ix.

49 7 4
                                    

Tumitibok ng mabilis ang aking puso na sumasabay sa naririnig kong mga yabag niyang papalapit sa amin hanggang sa alam kong tumigil siya sa harapan namin.

Ayaw kong tumingin. Hindi ko kaya. Hindi pa ako handa.

"Tara, guys! Paanong pose ba? Ganito?"

Bwiset ka talaga, Kenneth.

Isa ka pa, Jeffard. Kitang-kita ko ang mapang-asar mong ngisi.

"Let's go first with candid shot. Kain kayo riyan at kunwari ay hindi niyo ako napapansin."

Ang mga boses na ʼyon. Matagal ko na rin hindi naririnig.

Narinig ko ang pagtunog ng camera. Ibig sabihin, kinuhanan na niya kami ng litrato habang ang dalawa ay kunwaring kumakain, samantalang ako ay nakatulala lamang sa patatas ng menudo.

"Tingin naman kayo rito. Smile and pose."

Ayaw ko.

"Yung isa po, hindi tumitingin."

"Hoy, Ags! Agustin!"

Pwede bang gawing patatas ang isang tao? Naiirita na ako kay Ken, hindi siya nakakatulong. Silang dalawa ni Jeff, hindi nakakatulong sa kabang nararamdaman ko. Tapos ikinakabahala ko pa ay binanggit niya ang pangalan ko.

Paano na lang kung makilala niya ako?

Pero paano kung tumingin nga ako? Makilala niya kaya ako?

Hindi nagtagal ang mata ko sa kaniya at umiwas din kaagad ng tingin. Ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang rumehistrong gulat sa mga mata niya nang magtama ang aming paningin.

Syempre. Hindi niya ako makakalimutan.

Hindi sa magandang bagay, kundi sa isang bagay na nakapanakit at naging dahilan ng pagluha niya.

ako na lang ulitWhere stories live. Discover now