Chapter 34

5.8K 134 3
                                    

"Maria I have something to tell you"

"A-ano yun asawa ko"

"Pupunta muna ako ng manila dahil-dahil may kailangan lang akong ayusin."

"Huh i-iiwan mo kami paano naman si.."

"Babalik rin kaagad ako at saka ko na kayo kukunin lahat sadyang ngayon marami pang problema kailangan kong tulungan ang kambal ko"

Naguguluhan sya sa aking sinasabi.

Huminga ako ng malalim at sinabi sa kanya ang katotohanan.

"Kambal ko ang nag papatay saakin kaya natagpuan ako nila itang at inang sa mga batuhan dahil tinapon nila ako noon sa ilog"

"Huh bakit nya ginawa sayo yun"

"Kase-kase sinira ko ang kaligayahan nya katulad ng meron ako ngayon. Maraming ganap noon Kaya maria ilang araw lang ako mawawala at babalik din kaagad okay"

"Promise?"

"Promise" then I kiss her.

Kinaumagahan nag ayos na ako dahil makikisabay ako sa kakilala ko na pupunta ng manila driver sya ng truck ng mga gulayan.

Pagkatapos kong halikan at yakapin ng mahigpit si Maria ay sinunod ko namang kinuha ang aking anak.

"Angel wag kang makulit kay mama a hangga't wala ako "

"Papa" my daughter said.

Brown man ang kanyang mga mata ngunit kuhang kuha naman nya ang aking lahi.

Matangos ang ilong maputi ang kanyang balat katulad ng akin at medyo mapula rin ang kanyang pisngi lalo na kapag sya ay naarawan or naiinitan.

Brown din ang kanyang buhok nakuha nya ito sa aking lola.

Pag katapos ko syang buhatin at yakapin din ng napakahigpit ay ibinigay ko na sya sa aking asawa.

"Mag iingat ka laurence babalik ka a"

"Syempre naman pamilya ko kayo"

"Iho"

Sumakay nako sa truck ng mga gulayan at kumaway para mag paalam.

Nag simula ng umandar ang sasakyan at unti unting lumisan sa lugar na iyun.
.
.
.
# ALAIN (kc) POV

Pinipilit akong subuan ni Lorenzo ng pag kain nung una ayaw ko pa pero dahil sa wala nakong magawa pa ay.

Pumayag na ako.

Kamusta na kaya si Lester gusto ko syang puntahan at tignan ang kalagayan nya.

Gusto ko na ako ang mag aalaga sa kanya at gamutin ang mga sugat nya.

"Bakit kanina kapa tulala dyan"

Natigilan ako ng mag salita si lorenzo.

"A-"

Kinalabog nya ang mesa ng malakas.

"SI LESTER NANAMAN BA ANG INIISIP MO KC PAMBIHIRA KA NAMAN GUSTO MO NA TALAGANG PATAYIN KO ANG GAGONG YUN"

"Hin-hindi lorenzo hin-hindi sya at tyaka andito na ako bakit mo pa idadamay yung taong nag alaga saakin at sa mga anak mo"

Nag sinungaling nalang ako para matapos na ang pag babanta nya sa aking mahal

"KAYA KO NGA SYA HINAYAAN NA DIBA PERO IKAW HINDI MO PARIN SYA MAALIS ALIS SA ISIPAN MO"

Napahiyaw ako ng kinalabog nya ulit ang mesa at saka sya tumalikod then umalis sa kusina.

Tumulo namaman ang aking mga luha, iyak ng iyak sa bawat ginaganito ako ni Lorenzo.

Hindi sya ganito dati noong hindi pa ako tumatakas pero ngayon nag bago na sya.

He married me (COMPLETE) Guenco #1.Where stories live. Discover now