ulit! San na naman ba ako neto bukas? Hindi kaya mahahalata ng mga makakapanuod na pareho kami ng location ni Eun-woo? Wag na nga lang. Bad idea!
Kinuha ko ang phone ko at sinabi kay Eun-woo na tapos na ako sa ginagawa ko.

Pumasok muna ako ng banyo para mag toothbrush at magpabango. Sana hindi ko magising si Daisy. Lagot ako pag nagkataon.
I tried so hard to sneak out at napabuntong-hininga nalang nang maisarado ko na ang pinto. Sumandal muna ako dito at nag update kay Eun-woo. Dahan-dahan akong umakyat ng hagdan at pumunta sa dulo kung saan ang kwarto niya. Tahimik na bumukas ang pinto at sumilip si Eun-woo na malapad ang mga ngiti. He pulled me against him, as if he'd never get close enough and that he could fold me inside of him, as if he'd keep me warm and safe.

Tae, ang bango niya talaga!

"You worked hard... I'm proud of you."
Sabi niya sakin habang tumatawa at sinusuklay ang buhok ko habang magkayakap kami. Pabiro ko siyang hinampas sa kanyang likod at kumawala. Nilibot ko ang kanyang kwarto at grabe, para siyang babae dahil sa sobrang linis nito na akala mo'y walang nag occupy ng kwarto. Nakita ko ang glass door patungong balcony na tanaw ang dagat.
"And the view from here. It's so nice. I only see this in movies."
Lumapit ako dito para silipin ang labas. Bago ko pa man mabuksan ang pinto ay yumakap si Eun-woo sakin mula sa likod. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Imbis na kiligin ako ay bigla akong naging conscious dahil baka hindi niya magustuhan ang amoy ng perfume. O baka may dumi sa leeg ko! Waaa~!

RESTRICTED CHAPTERS: A Star My Hands Can Never Hold Where stories live. Discover now