CHAPTER 1

6.8K 212 22
                                    


“Since we are in the same room. We have rules to make, at pag lumabag ka sa rules,may punishment akong ihatol sayo 'kay Kamari?” napalunok na lang ako sa sinabi niya at ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod habang nakatayo.

“A-anong rules yan,bat kailangan ganyan” reklamo ko sa kanya saka iniikutan ako ng mata.

“Our first rules is–sa sofa ka matulog ayaw kitang makatabi sa pagtulog.Second,wag mo akong hawakan o galawin,even a kiss is not allowed! kadiri sa babae pa talaga ako ipinagkasundong ipakasal. Tsk! Third wag mo akong pakialaman kung anong ginagawa ko at samahan sa kung saan ako. Fourth wag mo ipagkalat na kasal tayong dalawa and lastly,pag na late kang umuwi wagkanang pumasok sa kwartong ito nakakaistorbo ka lang ng tulog naintindihan mo ba?” sunod sunod na lang akong napalunok sa mga rules na ginawa nya samantalang ako hindi man lang pinayagan gumawa.

Nasa pagitan na kami ng tulog hindi ako komportable sa hinihigaan ko ngayon sobrang liit ng sofa para sa akin.
Tapos di man lang ako tinapunan ng pansin ng bruha, kung anong sitwasyon ng asawa niya.

“Fuck! Pwede ba diyan na lang ako sa kama matulog” Sabi ko na naka upong humarap sa kama kung san itong komportableng nakahiga. Edi siya na isusumbong ko siya bukas sa parents niya.

“No!rules is rules pinagkasunduan na natin to” Ayan na naman siya sa rules niya. 

“Hay bihirang buhay to” mahina kung sabi saka humiga ulit sa sofa.

Nagising ako ng alas nuebe at wala na rin si Thalia sa kwarto namin tinanong ko sa mga katulong since maaga rin umalis ang magulang nito pa abroad.
Nasa trabaho na rin daw si Thalia ako naman mag-aaral at dahil late akong nagising syempre late narin ako sa school kaya mamaya na ako papasok.

Kinasal kami ni Thalia kahapon pero hindi sa simbahan tapos ayaw niya na magkaroon ng sarili naming bahay dahil maghihiwalay din naman kami pagkatapos ng kontrata.
Kung napansin niyo ang attitude niya, parang diring diri sakin? Homophobic kasi siya tapos ako bacla lang anong magagawa natin.Ikinasal siya ng magulang niya sakin dahil super hero daw ako ng anak nila,tapos yung anak nila may lahing kontrabida. Biro lang hehe…
Magulang lang namin nag pasundo samin makasal kaya wala na rin kaming magagawa bilang anak.Tapos magtiis pa ako ng dalawang taon kasama ang bruha!

“Hoy bed!” nagising na lang ang aking diwa sa sino mang sumigaw ay mahahampos ko talaga ng bag.

“Ang sabog mo naman okey ka lang ba?” Kita na ngang sabog tinatanong pa ba yan naknampucha?!

“It's early in the morning ang ingay niyo!” kaya napataas na lang ang aking kilay sa bigla nilang pagtawa.

“HAHAHAHA sabog ka nga Kam” si Grace.

Makahulogan ko silang tinignan.

“Bat hindi pa ba umaga?” napailing at tumawa na lang ang dalawa.

“Yan bebetime pa sa mga chix mong nasa COD bed hahahaha” tumawa pa ang lokang Crystal.

Dumiretso agad kami dito sa cafeteria pagkatapos ng dalawang subject namin sa hapon.

“Bed anong plano natin this coming weekend?” tanong ni Crystal habang ngumunguya.

“Wala” tipid kung sagot saka tumingin sa dalawa na ngayon ay nagkatitigan.

“Seriously bed wala?” oo,wala baka totohanin pa yung punishment ni bruhang Thalia.

“Baka may magagalit na sa kanya?” patanong na sabi ni Grace.

Meron talaga!

“Nah,wala naman pero ano kasi wala na akong maisip ng ibang gimik” napahilot na lang ako sa aking sentido.

Living with my homophobic wife Where stories live. Discover now