KABANATA 16

9 0 0
                                    

--LARA POV--




Ng makarating kami sa likod ng teacher's office.

May nakita akong hallow blocks kaya yun nalang ang ginamit ko para makatawid sa kabilang pader.

Ng makababa ako at si Carlos. "Thank you sa pagsama saakin." ngumiti naman siya.

"It's my pleasure to accompany you," hindi ko naman siya sinagot. "Balik kana sa dorm niyo, babalik nadin ako." Ngiti pa ni Carlos.

"Sige." Maikling sagot ko. Kumaway naman siya saakin bago ito tumakbo paalis, hinintay ko pa muna siyang makapasok sa dorm nila bago ako umakyat ulit sa pader, may nagsasabi talaga saakin na meron talagang kakaiba dun eh.

Tumakbo agad ako pabalik sa lab building, bago ko kunin sa bulsa ko yung isang gold na susi. Kinuha ko ng patago habang tinitignan ko ang dugo kanina sa pader.

Pagbalik ko sa kwartong de-bakal na pintuan ay pinasok ko agad yun.

Pumasok agad ako tsaka sinarado yun, bumalik agad ako dun sa dugo sa pader at hawakan yun, basa pa.

Inamoy ko agad yun, at tamang dugo yun, mukhang bagong dugo lang.

Pinunasan ko agad yun tsaka nilibot ang puro shelves, malakas ang kutob ko talagang may mahahanap ako dito. Iba't ibang klase ng debalbalin na pang science experiment.

Ng marating ko ang dulo ng shelves, may nakita akong isang pinto. Napahinto agad ako at manliit pa ang mata ko.

Dali-dali akong lumapit dun tsaka sinubukang buksan yun, hindi nakalock!

Pero mabigat ang pinto dahil bakal din ang pintuan, kumpara sa pintuan papasok dito magaan pa ang pintuan na iyon, pero nakakapagtakang mas mabigat itong pintuan na ito, kaya pahirapan pa sa paghila, ng mabuksan ng kaunti yun, ramdam ko ang lamig na nagmumula dun.

"Ohh!" Usal ko dahil sa bigat ng pinto.

Sinilip ko agad ang loob pero agad na nanlaki ang mata ko kasabay ng pagbagsak ko sa sahig at napaupo dahil sa nakita ko! Tangina! Putangina!

Napatakip pa ako ng bibig! Habang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil dun! Nakapako lang ang tingin ko sa pintong may dungaw at kita ko padin ang nakakagimbal na nasa loob nun!

Mga bangkay!

Mga bangkay at may mga mahahabang butas ang tiyan! Malaki ang butas at abot hanggang dibdib pababa sa puson! Habang ang mga itsura nila ay may balot na plastik! Bukas din ang kanilang mata at bibig!

Bakas dun ang parang nakakatrauma na dinanas nila!

T-tangina!

Tumayo agad ako habang nakakapit sa shelves dahil nanlalambot ang mga tuhod ko!

Pilit ko na binuksan lalo ang pintuan, napalanunok pa ako bago dahan-dahang pumasok, sobrang lamig dito, mukhang freezer ang kwartong ito.

Tinapat ko agad yung flashlight ko sa mga bangkay at dahan-dahang lumapit sakanila para makita ko ng maayos, hindi kumulang sa benteng studyanteng naka hospital gown ang mga nandito. Babae at lalaki pa!

Hindi ko masikmura itong nakikita ko!

Kailangang malaman ni Carlos to!

Dali-dali akong lumabas na halos ikadapa ko dahil sa kagustuhan kong makalabas kaagad dito.

Saktong paglabas ko ng freezer na iyon, narinig ko ang pagbukas ng pinto.

May tao!

Tinignan ko pa yung pintuan sa kung nasaan ang mga bangkay bago hilain ng buong lakas yun pasara, hindi nila pwedeng malaman na nandito ako!

Mysterious De' Prostello UniversityWhere stories live. Discover now