Chapter 30.

2.2K 82 1
                                    

Knox's POV.

Hindi ko alam kung bakit ayaw masuot kay Shantelle ang tiara. Para itong may kung anong pananggalang sa ulo niya at hindi namin alam kung saan nanggaling iyon. Sinubukan ulit ng reyna na isuot ang korona ngunit gano'n pa rin hanggang sa lumipad ito. At first, pinigilan ng reyna ngunit nabitawan din niya ito kalaunan. Napatayo nga kami dahil parang may kung anong kumukuntrol sa bagay na ‘yon. Nagulat kami nang pumunta iyon sa ulo ni Gabria.

Lumiwanag iyon at nagulat kami nang makitang nakakunekta ang tiara ng Perilya at Vladeya at naging isang korona iyon. Ang kulay ay Pula at Lila. May mga kung anong maliliit bato na may iba't ibang kulay. Hinuha ko ay iyon ang mga ibang uri ng mga bampira. May itim nga ring bato roon.

Nagulat kami nang mapaluhod si Gabria habang nakahawak sa may bandang dibdib niya na parang may kung anong sakit nag naramdaman niya roon. Napalingon kami kay Xenon nang marinig na dumaing siya. Nagulat kami nang makitang napaluhod siya habang napipilit sa sakit at nakahawak sa kaniyang braso.

“A-Anong nangyayari?!” naguguluhang tanong ng Hari, bakas pa rin ang mukha sa gulat pati na rin ang reyna.

Napalingon kami kay Shantelle na galit ang mukhang nakatingin kay Gabria na namimilit sa sakit. “That's my crown! Mang-aagaw!” sigaw niya na ikinagulat namin. Galit na galit ang kaniyang mukha na tila gustong pumatay ng walang awa.

Mabilis siyang naglakad papunta kay Gabria. Pipigilan sana namin siya huli na kami. Nahawakan niya ang koronang nasa ulo ni Gabria. Ikinakunot namin ng noo nang makitang hindi makuha-kuha ni Shantelle ang korona sa ulo ng kapatid ko. Pinipilit niyang makuha hanggang sa magulat kami nang bigla siyang tumilapon at tumama ang kaniyang likod sa pader dahilan para mapaubo siya ng dugo. Tumingin siya kay Gabria na hindi makapaniwala. Tinulungan siyang tumayo ng iilang kawal.

Kaming lahat ay hindi makapaniwala sa nasaksihan. Bakit hindi makuha ni Shantelle ang korona? Nakadikit na ba sa ulo ni Gabria ang koronang iyan. Lumayo kami ng kaunti dahil baka kami pa ang tumilapon.

“AAAAAAAAHHHHHHHH!”

Nagulat kami nang halos sabay nang sumigaw si Gabria at Xenon. Kita ko ang sakit sa kanilang mukha at halos pinipilit na agapan iyon. Kaming lahat ay parang hindi mapakali dahil sa aming nasaksihan. Mas nagulat kami nang makitang lumiwanag sa may bandang dibdib ni Gabria habang kay Xenon naman ay sa kaniyang dibdib papunta sa kaniyang braso na nakakunekta sa kaniyang braso na hawak niya. Kulay lila at pula kay Gabria pati na rin ang kay Xenon.

“Sh*t, anong nangyayari?” tanong ko sa aking sarili.

“Sino ang kumontrol sa tiara?!” sigaw na tanong ng reyna na ikinagulat namin. First time naming narinig na sumigaw siya ang reyna kaya gulat kami. She look tense. Parang hindi alam kung anong gagawin at anong nangyayari.

Her Blood.(Completed)Where stories live. Discover now