civ.

28 3 14
                                    

Sabay naming marahang hiniga ang lasing na si Mitch sa kama. Tumingin ako kay November at lumingon din siya sa akin habang inaayos ang damit ng kaibigan.

"Ako na bahala rito." simpleng saad niya and that's the cue. Walang salita akong lumabas ng kuwarto ni November.

Huminto lang ako malapit sa tapat ng pintuan ng kuwarto niya. Iniisip ko kung aalis na ba ako o huwag muna. Ang rude din naman kapag umalis ako ng walang paalam, diba? Even though, she may not asking for it. Atsaka, ayaw ko naman talaga munang umalis. Gusto ko pa siyang makita.

Ang bilis ba naman kasi ng oras sa tuwing kasama ko siya.

Naalala ko naman yung nangyari kanina sa karaoke room bago kami nagdesisyon na umalis at buhatin ang dalawang nakatulog. Parang ang bagal ng pangyayari ngunit mabilis na lumipas. Sabay lang kaming huminto sa pag-iyak habang nakatingin lamang sa isa't isa, the awkwardness remained though, I somehow felt a relief after the heavy feeling.

Pero hanggang ngayon pa rin naman ay masakit sa puso. Tapos sa tuwing naaalala ko yung ginawa ko kanina, gusto ko na lang pagsasampalin ang mukha ko. Naghahalo yung nararamdaman ko — nahihiya, naiilang, nagtataka, at naiinis. Ewan ko na.

Hindi ko makontrol ang emosyon ko — lagi akong dinadala sa mga bagay na makakaapekto lang din mismo sa akin. Iniisip ko rin kung anong naramdaman ni November about doon. Although, sinampal na niya ako at sinabi kung gaano niya ako ka-hate.

Hindi ko dapat siya hinalikan. Hindi ko pwedeng irason ang pagkalasing dahil alam at aware pa rin ako sa ginagawa ko. Nadala nga siguro ako sa emosyon. At parang mali, hindi tamang ginawa ko ʼyon. Kahit sabihin na nating wala na siyang boyfriend, ex-boyfriend naman niya ako at ang kapal ng apog kong gawin ʼyon.

Bakit ba palagi akong nagsisisi sa huli? Napakatanga talaga.

Tumayo ako nang tuwid nang lumabas si November mula sa silid-tulugan niya. Nagtama ang mga mata namin. Nakaawang na ang labi ko para sana ay magsalita ngunit inunahan niya ako.

"Salamat. . . sa paghatid sa amin." tanging saad niya at tumango naman ako.

Umaawang ang labi ko ngunit walang lumalabas na boses mula roon. May gusto akong sabihin pero hindi ko masabi — parang ayaw kong sabihin.

Aalis na ba ako? Nahatid ko na sila. Tapos na ako roʼn.

Pero parang nakadikit ang mga paa ko sa sahig at tila hinihila ng tingin niya ang mga mata ko. Hindi ko maalis ang sarili ko sa harap niya. Ayaw ko pa rin naman.

"Agustin," Yumuko siya at huminga ng malalim. "Aalis ako papunta sa Vietnam."

Unti-unting nagsilakihan ang mga mata ko. Nakaawang ang bibig habang bumubuo ang kunot sa aking noo. Nagtataka. Nagtatanong.

"I will move there to live."

Tuluyan na akong nagulat ngunit lalo lamang nangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan. Bakit? Para saan?

Nagsimulang uminit ang gilid ng mga mata ko. Kumurap-kurap naman ako upang pigilan ang nagbabadyang rumagasa.

Tinitigan niya ako, parang ineeksamina ang aking reaksyon. Alam kong napapansin niya ang mga mata ko dahil sa paglambot ng ekspresyon niya sa mukha.

"Doon ko balak na magpatuloy sa passion ko." lintaya pa niya na parang sinasagot ang mga tanong na nabuo sa aking utak. Napayuko na lamang ako at tumango-tango.

Sumikip ang dibdib ko. Nagulo ang isip ko. Totoo nga, seryoso nga. Baka naman kasi pwede pang mabago ang isip niya?

"I'm sorry." rinig kong bulong niya at agad akong naalerto.

ako na lang ulitWhere stories live. Discover now