Chapter 20

213 6 0
                                    

Trista's POV

"How can you be this beautiful effortlessly, everyday" turan niya. Naramdaman ko ang pag iinit ng aking mukha. Umiwas ako ng tingin dahil sa pagkahiya. Baka tumaas masyado ang confidence ko dahil sa sinasabi niya.  Hindi ko alam kung bakit kapag siya ang nagsasabi parang dinadaga ang dibdib ko, samantalang marami na ang nambola sa akin sa probinsiya pero hindi ako nagkakaganito.

"Iha, puwede ka nang umuwi, kami na lang ng tito mo ang magbabantay kay Sasha"  saad ni tita. Pagkatapos manghimatay ni Sasha ay nilagnat siya. Sobrang taas kaya halos hindi kami makatulog.

Hindi rin ako makahanap ng timing para sabihin ang sakit ko, huwag na muna siguro.

"Hindi po, okay lang naman"  saad ko. Puwede naman akong dito na lang. Isa pa gabi na naman at ayaw kong mag-isa sa bahay. Para akong nas-suffocate sa kakaisip ng kung ano-ano. Certified negative thinker kase ako.

"Trista, kagabi ka pa walang maayos na tulog tapos pagdating mo galing sa school kanina dito ka na dumiritso. Sige na, kaya na namin ito"  ngumiti pa si tita. Nagpakawala ako ng buntong hininga at nakangiting tumango kahit na labag sa loob ko ang pag-uwi.

"Zuriel, iho, puwede mo ba siyang ihatid?"  saad ni tiyo. Agad akong umiling at iwinasiwas ang kamay para sabihing huwag na.

"Hindi po kaya ko naman" pero hindi nagpatalo si tita at tito. Sumang-ayon naman sa kanila si Ellis  kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango ulit.

"Ingatan mo 'yan Zuriel, kapag may nangyari d'yang masama, hindi ko iyon palalampasin" my tito said.

"I will po, don't worry"  sabi ni Ellis, bumaling ito sa akin at ngumiti. Bahagya akong napatingin dito.

"Aba Zuriel, iyang pamangkin ko ay hindi pa nagkakanobyo dahil  hinihigpitan, kaya humanda ka sa mga magulang niyan "  natatawang  pananakot ni tito.

 Ellis Zuriel chuckled.

"Salamat" usal ko nang makababa sa kotse niya. Akala ko ay aalis na siya pero bumaba rin siya. 

"Akala ko uuwi ka na" saad ko. Nakita kong parang napapangiti siya pero he keep his serious face. Eh?

"Glad to hear that baby"  ngayon, hindi na siya mukhang seryoso. Naka smirk siya at para bang tuwang-tuwa, kaya nagtaka ako. Bakit ngingiti-ngiti siya diyan?

"Huh? Ang alin?"  nagtatakang tanong ko. Nakita kong bahagyang pumula ang kanyang tainga. Hindi naman mainit dahil gabi na, pero naaninag ko iyon dahil sa maliit na street light sa tabi ng aming kinatatayuan.

"I'm glad that ... that I'm gonna be your first and last man" nagulat ako sa sinabi niya kaya natawa ako nang mahina.

"Oy Assuming ka ha, di ka sure"  saad ko dito. I saw his expression change, from smiling to his serious and scary aura. I gulped.

"Tssk. That guy lied, he said that girls want clingy type"  narinig kong bulong niya kaya napamaang ako. Hindi ko inaasahan iyon. Is he asking his friend what girls wants and like? 

"Alam mo, you don't have to be someone else to prove yourself and make a girl love you. You just have to be yourself all the time"  saad ko at ngumiti.

Nang marealize ko  ang sinabi ko ay agad akong tumalikod. Para akong biglang nahiya! Saan galing ang sinabi ko?

"Bye, goodnight" I said at naglakad na papasok pero agad akong lumingon sa kanya ng sumunod siya.

"I'm not gonna leave you here alone"  saad niya kaya napamaang ako. Luh,  edi, dito siya tutulog ? Ayaw kong mag -isa dito pero hindi ba't ang awkard no'n, isa pa ay hindi magandang tingnan.

Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako.

"Don't worry baby, I'm not gonna harm you, if that's what you're thinking"  he chuckled. Madalas siyang tumawa at ngumiti kapag kasama ko siya taliwas noong una ko siyang nakita kasama ang mga kabarkada niya. Nakakatakot din ang aura niya sa school ngunit ibang-iba kapag nandito siya.

"Hindi naman sa ganoon, b-baka kasi nakakaabala na ako" he seems annoyed dahil sa sinabi ko.

"Hindi ka abala, Trista" seryosong sabi niya kaya natigilan ako. Parang feeling ko sobrang mahalaga ako dahil sa sinabi niya.

Hindi siya pumayag na iwanan akong mag solo dito samantalang wala namang ibang delikado sa lugar na ito kundi siya, iyon ang sabi ni Sasha noon. Natawa ako sa naisip, kasama ko ang kinakatakutan dito at para itong mabait na bata sa tabi ko. 

"Ano iyan?"  turo ko sa naka-band aid niyang mga daliri sa kamay.

"It's nothing, just a little ruckus" saad niya kaya nagtaka ako, may nakaaway na naman siya.

"Nakipag-away ka? " I saw the guilt in his eyes. Ang akala ko ba hindi na siya sumasabak sa gulo.

"Tssk. He said something about you, I'm sorry, baby. I lost my patience" napalingon ako sa sinabi niya. He did it because of me? Napakurap-kurap ako. Kahit hindi ko tanungin ay alam kong isa sa kaklase niya iyon dahil iyon lang naman ang nagsabing liligawan niya ako maliban kay Ellis ang kaso pinatigil ko siya agad. Nakita ko kase iyon na may sinasaktang babae sa likod ng school mabuti nalang at hindi niya ako nakita. Zuriel maybe is a badass pero he never hurt a girl lalo na kapag inosente naman.

"I cannot let someone badmouth my baby" he pouted.

"Salamat, pero sa susunod hayaan mo na lang sila" kung mapapaaway lang din naman siya diba.

"I cannot let that happened" he seriously said. Bumuntong hininga ako. I know that he's not good about it, at ganoon din ako pero mas okay na iyon keysa napapaaway siya.

"Salamat, ayaw ko lang na mapaaway ka"  sabi ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko at ganoon din ako. Nakitang kong kinagat niya ang ibabang labi  para itago ang ngiti kaya nahihiya akong tumalikod.

"Sounds like my baby is worried"  napapikit ako nang marinig ang sinabi niya kasabay ng pag-init ng mukha ko. Bakit nalipat sa akin ang usapan?

"T-tutulog n-na ako" saad ko at nahihiyang tumakbo pataas. I heard him laugh kaya lalong nag-init ang mukha ko!

THAT SCARY BADASS GUYWhere stories live. Discover now