CHAPTER14

2 0 0
                                    

Tapos na ang bakasyon ko pero parang hindi naman ako nagbakasyon dahil naging busy ako. Bukod sa rehearsals, nag driving lesson din ako tapos lagi na ring nag g-gym. Wala na akong pahinga. Bukas naman ay first day ko as a college student.

Napagkasunduan namin ni Rend na sabay kaming papasok, susunduin niya raw ako. Simula rin noong Graduation ko ay hindi pa umuuwi sila Mama. Mag a-apat na buwan na sila sa Tagaytay. Oo, nami-miss ko sila pero kung puro sermon din lang ang maabutan ko pag uuwi ako tuwing andito sila ay wag nalang.

Saktong natapos akong maglagay ng blush on at lipstick ay narinig kong nag do-dorbell na si Rend. Ngumiti ngiti pa ako sa harap ng salamin saka kinuha ang aking mga gamit at bumaba na para umalis ngunit ang hindi ko inaasahan ang bumungad saakin.

"Ma" Naka uwi na sila?

"Ba't 'di ka ata masaya?" She asked saka tumingin sa likod niya at doon ko nakita si Rend na nag aantay. Kinabahan ako bigla. Alam na ba nila?

"May nag aantay sayo sa labas kanina, boyfriend mo?" Tanong ni papa habang naglalakad papalapit.

"No!" Deny ko kaagad at iniwasan ko ang tingin ni Rend. "Kaibigan ko lang siya pa, sinundo ako para sabay kaming papasok." I explained.

I'm sorry Rend.

"Okay, you may go"

Nagmano muna ako sakanila bago hinila papaalis si Rend sa tapatng bahay. Isang taon siyang nanligaw sa akin at mag a-apat na buwan na kaming magkasintahan pero ni minsan ay hindi ko nababanggit sakanya ang tungkol kila mama, tungkol sa sitwasyon namin. Although ilang beses na niya akong nakitang mag breakdown, never ko binanggit sakanya ang rason.

Tahimik lamang kaming naglalakad hanggang sa makalabas kami sa village at nag aabang nang masasakyan. I don't know where to start. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag sakanya ng hindi siya masasaktan.

"Rend.." I tried to touch his hand pero itinaas niya ito bigla para mag para kahit na wala namang dumaan na tricycle. Ikinuyom ko ang kamao ko saka nag iwas ng tingin. I'll give him some time to calm muna.

"I'm sorry." That's all I can say hanggang sa makapara na nga siya ng masasakyan namin.

Mag isa ko sa loob at doon siya sa backride sumakay. A tear escaped from my eye.

Why am I crying, it's my fault na nasaktan siya.

Hanggang sa makarating kami sa school ay wala pa rin siyang imik, tahimik lang kami pero asa likod ko siya, sinasabayan niya pa rin ako papunta sa music room dahil mag pe-perform pa kami ngayong first day high.

Nang malapit na kami sa Music room ay tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanya.

"Rend." I tried to call him and get his attention pero umiwas siya ng tingin at nag hello sa mga kilala niyang nadadaanan namin.

"I'm sorry.. Me and my parents have problems at ayaw kong madamay ka kaya ganon ang nasabi ko kanina. I know I hurted your feelings and I'm very sorry Rend.. I never meant to.." Yumuko ako nang nagsimulang manubig ang gilid ng aking mga mata't nagsiunahang tumulo ang mga luha ko.

Nanatili lang ako sa ganoong pwesto hanggang sa naramdaman ko siyang niyakap ako at hinahaplos ang buhok ko para tumahan ako.

Mas lalo tuloy akong napaiyak. Hindi dapat ako ang cinocomfort eh. Hindi naman ako ang nasaktan, siya ang nasaktan ko. Bakit ang ending ako nanaman?

"Stop crying baby" He said and kissed my head. I hugged him back tightly saka isinuksok ang mukha sa kanyang dibdib hanggang sa kumalma ako.

I hate how much of a cry baby I am.

"What is this!? Suazon and Villar!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang galit na boses ni Ma'am Nol. Shit!

Kumawala kaagad ako kay Rend saka palihim na pinunasan ang mga luha kong natira. How should I explain it to ma'am when she saw it with her own two eyes. I'm not worrying about me, I'm worried about Rend. There's a possibility he'd lose his scholarship.

"Ma'am-" I was about to explain when Rend grabbed be by the waist at inilapit sakanya, nakita ko kung paano lumaki ang mga mata ni Ma'am nol dahil sa nakita.

"Cameron and I are in a relationship po ma'am" Walang emosyong ani ni Rend. But I know that he is nervous too. We both know how ruthless ma'am is when it comes to Chorales' rules.

Ma'am Nol sighed saka sinabing pumasok sa loob. Nauna siyang pumasok sa loob at nakasunod lamang kami. Dumiretso si ma'am sa may Piano banda at ibinaba dito ang kanyang mga gamit. Tumingin siya sa gawi namin at pinapunta sa gitna. Mukhang nakaramdam ang mga kasama naming Chorale kaya nagsitigil muna sila sa pag aayos at bumalik sa upuan.

Now it's just us, the three of us na nakatayo sa gitna.
"Jayson." Ma'am Nol called Kuya Jayson, our President.

This is bad. Real bad. At alam ko kung saan ito papunta kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko.

"Ano nga ulit ang Rule No. 3?"
"No Dating within the Choir community po ma'am" Kuya Jayson said.
"At anong punishment kapag hindi na obey?" Itinaas ni ma'am nol ang kanyang kilay at kumuha ng upuan at umupo mismo sa harapan-tapat namin.

"Pag Wala pang one year sa Chorale ma'am, 1st warning. Talk with the Officers. Kapag dalawang beses na nakita, Talk with you na po ma'am at pangatlo, one has to leave. Kapag naman kasama ng Performing Group at may scholarship, one has to give up Chorale and Scholarship." Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata.

Ako ang aalis. No matter how much I love Chorale, Singing, I'll leave. For him.
I can't let him lose that Scholarship. He needs it and I don't at alam kong he'll grow well here. He still has a long way to go in this Family.

It's hard. But if I had to choose who I let go, Chorale or Rend. I'd give up Chorale. I can't afford to lose Rend.

"I'll give up" My eyes widened in shock when Rend said that.
"What! No!!" Angal ko.

Hindi ako papayag! He deserves it more than me! Hindi niya kailangang umalis para saamin!

"Alright, you may leave now" Ma'am Nol said saka tumayo't nagtungo sa Piano "Vocalization!"

Nakatulala lamang ako habang tinitignan si Rend na umalis ng Music Room. Ganoon nalang? Hindi pwede, I'll talk to ma'am later.

"Ma'am sino na po mag so-solo?" Neil asked.

Oo nga. Sa Performance namin ngayon may Solo si Rend pero hindi na niya ma pe-perform dahil sa akin.

I always ruin him.. Why?

Chorale Series 1: Cameron SuazonWhere stories live. Discover now