Chapter 9.

2.4K 86 2
                                    

Gabria’s POV.

Nagising ako dahil sa ingay sa baba kaya umupo ako mula sa pagkakahiga saka tumingin sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa baba pero ang ingay-ingay nila, nakakabulabog sila. Hindi ba nila alam na may natutulog pa rito?

Bumaba ako sa kama ko saka inilibot ang paningin ko sa buong kwarto. Kulay asul ang pader dito at ang ibang mga gamit ay kulay lila at may mga black na mga gamit din dito pati na rin ang pintuan ng kwartong ito at ang bathroom. Napakagandang tingnan. Kompleto ang lahat ng gamit dito pati na rin ang mga damit na susuotin ko. Nakakapagtaka lang dahil may mga nakahandang damit na sa walking closet ko, ngunit ang kila Adrian at Shantelle ay blanko pa lamang. Medyo weird lang.

Napalingon ulit ako sa pintuan nang marinig ang ingay sa baba. Ano bang ginagawa ng dalawa ‘yon sa baba?

Dahil sa hindi ko na makaya ang kaingayan nila ay lumabas ako sa kwarto at bumaba. Naabutan ko silang nag-aagawan ng remote.

“Bakit ba ang ingay niyo?” irita kong tanong sa kanila.

Napahinto sila sa pag-aagawan at sabay na tumingin sa akin. Napakunot-noo ako nang makitang lumunok si Adrian habang nakatingin sa katawan ko. Si Shantelle naman ay malaking matang nakatitig sa akin.

“Bakit?” takang tanong ko. Hindi sila nagsalita habang nakatingin pa rin sa aking katawan. Pumula ang pisngi ni Adrian. Did he… blush?

Dahil sa pagtataka ay inibaba ko ang aking tingin sa aking katawan. Lumaki ang aking mata nang makita ko kung ano ang suot ko. Sh*t! Agad-agad kong tinakpan ang katawan ko gamit ang aking mga braso at malalaking matang tumingin sa kanila.

Nakasuot lang naman ako ng white tube na kita ang cleavage ko at maikling kulay black shorts dahilan para makita ang makikinis kong balat. Nakaiwas nang tingin si Adrian ngayon habang si Shantelle ay manghang-mangha na nakakatitig sa akin.

Mabilis akong kumaripas ng takbo patungong kwarto. Nang makapasok ako ay halos magtalon-talon na ako dahil sa kahihiyan.

“Gague ka, Gabria! Bakit hindi mo natandaan na ganito pala suot mo?! Nakakahiya ka!” sabi ko sa sarili habang palakad-lakad sa buong kwarto na animo‘y hindi mapakali.

Well, hindi ako mapakali dahil sila ang unang nakakita na ganito ang suot ko kapag natutulog ako except my Tita.

Nagitla ako nang may kumatok sa pintuan kaya tumingin ako roon. Bumukas iyon at bumungad si Shantelle na nakangisi. Dali-dali kong kinuha ang comforter at itinakip ito sa aking katawan.

Her Blood.(Completed)Where stories live. Discover now