Chapter 6:The Ancient Magic and Ancient Guardian

121 10 1
                                    

Asayah.

Gaya ng nakasanayan ay gumising na ako sa aking silid at agad naring naligo, isinoot ko narin ang aking uniporme at agad na itinali ang aking buhok dahil minsan ay naaalinsangan na ako rito

Nang tumunog na ang kampana ay agad narin akong lumabas ng silid, nadatnan ko pa si Helyes na kakasarado palamang ng kanyang silid pintoan

'Oh Asayah pababa kana rin pala, tara at sabay na tayo' aya nito sa akin na akin namang malugod na tinanggap

Nang makababa kami ay agad narin kaming pumwesto sa aming upoan, narito narin pala sila Seyan,Sharah at Karina na tila masayang kinakausap yung babaeng sa pagkakatanda ko ay nagnga-ngalang Allona

'Mabuti at maaga na kayo Sharah' sambit ko rito ng natatawa, si Shara ay katabi lamang ni Seyan at si Karina naman ay nasa dulo-dulo katabi ni Allona kaya hindi ko ito makausap

'Sinadya ko talagang wag pumunta sa silid ni Karina upang maaga akong makababa' natatawang saad nito

'Kayo na ay magsimulang kumain' sigaw ng Mayordoma, kaylangan talaga kasi sumigaw nito upang marinig ng iba na nasa dulo

Agad narin kaming nagsimulang kumain lahat hanggang sa matapos na kami, pagkatapos nito ay bumalik na rin kami sa aming mga silid upang mag-ayos

Ng makarating ako rito ay agad na akong nagsipilyo at kinuha na rin ang aking pamandong na bigay sa akin ng aming guro noong nasa Lenthea pa kami

Ayaw ko kasing gamitin mo na ang pamandong na handog ng aking ina kasi lubha itong napaka-importante sa akin

Tumunog na ulit ang kampana at agad narin akong bumaba, nang makababa ako ay nagmamadaling hinikayat na ako nila Seyan upang maagang makapunta sa silid-aralan

'Sa wakas at tayo'y nakarating na, at tila tayo lamang apat ang humahawak ng pamandong' sambit ni Sharah sa amin

'Lubha kasi itong mahirap, tyaka hindi ko pa nga kabisado lahat ng itinuro ng ating guro noon sa atin, mukhang si Asayah lang ang nakakaintindi' natatawang sambit ni Karina

'Maging ako ay nahihirapan rin Karina, pero gagalingan natin upang kahit tayo ay humahawak ng pinakamahirap na sandata ay kaya natin itong panghawakan' nakangiting sambit ko sa kanila

'Tama si Asayah, dapat nating ipakita na tayo ay kakaiba' sambit sa amin ni Seyan na nagbigay lakas loob sa amin

'Magandang umaga sa lahat, muli ako si Ginang Orah Valme ang inyong guro sa Historical subject' napatingin kami sa unahan ng magsalita na ang aming guro, mukhang kakarating pa lamang nito

'Bago tayo magsimula sino sa inyo ang hindi pa nakaligtaan ang ating klase kagabi, sino nga ulit ang namumuno sa kaharian ng Olympus?' nakangiting tanong sa amin ng aming Guro

Nagtaas kami lahat ng kamay na ikinangiti ng aming Guro sabay tawag sa pangalan ni Allona

'Si Rama Amante at Hara Lamara po Guro' masayang sagot ni Allona na ikinatuwa ng aming Guro

'Mahusay at hindi niyo pa nakalimutan ang ating aralin kagabi, ngayon ay nais kong e-kuwento sa inyo ang kasaysayan ng sinaunang mahika at ang tagapangalaga ng Gaia' sambit ng aming guro, gaya kagabi mukhang nakakapukaw atensyon ang kaniyang mga kuwento

'May apat tayong mga sinaunang mahika, una ang kapangyarihang makita ang hinaharap at nakaraan ng isang bagay o tao o pangyayari man' sambit ng aming Guro

The last holder of Ancient Magic: Light and Dark Where stories live. Discover now