Kuya Sa Umaga, Asawa Sa Gabi (Part 17)

1.8K 37 1
                                    


CHAPTER 17






Pagkatapos na magpakasasa nina Vince at Raven sa swimming ay nagpasya na silang umahon at bumalik sa kanilang cottage upang tulungang ihanda ang kanilang lulutuin na mga ulam. Silang dalawa ang nag ihaw sa chicken, pork at beef upang gawing ulam para sa kanilang lunch. Di katagalan... habang abala pa sa pag-iihaw sina Raven at Vince ay may narinig silang mga babaeng papalapit sa kanilang cottage.





"Hi boys!!..." agad na bati ng mga babae sa mga agents ni Raven.





"Hi babe!!.." sagot naman ni Skyler sa isang babae sabay lapit nito at agad na hinalikan sa labi.





"As expected... may babae na naman si Skyler ngayong araw..." natatawang sambit ni Raven.





"Hi Raven... how are you??..." bati naman ng isang babae kay Raven.





"Hi Vanessa... I'm good.. buti naman nakarating ka..." sagot naman ni Raven kay Vanessa.





Si Vanessa ay yung babaeng naging dahilan ng breakup nina Carlo at Glen sa My Forbidden Love. Dakilang p*kp*k itong si Vanessa kaya kahit sino sinong mga lalaki na lang ang kinakalantari nito.





"Of course... hindi ako papayag na may lumandi na ibang babae dito sa Skyler ko na ito noh... akin lang ito eh..." nakangiting sagot ni Vanessa kay Raven sabay yakap nito kay Skyler.





"Oo naman Vanessa.. sa'yong sa'yo yang si Skyler.." sagot naman ni Raven kay Vanessa.





"Siya nga pala Raven... may bago kang boylet ah.. sino yan??..." biglang tanong ni Vanessa kay Raven sabay turo nito kay Vince.





"Ayyy!! Ayyy! Ayyy! Off limits ka dito Sis Vanessa... akin ito... hahahaha.. madami sila diyan oh.. diyan ka na lang pumili..." natatawang sagot ni Raven kay Vanessa.





"Hmmpp.. ang damot naman nito... kikilalanin lang eh,. Sige na nga.. halika na babe.. let's look for some room..." agad na aya ni Vanessa kay Skyler.





"Masyado ka namang excited babe pero sige.. let's go..." natatawang sagot ni Skyler sabay hila nito kay Vanessa.





Nang makaalis na sina Skyler at Vanessa ay agad namang lumapit ang ibang mga kasama na babae ni Vanessa sa mga agents ni Raven.





"Palagi bang nangyayari ito sa team building niyo bunso??..." agad na tanong ni Vince kay Raven habang nag-iihaw sila.





"Yes Kuya... for 2 years... hindi nawawala ang babae sa team building namin.. well.. expected na yan kasi puro mga lalaki ang agents ko eh.." sagot naman ni Raven kay Vince.





"Eh ikaw?? Ano'ng ginagawa mo pag ganyan??..." tanong ni Vince kay Raven.





"What do you mean na ano'ng ginagawa ko??..." nagtatakang tanong ni Raven kay Vince.





"Like.. hindi ka ba naiinggit kasi may kalandian ang mga agents mo??.." sagot naman ni Vince kay Raven sabay tawa nito.





Kuya sa Umaga, Asawa sa GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon