prologue.

40.3K 1.1K 606
                                    

prologue.


I've had different jobs for the past years but this is the most difficult yet. I'm currently working under the Zhang Company. One of the biggest companies in the country.

My position? I'm appointed as the secretary slash personal assistant of the CEO. Swerte ba? Kaka-apply ko lang pero medyo magandang position kaagad ang nakuha ko tapos malaki pa yung sweldo. Although may isa akong problema... my boss.


CEO Zhang Yixing.


He's actually a good boss. Nice, friendly and he's really nice to everyone in the company. Ang kaso nga lang, napaka-inosente, he's also too young for the job. He's kind of an airhead... and minsan napapaisip na lang ako kung paano siya naging CEO ng company na ito.


"Sir, gising na po. You have an appointment in an hour" sabi ko habang naglapag ako ng baso ng kape sa desk niya.

"Hmm? Ano? Bakit? Sino ka?" napakamot na lang ako sa mga sunud-sunod niyang tanong. He's always like this. Papa Zhang, bakit po ba agad niyong ibinigay ang kumpanya niyo sa anak mo?!

"Kailangan po nasa office ka na in an hour since may meeting po kayo with sir Jun Myeon" sabi ko habang inaayos ko na yung mga kakailanganin niyang dalhin.

"Oo nga pala" humigop siya ng kape tapos ay kinusot niya yung mga mata niya. "Sino ka nga pala?" tanong niya.

"Sir I'm Dianne Charis Lee, your secretary po" sagot ko sa kanya.

Tumango lang siya saka siya tumayo. Nakatulog kasi siya dahil marami siyang pinipirmahan na papeles. "Pa-ready na lang nung isusuot ko para sa meeting" utos niya saka siya pumasok sa CR.


Binuksan ko yung wardrobe niya saka ako naglabas ng polo at pants na isusuot niya para sa appointment niya. Sinigurado ko rin na polished na yung sapatos niya. Naupo muna ako habang hinihintay ko siyang matapos. Napatingin ako sa orasan at nakita kong thirty minutes na lang before mag-start ang meeting. Twenty minutes ang byahe papunta doon kapag walang traffic! Paano pag abutan pa kami?!

"Sir Zhang, male-late na po tayo. We need to be there in thirty minutes" sabi ko habang kumatok ako sa pinto ng CR.

Tumingin ako sa wristwatch ko at muli akong tumingala. Sakto naman na bumukas bigla yung pinto at bumungad sa akin si sir Zhang na basang-basa pa at may twalya lang na nakapalupot sa beywang niya.

"Nasaan na yung damit ko?" tanong niya.


Masyado naman akong natulala at nanatili akong nakatingin sa kanya. "Charis, my clothes?" pag-ulit niya at nabalik na ako sa ulirat ko. Kasi naman, ang ganda ng katawan eh!

"Ah sir! Eto po!" kinuha ko yung damit niyang nakalatag na sa kama niya at inabot ko yun sa kanya. Di pa nagtatagal at bigla naman na nag-ring yung phone niya na nakapatong sa desk. Nung tiningnan ko yun, si sir Lu Han yung tumatawag. Oh my gosh, business partner niya ito eh, important call eto!

"Sir! May tawag po from sir Luhan" sigaw ko at muling bumukas yung pinto ng CR at lumabas si sir ng nakabihis na pero bukas pa yung butones ng polo niya.

Jusko, pagsubok ba ito?!

"Charis, pakiayos nga" utos niya at kinuha niya yung phone niya. Sinagot niya yung call at inisip ko muna yung utos niya. Ano daw? Tumingin ako sa kanya at tumuro naman siya sa polo niya at sumenyas na ayusin ko.

Napalunok na lang ako saka ako lumapit saka ko sinara yung butones ng polo niya. Nanginginig pa nga ako kasi iniiwasan kong mapatingin sa katawan niya, pero failed eh. Buti na lang busy sa tawag si sir at di nahalata.

"We'll talk again soon" huling sinabi ni sir saka niya binaba yung call.

"Tara na po ba sir?" tanong ko sa kanya at tumango na siya. Inabot ko na sa kanya yung susi ng kotse niya at kinuha ko na yung mga dapat naming dalhin.

"Let's go" sabi niya at umalis na kami sa penthouse apartment niya.

I know I'm supposed to do my job well but... paano naman ako magiging professional kung ganyan ang boss ko?! How can I ignore my hot boss and just continue with my job?! Paano?! PAANO?!

"Charis, let's go. Sabi mo mahuhuli na tayo"

"Sorry sir" sabi ko at pumasok na ako sa kotse niya.

How do you deal with a boss like Zhang Yixing?

--------

Note: This story was written during 2015(?), binalik ko lang since maraming naghahanap. So excuse my humor. Hahaha. 

VOTE.COMMENT.SHARE

XOXO






Dealing with CEO Zhang [Lay FF] - w/ English TranslationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon