28

8 0 0
                                    

Narito kami ngayon sa cafeteria, hanggang ngayon hindi ko pa rin siya pinapansin. Kahit tawagin niya pa ako, or itext. Pinapunta nga ako non sa office niya pero nandito ako kasama sila den. Ayoko ngang pumunta sakanya, naiinis pa ako.

Ang dami namang chikahan ni den at rea, at ako nakatulala lang. Wala rin naman akong kilala sa mga pinagsasabi nila. Ang ingay pa nila kaya 'yong ibang students, napapatingin dito sa table namin.

"Hindi mo pa rin papansin si ate? Hindi na naman 'yon kikibo."

"Bahala siya."

"Nako sky, 'wag niyong patagalin tampuhan niyo." Parang mas problemado pa si den saaming dalawa kaysa sa acads niya.

"Pupunta muna ako sa garden." Gusto kong matulog.

"Bakit? Matutulog ka? Puntahan na lang kita mamaya ron kapag uwian na." Alam na alam talaga ni den.

Nagpaalam naman ako sakanilang dalawa, at naglakad na papuntang garden. Kaso nakita ko si marcus kaya kinausap ko muna.

"Yari ka kay ma'am reyes par! Mukhang galit na naman eh, hindi ka ba pumunta sa office niya?" Ano naman.

"Hindi, bahala siya."

"Kulit mo tol! Goodluck na lang, 'yong kilay na naman non salubong!" Tawanan naman nilang magkakaibigan. Aambahan ko naman siya ng suntok. "Hep! Joke lang, crush mo pala 'yon."

"Umayos ka! Sipain kita eh." Hindi ko na siya hinantay makapag salita pa, pumunta agad ako sa garden. Gusto kong makapag pahinga. Buti na lang girl scout ako, may dala akong sapin. Kaso ilalatag ko pa lang, tinawag na ako ni ma'am eh.

"Skyleigh! Anong gagawin mo rito? Hindi tulugan 'to."

"Alam ko."

"Kumain ka na ba? Sabay na tayo."

"Tapos na akong kumain, ikaw na lang."

"Skyleigh, sorry na. Kung ano man nagawa ko."

"Ma'am walan ka namang ginawa, tsaka matutulog na ako. Kaya kumain ka na lang don."

"Alam kong hindi skyleigh, ma'am ang tawag mo saakin." Hindi naman pala manhid 'to. "Kaya tara na, kumain na tayo. Nagluto ako para sayo."

Wala na akong nagawa hawak hawak ako sa braso eh.

"Teka lang naman ma'am! Sayang sapin ko." Kinuha ko naman agad 'yong sapin na dapat tutulugan ko.

Nandito na kami ngayon sa office niya, gusto ko talagang matulog dito eh. May aircon, sa bahay kay bintilador lang buga pa non init.

Magaling naman pala magluto, adobo ang niluto niya. Isa kaya 'to sa favorite ko, may pa ice cream pa.

"Upo na. Kain na." Ayoki subuan mo ako ma'am.

"Thank you." Kumain muna ako, gutom na gutom ako eh. Hinintay ko lang naman siya lambingin ako.

"Sorry na ha, okay na tayo." Nakangiti pa siya.

"Okay august, sorry din."

Masaya kaming kumain, masarap ang luto niya. Pwede na siyang maging asawa ko, siyempre joke lang. Pwede na pala siya maging girlfriend ko. Pagkatapos kumain, kinuhaan niya naman ako ng ice cream. Ice cream na hindi nakakasawang kainin. Lalo na kapag siya naiisip mo sa flavor.

"Thank you." Bigla ko namang sabi sakanya. "Kiss ko?" Kahit hindi siya papayag.

"Manahimik ka." Diba, ganyan siya eh.

"Gusto ko matulog dito." Sabi ko naman sakanya. Humiga naman ako sa sofa tsaka ginawang kumot 'yong sapin kanina.

"Skyleigh may klase ka pa." Hindi ko na siya pinansin at pumikit ka. Ewan ko ba kung bakit ako napapagod, natutulog naman ako sa klase.

"Skyleigh gising." Ginising naman ako ng anghel, ay hindi si august pala. "Uuwi na, hinihintay ka na ni den."

Hindi ko pala nasabi sakanya na rito ako natulog, lagot baka hindi ako paglutuan.

"Bago ka umalis, ito oh." May inabot naman siya saakin. Bracelet. Magkapareha kami, ang cute naman. Araw-araw ko na 'tong suot.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko sakanya.

"Uuwi na sasabay na nga sayo." Akala ko naman.

Sabay kaming pumunta sa parking lot kaya inasar na naman kami ni den. Parehas na parehas talaga sila ni dix, mapang-asar.

"Bye na! Nag text kapag nakauwi na." Sabi naman ni august tapos kumaway pa. Kumaway na rin ako sakanya. Sumenyas siya saakin na mauna na, kaya nauna na ako.

"Mukhang mapapadalas ngiti ni idol ah." Bahala siya riyan, basta ko kinikilig.

Nakauwi na kami kaya umakyat na ako, hindi na kami nagutom ni den kaya hindi na siya nagluto. Umakyat na lang kami sa kwarto.

To: Bebe girl

Nakuwi na ako.

Araw-araw kaming magkasabay kumain ni august pero minsan may tampuhan, hindi naman namin pinapatagal kasi mas makabubuti 'yon. Sa weekends naman, magkasama na naman kami. Sa park lang kami lagi, tinuturuan ko siyang mag gitara. Mabilis din namang turuan si ma'am. Ganon naman lagi 'yong takbo ng buhay ko, laging siya ang kasama. Hindi na ata ako mabubuhay kapag wala ang isang 'to. Sinabi niya saakin nung magkasama kami na miss niya na raw si seven, ako rin. Miss ko na rin ang nanay non kahit pasaway. Parehas lang sila ni seven, may pinagmanahan talaga.

Kinantahan pa ako ni ma'am dito sa park, ang bilis niya talagang matuto. Punong puno na talaga 'yong bahay namin ni den ng flowers. Ayoko naman itapos kasi bigay ni august. Masaya mabuhay kapag siya ang lagi mong kasama, hindi ka malulungkot. Ang ikinatuwa ko ay parehas kami ng humor, kaya ang ingay namin sa park eh. Pati si manong napapatingin. Hindi talaga nawawala ang regalo galing sakanya. Kung may bracelet, may necklace na. May kasama pang earrings, edi complete set na. Parehas pa kami.

Araw-araw ice cream, ewan ko na lang talaga kapag nagkasakit kami nito. Hindi kasi namin mapigilan eh, malungkot ang kainan kapag walang icecream.Marami mang nangyari saaming dalawa, pero kinaya namin. Hindi kami papatalo, dapat masaya rin kami. Dapat endgame kami, hindi pwedeng hindi no. Iiyak talaga ako at mapupuno ang timba. Nagiging masaya ang takbo ng buhay ko kapag kasama ko si august, hindi na mawala sa isipan ko kung paano siya ngumiti, tumawa, at magpacute. Minsan lang naman siya magtampo, joke araw-araw pala. Kahit ganon naman, mahal ko pa rin 'yon.

Si denisse naman at aurea, nagkakahiyaan pa. Akala mo naman hindi gusto ang isa't isa. Alam ko na ang style na 'yan, nanggaling na rin ako ron eh. Parehas naman silang torpe, ano na lang mangyayari niyan. Bahala sila. Basta kami masaya. Goodluck na lang, masaya ako para sakanila.

Rainbow Onde histórias criam vida. Descubra agora