16 - National Museum

11 0 0
                                    

Awkward. That was the best word to describe how I felt these past two weeks. Awkward dahil nadawit ko na naman si Don sa isa pang problema dahil sa Instagram photo na lumantad sa X at kumalat sa iba pang social media. Ngunit alam kong wala akong kasalanan. Unang una, di ko naman alam na kinuhanan pala ako ng litrato by some random stranger sa lugar na yun. After all, I'm a public figure, and I couldn't stop the public from taking my photo. Pangalawa, legit naman ang lubak ng kalsadang yun. Parang mas malakas pa sa magnitude 7.2 na earthquake ang pakiramdam nang dumaan ang sasakyan namin doon. Pangatlo, ano ba ang magagawa ko sa mukha kong napaka-transparent sa kung ano ang nasasaloob ko? Resting bitch face nga, di ba? Pang-apat, ano bang malay ko kung ang lintik na contractor na gumawa ng kalsadang yun—na obvious namang tinipid para makaganansya—ay kapatid pala ng Vice Mayor ng Sta. Fe at anak ng Deputy House Speaker for Mindanao at kapartido ni Don? Tapos saka lang naming malalamang may kaso rin pala ang contractor na ito ng smuggling ng luxury vehicles sa Davao Region at hoarder pa ng bigas kaya tumataas ang bentahan sa lugar. At panlima, bakit ba may kapartidong ganyan si Don?

Kaya nung nag-meeting kami sa Malacañang a few days after the picture came out, kulang na lang ay murahin ako ni Don sa harapan nina Bai at Mina, na kesyo I should have been more mindful of how I projected myself. Pagkatapos ay pinagalitan din niya si Mina dahil hindi niya ako pinigilang bumaba ng sasakyan, which was a security risk at the time. He then proposed setting up a media relations team separate from the IHS to carefully devise ways to engage the public and maintain the pubic image of the Monarchy, particularly in light of the brewing storm over the divorce bill and how the mainstream media and social media were trying to connect it to their Emperor and Empress. Noong una ay hindi lang namin siya kinikibo, ngunit nang binanggit ni Don ang tungkol sa divorce bill, saka na lamang umimik si Bai.

"I think you should focus your attention on the perception of the public regarding the Federal Party and the integrity of its members rather than waste your time on the image of the Monarchy. Good day, Prime Minister."

At tumayo si Bai sa kanyang upuan at hindi na hinintay pang maka-respond si Don habang si Mina naman ay kagyat na napatayo at yumuko. Maya-maya pa ay wala na si Bai sa Rizal Room.

"You had better control Bai if she doesn't want more trouble," ang marahang pahayag ni Don, pero nanlilisik na ang kanyang mga mata. "Nagpapasensya lang ako dahil mga kaibigan ko kayo, pero may hangganan din ito. Keep doing this, and magalain ina."

Napatitig pa siya sa akin ng ilang sandali, pero dahil tinapatan ko rin ang titig niya at di ko binitawan, siya na mismo ang bumigay. Tumayo siya at umalis nang di man lang yumuko sa akin.

I suppose this officially signals the beginning of the strained relationship between Malacañang and the New Executive Building.

Nanatiling nakatayo si Mina at di malaman kung ano ang gagawin, kaya naawa ako at pinaalis ko na rin siya. Nung ako na lang ang naiwan sa Rizal Room, saka lang ako napabunton nang malalim.


Awkward. Ito rin ang namagitan sa aming dalawa ni Bai nang bumulaga ang divorce bill. Kainis nga, kung kailan we were again beginning to warm up to one another, biglang pumutok ang isyung ito. Di ko naman masisisi si Bai. I suppose she was just being honest with her response to that fateful interview. Truth be told, pareho rin kami ng stand ni Bai, at baka yun din ang isasagot ko kung ako ang nasa sitwasyon niya. Pero yun nga, it unnecessarily drew attention to us as a couple and the glaring fact na magpahanggang ngayon ay wala pa kaming anak. Hindi na kasi namin tinangkang ayusin pa ito matapos siyang makunan, ngunit ngayon ay may national pressure pa na magkaroon kami despite our being in our mid-forties. As far as I know ay hindi pa menopausal si Bai. Pero naman, lampas na sa mga daliri ko ang bilang ng mga taong nagdaan nang huli kaming nag-sex! And it did not help our situation na ang nagsusulong ng divorce bill ay mula sa Republican bloc sa Parliament. What better way to restore the Republic than to eliminate the most important thing that stabilizes the Monarchy—a legitimate heir.

Ang Ikalawang Emperador ng PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon