29

11 0 0
                                    

1 year later...

"Hi seven! Miss you!" Nandito ulit kami kila mama, dahil birthday ni seven. Three na siya.

"Mish you too po." Kiniss pa ni seven sa pisnge si august.

Ang hinahanap ko si liam bibigyan ko ulit siya ng sapatos eh. Binigyan ko na siya nung pasko. Binigay ko na rin 'yong gitara, sabi ko nga bibilhan ko siya ng bago eh. Ayaw naman niya, ok pa naman daw ang luma. Hinayaan ko na lang siya, ayaw eh.

"SKYLEIGH!" Wala pa ring pinagbago, maingay pa rin si dix. Si den hindi naman kasama, sa susunod na lang daw siya uuwi. Pinadala niya na lang 'yong regalo niya kay seven. Hindi ko nga alam kung bakit hindi sumama 'yon eh. "I miss you! Hi ma'am!" Pagkatapos niya akong yakapin si august naman.

Wala si papa at liam, siyempre nag bonding na naman sila sa kusina. Sila ang magluluto eh, sabi pa raw nila kay dix ay magpahinga na raw muna.

"Aakyat muna kami, napagod kami sa byahe." Tumango naman saamin si dix, si seven naman wala ng pake saamin. May hawak na siyang laruan eh.

Pagakyat namin agad naman akong humiga sa kama, nahampas naman agad ako ni august.

"Maligo ka muna! Tsaka 'yong gamit mo, ayusin mo." Okay.

Sinabayan ko siyang ayusin 'yong damit naming dalawa, pagkatapos pinauna niya akong maligo.

"Skyleigh! Matagal ka pa ba riyan?" Tanong niya saakin, may pakatok pa sa pintuan.

"Tapos na." Lumabas naman agad ako, akala ko naman kung bakit. Gusto lang naman pala makatulog agad.

Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, humiga naman agad siya sa kama. Ang bilis niya talagang makatulog, hihiga lang siya tapos pipikit. Tulog na agad eh.

Kaya bumaba muna ako, nakita ko ang mag-ina. Mukhang stress na si dix kay seven, ang kulit kulit kasi! May plano naman ako ngayon kaya hindi ko muna papagalitan si seven.

"Ano sasagutin mo na ba?"

"Hulaan mo! Seven, come here. May ibibigay ako sayo." Pumunta naman agad siya saakin at hinawakan ko siya sa kamay. Pumunta kami sa likod ng bahay.

"Seven, ibibigay mo 'to kay ate august ha." Box 'yon may kasamang teddy bear. Meron pang isa. "Ito chocolate, ako bahala sayo. Hindi magagalit mommy mo." Niyakap ko pa siya tapos hinalikan sa pisnge.

"Thank you tata!" Hindi ko muna ibinigay 'yong box sakanya, sabi ko maligo muna siya kasi malapit na magsimula ang party niya.

Nandito lang ako sa bakuran, walang maingay. Kaso nakakamiss din pala si den, wala tuloy akong chika na nasasagap. Ano kayang ginagawa nila ni rea, wala namang nasasabi saakin 'yong dalawang 'yon. Lowkey yarn?

Ang lamig dito.

"Tata!" May tumatapik pa sa mukha ko, nakatulog pala ako. Ang lamig kasi rito, nakakaantok.

"Wow! Ang pogi naman niyan." Natuwa naman ako sakanya kasi nag pogi pose pa. "Bango naman niyan."

Hindi pa ako ayos, malapit na magumpisa 'yong party ni seven. Ang laki na talaga nito ni seven, next year ipapasok na siya ni den sa school.

Binigay ko naman 'yong box kay seven tsaka umakyat kami sa kwarto. Kumatok muna si seven, gising na pala siya.

"Hi seven! Ang gwapo naman niyan." Mana sa tita. "Ano 'to? Thank you!"

Nakakakaba naman 'to, binubuksan niya na 'yong box. Hinawakan ko naman agad 'yong kamay ni seven.

"Ha? Yes?" Agad naman siyang tumingin saakin, nginitian ko siya. Niyakap niya ako agad. "I love you skyleigh."

"I love you too, ma'am. "

"Hoy, hoy, hoy! Sa harap pa talaga ng anak ko? The audacity!" Arte naman nito. "Let's go anak, hoy kayo rin. Bumaba na kayo.

Rainbow Where stories live. Discover now