KMN 009

388 40 5
                                    


"Harry, pwede mo ba akong sunduin dito sa bahay. Balak ko sanang mamili sa mall, kung may ginagawa ka ok lang, papasuyo nalang ako kay Jake-"

"Nandyan na ako within five minutes, tapusin ko lang tong pinapagawa sa akin ni Papa. Andyan na ako bago mo pa malaman."

"Sige antayin kita. Bye." Binaba ko ang cellphone at nagmadali ng mag bihis, inuna ko kasi ang pag lagay ng light makeup alam ko kasing tatagal to kaysa sa pagpili ng susuotin.

Kasi tong si kuya eh, pinapaayos sa akin yung cellphone kahit na gumagana naman, nagpupumilit kasing siguraduhin ito kaya heto ako planong dalhin ito sa laging nyang pinapagawaan ng cellphone. Ayaw nya kasi dito sa tapat lang, ang arte kala mo kung gold yung cellphone android lang naman.

Nakakairita gusto ko pa sanang matulog, kainis kasi eh. Kung hindi lang sana sa sinabi nya kanina malamang natapon ko na ito patungo ng mall.

Double purpose naman ito kaya ok lang. Plano ko ring makipagkita kay Harry at sabihin na payag na su kuya na maging nobyo ko sya. Hindi ko maipaliwanag na masaya ako ngayon, bukod kasi sa kasiyahan ay naghalo na yung inis ko kay kuya.

Hindi pa natapos ang limang minuto nang dumating ang sasakyan ni Harry sa tapat, kinawayan ko sya mula sa bintana at kumaway din sya pabalik.

"Kuya, aalis na ako." Paalam ko sa kanya. Tumango na lang sya habang nanonood ng paborito nyang series sa kanyang kwarto.

Bumaba ako ng hagdan at sinara ang pinto mula sa labas. Agad namang bumaba si Harry at pinagbuksan pa ako ng pintuan. Wow, kina career nya talaga ang pagigung gentleman.

"Thank you." Sinara nya ito pagkatapos kong ayusin ang pag upo. Sumunod narin sya at lumarga na kami papuntang mall sampung minuto ang layo rito.

"So, ano bang gagawin mo sa mall?" Tanong nya habang nagmamaneho. Ang bango nya ngayon ha, bagong ligo.

"Ano kasi eh, nahulog ko yung cellphone ni kuya sa lababo. Kaya ako yung inutusan nyang magpaayos. Ayaw din nya sa tapat, gusto nyang sa mall talaga."

"Minsan naiisip kong may pagka-baliw yang kuya mo."

"Sinabi mo pa, hayaan mo na nga. Actually may isa pang rason kung bakit kita niyaya. Gusto ko sanang i-date mo ako ngayon, doon ko nalang sasabihin ang rason kung bakit." Tumango sya at ngumiti.

"Ok, saan mo bang gustong mag date tayo?"

"Bahala ka, basta hindi sa mall."

"May malapit kaming kainan sa labas ng mall, gusyo mo bang doon nalang tayo?"

"Sige, gusto ko yun."

Pagka dating namin ng mall, matapos ma park yung sasakyan dumiretso na kami sa pagbawalan ng cellphone. Pinalinis ko lang yung phone at sinugurafo na walang natitirang tubig sa loob. Nagantay din kami bg ilang minuto bago kami lumabas ng mall.

Saktong nasa parking area na kami ng biglang may mga batumbadong lumapit sa amin. Kay lalaki ng katawan nila pero hindi naman nalalayo ang pangangatawan ni Harry.

"Akin na yang bag mo, bata."

"Umalis na nga kayo, wala kaming maiibigay sa inyo." Wika ni Harry na aking ikinaba. May balak ba syang kalabanin ang mga higanteng to? Kung Oo, pwes sinasabi ko sa kanya na magdasal na lang na hindi sya sasaktan ng mga ito.

"Heto sa inyo na ito, please wag nyo na po kaming saktan. Umalis nalang po kayo." Pakiusap ko.

"Wag mo yang ibibigay, Jessie. Ang lalaki ng katawan nyo ang tatamad nyong magtrabaho. Nam-biniktema kayo ng mahihina, puro pagnanakaw ang alam nyo." Talagang sinusubukan ba nya kung gaano sila ka lakas sumuntok? Patay tayo neto.

"Ang tapang mo, bata. Nobya mo ba to? Mukhang di kayo bagay, kami pwede pa. Sige heto nalang, sayo na yang bag at amin na yang magandang dilag mo."

"Talaga bang sinusubukan nyo ako? Akala nyo siguro titiklop ako sa inyo, kahit mamatay man ako hindi ko ibibigay tong nobya ko. Tangina nyo!" Mura nya sa mukha ng lalaking nasa gitna.

Agad kong hinila si Harry ng makita kong may hinugot na patalim ang lalaki. "Harry, natatakot ako." Nanginginig kong sambit.

Pinatago ako ni Harry sa kanyang likuran.

Hindi pa man nakaka abante ang lalaki ay sinakubungan na ng kamo ni Harry ang panget nitong pagmumukha.

"Pasok sa sasakyan." Agad akong tumakbo palayo sa kanya pero hindi ko sya sinunod na pumasok sa sasakyan. Habang nakikipag suntukan sya sa tatlo ay naghanap ako ng pwedeng gamitin upang tulungan si Harry.

May nahanap akong tabla ba kahoy, pinulot ko ito saka walang takot na lumapit sa likod ng isa at pinag pukpok ito. Nabawasan naman ang kaaway ni Harry pero sa akin naman ito naka-tutok. Tumakbo ako pero naabutan nya ako, ginapos nya ang baywang ko saka binuhat.

Pinagsisipa ko sya ngunit wala ding nagawa. Nakita ko si Harry na nankilisik ang mga mata sa gawi namin. Agad syang bumangon sa pagkahiga at pinag susuntok ang dalawa hanggang sa magtagumpay itong pinabagsak sa sahig.

Lumapit sya sa amin ngunit natililan sya ng may naramdaman akong pag tusok sa tagiliran ko.

"Sige lumapit ka, butas ang tiyan nito." Pananakot na lalaki kay Harry.

"Please bitawan mo sya, bibigyan kita ng pera name your price butawan mo lang sya." Nagmamakaawa sya sa lalaki. Duguan ang bibig nito kaya sa kanya ako naaawa.

Mukhang katapusan ko na, please god, let me live. Wag nyo akong hayaan na mamatay ng virgin. Gusto ko pang maikasal kay Harry, gusto ko pa ng anak. Please wag nyo po akong kunin.

Natutulala nalang ako habang patuloy na dumatagas ang luha sa aking mga mata.

"Please let him go, I'm begging. Please." Lumuhod na si Harry sa sahig pero hindi parin nya ako binibitawan. Talagang katapusan ko na nga. Paalam Harry, paalam na mahal ko.

Bago paman ako makapikit ay may sumigaw na boses.

"Cut the act, good job everyone!" Nakatayo sya sa di kalayuan na may ngiti sa labi.

Binitawana ko ng lalaki kaya agad akong tumakbo at niyakap si Harry ng mahigit.

"Anong ibig sabihin nito, Pa?" Galit na tanong ni Harry.

"I'm just testing you, napatunayan nyo lang na you deserve each other."

Kiss Me Not (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon