FIFTY THREE: SHE WANTS THE TRUTH!
SUZIE'S POV
"Vincy, promise ko sa'yo ipaparape ko rin sa mga tomboy sa loob ng kulungan yang step sister mo!!" Sabi ni Levzkane.
"Hindi ko sya mapapatawad. Pinapangako ko sa'yo sisiguraduhin kong mabubulok sya sa kulungan." Galit na sabi ni Amber.
"Yung uncle ko magaling na lawyer. Sasabihin kong hawakan ang kaso na yan para siguradong hindi sya makakawala." Sabi ni Cherica.
Nandito kami sa kwarto ni Vincy sa bahay nila. Nakalabas na sya ng hospital. Ayaw nga nyang umuwi pero wala din naman syang nagawa dahil mahina pa sya.
"Thank you ha." Nanghihina nyang sabi.
"Wag ka na munang magsalita. Kami na ang bahala sa lahat. Kami na rin gagawa ng mga dapat isubmit sa school para makasama ka sa list ng gagraduate. Hindi kami papayag na ikaw na ang biktima ikaw pa ang mahihirapan." Gigil na gigil si Levzkane dahil sa nangyari. Pero nung nalaman nila ang nangyari kay Vincy hindi sila maawat sa pagiyak. Umiyak muna sila ng umiyak at ipinangako nila na hindi sila magpapakita ng awa o pagkalungkot sa harapan ni Vincy dahil alam nilang yun ang huling bagay na gustong makita ng kaibigan nila.
"Lumayas ka na dito!!! Wala kang utang na loob!! Pinagaral ko ang anak mo dahil sa asawa kita pero anong ginawa nyo sa anak ko? Sya pa ang nagtatrabaho para makapagaral?!! Hindi na nahiya yang anak mo sa ginawa nya sa anak ko!! Wala kayong mga kwentang tao!! Lumayas ka at wag ka ng babalik!! At sinasabi ko sa'yo, mabubulok ang anak mo sa kulungan!!!! Lumayas ka na kung ayaw mong madamay pa!!!" narinig naming sigaw ni tito sa labas ng kwarto.
"Maniwala ka wala akong alam sa ginawa ng anak ko. Kung alam ko yun hindi ko sya papayagan. Pipigilan ko sya. Hindi na makatao ang ginawa nya sa anak mo. Pero itinuring ko ding anak si Vincy habang wala ka. Ako ang nag-alaga sa kanya. Kung merong may nagkulang dito, ikaw yun!!" galit na sagot ng step mom ni Vincy.
"Suzie, pakisarado naman ng pintuan." Nanghihinang utos ni Vincy na agad ko namang ginawa. "Nangyari na ang nangyari. Hindi na rin naman yun maibabalik. Pag bumalik na ang lakas ko gusto kong kausapin si Yvonne."
"Hindi kami papayag Vinz. Hindi ko nga alam kung anong magagawa ko kapag nakita ko sya. Baka bumaon na lang sa mukha nya 'tong mahaba kong kuko." Nanggigigil na sabi ni Amber.
"Alam nyo hindi naman mapapagaan ng loob natin ang makaganti kay Yvonne. Kahit mapatay natin sya hindi na natin maibabalik ang lahat. Hayaan natin ang batas ang gumawa ng paraan." Paliwanag ko sa kanilang lahat. "Lalabas lang ako sandali at kukunin ko ang gamot ni Vincy. Dadalhan ko na rin kayo ng pagkain." Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina. Nakita kong pinagtatabuyan pa rin ni tito ang asawa nya at iyak ng iyak naman ang kawawang babae.
Matapos kong maihanda ang pagkain at gamot ay pabalik na rin ako sa itaas ng makita kong nakatayo sa may pintuan si Tucker. "Kumusta si Vive? Ayos lang ba sya? Hindi ko pa sya nakikita o nakakausap simula ng magkamalay sya."
"Nandun sya sa taas kasama nila Levz. Gising din sya at dadalhan ko ng pagkain. Sumunod ka na lang sa'kin." Sabi ko kay Tucker. Pagbukas ko ng pintuan ay nagkukwentuhan silang apat. "Vincy, meron ka pang isang bisita."
Tumingin si Vincy kay Tucker pagkapasok nito ng pintuan. "What is he doing here?" Napabangon si Vincy ng mabilis. "Paalisin nyo sya dito!! Umalis ka dito!!"
"Pero bakit? Gusto lang kitang makita! Miss na miss na kita Vive. Please naman kahit sandali lang kausapin mo ako." Naawa naman ako kay Tucker.
"Ayaw na kitang makita. Umalis ka na!! Umalis ka na!!!" Sigaw ni Vincy habang binabato ng unan si Tucker.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
General FictionTucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl from his school. Is this the end of Tucker Fanton's move or the beginning of a new story that he, himse...