Chapter 9: Royalties and the Participants

112 9 5
                                    

Karina.

Magulo ang aking buhok ng gumising ako sa aking silid, mukhang napasarap at ang aking tulog Hahaha

Bumangon na ako sa aking higaan at agad na binuksan ang mga kurtina sa aking mga bintana habang humikab dahil sa antok

'Hayyy, makaligo na nga at may pasok pa kami' turan ko sa aking sarili at agad naring nag-gayak

Ng matapos akong maligo ay lumabas narin ako sa aking silid, nadatnan ko pa si Sharah na paparating na sana sa akin

'Oh himala hindi kana nagpagising pa?' pamimilosopong tanong ni Sharah na ikanatawa ko

'Ito naman! Halika ka na nga!' saad ko rito at agad narin kaming bumaba para makakain

Pagkadating namin ni Sharah sa baba ng mansyon ay nakikita na namin ang tatlo habang masayang nag-uusap

'Mukhang maganda ang inyong pinag-uusapan' natatawang saad ko sa mga ito at agad naring umupo na ngayo'y nakangiting nakatingin sa amin

'Ah andiyan na pala kayo, nag ku-kuwento kasi si Helyes ng mga nakakatawang karanasan niya sa kaniyang buhay, nag-uusap nalang kami dahil wala panaman din kayo' paliwanag ni Asayah sa amin habang natatawa parin

Ang ganda talaga niya

'Magsimula na kayong kumain mga estudyante!' sigaw ng dama sa lahat na naririto ngayon

Lahat ay nakapwesto na sa kani-kanilang mga upoan at agad naring nagsimulang kumain

Sharah.

Lahat ay tapos ng kumain at nagsibalikan narin kami sa aming mga silid upang makapag-ayos pa para sa klase

Habang nasa kalagitnaan na ako ng paglalagay ng kaunting detalye ng kolorete sa aking mukha ay napatingin ako sa aking pintoan ng tila may kumakatok doon

'Sharah?Sharah? Nandiyan kaba? Halika kana at tayo ay paparoon na sa ating silid-aralan' sigaw ni Karina sa labas ng aking silid

'Ako ay paparating na!' sigaw ko rito pabalik at agad naring nag-gayak palabas ng aking silid

Nang makalabas ako ay agad akong sinalubong ng apat sa aking pintoan 'Kayo lahat talaga?' natatawang sambit ko

'Hali kana nga! Ang dami mong pa ayo-ayos eh mag-aaral lang naman tayo!' naiinis na saad ni Seyan

Anong nangyari dito?

'Bat ka nagagalit?' natatawang sambit ko sa kanya

'Wala ito! Hali na nga kayo!' naiinis na turan nito at agad na nagmamadaling maglakad

'Anong nangyari don?' tanong ko sa tatlo na na tila di rin alam ang nangyayari sa aming kaibigan na si Seyan

'Ewan? Kanina kasi naitanong niya sakin kong may iniibig naba ang aking kapatid eh, kaya biniro ko ito ng Oo' inosenteng pagpapaliwanag ni Asayah

'Kaya naman pala' tumatawang sambit namin ni Karina, hyst halata naman kasing may gusto si Seyan sa kapatid ni Asayah eh

'Tara na nga' turan ni Helyes kaya nagmamadali narin kaming bumaba para mahabol si Seyan at makapunta narin sa klase
...
...
...
Asayah.

Nag-uusap usap kami lima ng kong ano-anong walang katuturang bagay na nakakatawa

'Tawang tawa kaya ako ng nag-sout si Kuya ng pambabae dahil gusto ko lang Hahaha' tawa ko

The last holder of Ancient Magic: Light and Dark Where stories live. Discover now