FORTY NINE: WHO'S GUILTY AND WHO'S NOT?

25K 855 73
                                    

FORTY NINE: WHO'S GUILTY AND WHO'S NOT?

TUCKER'S POV

Dumiretso ako sa school para kausapin ang lahat ng kakilala ni Vive. Hindi ko alam kung gaano ako kabilis nagdrive papunta dito basta ang alam ko ilang beses na akong muntikan mabangga. Una kong nakita ang naglalampungan na magsyotang Trav at Suzie kaya mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa.

"Dude naman walang ganyanan." Pagbibiro ni Trav nang mapansin nyang wala ako sa mood makipagbiruan. "Anong problema?"

"Nakita nyo ba si Vive?" Seryoso kong tanong sa kanila. Tumingin ako kay Suzie.

"Hindi. Wala akong balita sa kanya since kahapon. Hindi ko din sya nakita dito sa school." Sagot ni Suzie.

"Please, please kapag nakita nyo sya o may narinig kayo sa kanya pakitawagan ako kaagad." Sobrang nag-aalala na talaga ako sa kanya. Ewan ko kung OA lang ako pero iba yung pakiramdam ko.

"Dude anong nangyayari?" Alam kong naramdaman na ni Trav na hindi ako mapakali.

"Hindi kasi nagpaparamdam si Vive sa'kin kagabi pa. Ang - ang sabi nya papunta na sya sa meeting place nila Yvonne pero wala na akong narinig from her. Kung nakarating ba sya dun o kung anong nangyari!! Dapat talaga inihatid ko na sya!!!" Nagi-guilty ako. Kung may mangyaring masama sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Relax lang dude. Hindi nya gugustuhin na sisihin mo ang sarili mo. Baka naman nakarating sya dun tapos kinulong nung sinasabi mo sa kung saan." Sabi ni Trav.

"Hindi daw dumating si Vive sabi ni Yvonne. Pero alam ko talagang pupunta sya." Hindi ako mapakali at sinusubukan ko pa rin syang tawagan. "Patay pa rin ang phone nya."

"Okay. Relax. Baka kasi naholdap sya tapos naglalakad lang sya pauwi." Sabi ni Suzie at mabilis tinakpan ni Trav ang bibig nito.

"Thanks dude." Sabi ko kay Trav. Hindi ko kayang mag-isip ng negative ngayon. Hindi ko kaya. "Saan naman kaya sya pupunta? Irereport ko na na nawawala si Vive."

"WHAT? NAWAWALA SI VINCY?!!!" Isang malakas na sigaw ng tatlong babae mula sa likuran ko - ang tatlo nyang mga kaibigan.

"Tucker! Sabihin mo anong ginawa mo kay Vincy!!!!" Galit na tanong ni Cherica.

"Kung pinlano mo syang saktan o gawan ng masama sana hindi mo na lang sya niligawan!!" Galit na sabi ni Amber.

"Akala ko nagbago ka na simula nung makilala mo si Vincy. Pero ganun ka pa rin pala." Nalulungkot naman si Levz.

"Ano bang mga pinagsasabi nyo? Ano namang kinalaman ko sa pagkawala nya? Di pa ba obvious na worried ako?" Hindi ko kasi sila maintindihan. Of all people ako yung pagiisipan nila ng ganun.

"At bakit hindi? Ikaw lang naman ang kasama nya kagabi. Ikaw lang ang magiging dahilan kung bakit hindi sya makontak ng kahit na sino!!!" Galit na sabi ni Cherica.

"Ako? Paanong naging ako?" Tinitigan ko silang tatlo at isa lang ang nakikita ko sa mga mata nila - galit. "Hindi ko maintindihan. Pakipaliwanag!!"

Kinuha ni Levz ang cellphone nya sa bag at iniabot sa'kin. "Tingnan mo yan. Yan ang ebidensya na magkasama kayo kagabi."

Girls, I'm with Duck! I'll be spending the whole night with him. I'll tell you the details tomorrow. Love y'all!

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon