Chapter 27

166 4 0
                                    

Trista's POV

"Ma, tama na ang kakaiyak ..."
natatawang turan ko kay mama. Nandito kami ngayon sa probinsya, matagal nang kilala ng pamilya ko si Zuriel. Ilang ulit ko na siyang dinala  dito after ko siyang sagutin years ago.

"H-hindi lang ako makapaniwala na ikakasal na ngayong araw ang aking unica hija" umiiyak pa rin ito. Natawa naman si Elijah na nakayakap sa beywang ni kuya. Si papa naman ay nakangiti lang sa salamin habang nakasuot ng tuxedo.

Ngumiti ako sa mama ko at niyakap siya.
"Sige na nga, t-titigil na ako, at baka mabasa ang napakagandang wedding gown mo"  sumisinghot niyang sabi bago bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

Inayos ko ang mahabang pabuka nang aking wedding gown. Ang pangarap kong isuot na wedding gown. Tube gown ito na sobrang bulad kaya nahihirapan at dahan-dahan ako kung maglakad. Kumikinang din ito dahil sa ilaw.

"Oh s'ya, parine na at ikakabit ko ang belo mo, pero sa labas mo na lang ng church itaklob sa mukha mo ha?"  saad nito, tumango ako at umupong muli sa upuan para hindi siya mahirapan.

Nasa church na sinda tiya, nag presinta silang mag assist sa mga bisitang dadalo. Ganoon din si Ellis, halos ayaw nga nitong pumayag na mauna doon dahil sa pag-aalala sa kalagayan ko.

"Tara na, anak"  saad ni papa at parang prinsepeng inalok ng sayaw ang prinsesa. Tinanggap ko ang kanyang kamay bago tumayo. Natawa naman sinda mama at sumunod sa amin papuntang kotse.

Kotseng sasakyan ko papunta sa church na pagaganapan ng aming kasal. Pinagbuksan pa ako ni papa at pinaunang pumasok sa kotse.  Sa kotse ni Elijah sasakay si Mama at bunso kasama si kuya.

Habang kami lang dalawa ni papa dito.
Nang umandar ang kotseng sinasakyan ay napatingin ako sa singsing na naka suot sa aking daliri.

Heart shaped diamond ring iyon. Hinaplos ko iyon at bahagyang napangiti. Napakaganda.

Naaalala ko pa noong mag propose si Ellis. Hindi ko inaasahan na kasama ang pamilya ko sa plano, kaya para kaming nag reunion sa likod ng bahay ni tiya.

"Ang prinsesa ko, nahanap na ng kanyang prince charming at magiging reyna na siya kapiling ang kanyang hari"  naiusal ni papa habang nag mamaneho. Nasa daan lang ang kanyang mata at parang ayaw niyang lumingon sa akin. Ngumiti ako.

"Ang bilis ng panahon, parang keylan lang kalong-kalong kita. Isang maselang sanggol"  nakangiti siya pero hindi nakatakas sa aking mata ang pagluha niya. Napakagat labi ako dahil sa naiiyak na rin ako.

"Alam mo ba kung bakit Trista ang iyong pangalan?"  tanong pa niya. Suminghot ako at umiling, narinig ko siyang tumawa.

"Hango ito sa salitang Tres na ang ibig sabihi'y pangatlo"  napalingon ako kay papa nang may pagtataka. Kung tutuosin ay pangalawa ako sa magkakapatid. May hindi ba sila naikuwento sa akin?

"Nagtataka ka na?" tumawa siya.

"Noong ipinanganak ang kuya  
mo, ninais namin ng mama mo na, babae na sana ang maging kasunod niya. At hindi kami pinagdamutan dahil nagkatotoo iyon , pero dahil sa isang pangyayari'y naagasan ang mama mo ..."  napalingon ako sa kanya habang nakamaang ang labi. Ngayon ko lamang iyon nalaman.

"Nasundan naman iyon ng isa pang babaeng bata, tagumpay iyong naipanganak ng mama mo. Pero mahina ang puso ng bata, isang buwan lamang ang itinagal nito sa piling namin"  suminghot si papa kaya pinahid ko rin ang luha sa aking mata. Bakit parang nasa lahi namin ang palaging may sakit?

"Labis na ikinalungkot iyon ng iyong mama at halos sumuko na kami, pero isang araw muling nagdalang tao ang mama mo at ang batang iyon ay ..."   Hindi niya tinapos ang sinabi, ngumiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis.

"A-ako"  patuloy ko. Hindi ko alam na may ibig sabihin pala ang aking pangalan.

"At dahil diyan may tatlong salita ako para sa pangatlo kong babae bago dumating ang bunsong lalaki"  saad niya at ngumiting muli.

"Mahal kita, anak"

Yayakapin ko sana siya nang bigla siyang suminghap at nagpreno. Muntik na akong mauntog sa harapan ng kotse.

Nagtataka akong lumingon sa unahan.

May mga nakaharang sa aming itim na kotse!

THAT SCARY BADASS GUYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang