Ika limampu't isang Yugto: Barcelona

213 5 0
                                    

Claudio

"Emilio, como es el entierro?"

"Maayos naman Señorito. Inilibing namin si Juana malapit sa libingan ni Nicanor."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas mg ventana ng aking despacho.

"Ano bang nangyayari sa atin Emilio? Una si Nicanor ngayon naman ay si Juana." Wika ko.

"Usap usapan sa bayan ang lahat ng nangyari at sa tingin ko ay nakatuon ang mga mata ng guardia civil sa Casa matapos ang dalawang insidente, Señorito."

"Alam ko. Mas lalong tataas ang kanilang pagdududa sa ating lahat dito sa Casa."

Tumayo ako at lumapit sa ventana.

"Ano pala ang iyong plano ukol sa telegrama mula Barcelona?" Tanong Emilio.

Hindi agad ako nakasagot. Isa pa ito sa mga bagay na ayoko pa sanang isipin sa ngayon.

"Si Milagros? Lumabas na ba sya ng kanyang dormitorio?" Tanong ko.

Umiling si Emilio.

Mula ng mamatay at mailibing si Juana ay nanatili lamang sa loob ng kanyang dormitorio si Milagros.

Nais ko sana syang puntahan subalit hindi ko pa rin maiwaksi sa isipan ko ang lubos nya na paghihinagpis ng makita mismo ng kanyang mga mata ang pagbitay sa kanyang criada.

"Tinanong nyo na ba Señorito kung paano sya napunta sa may patio noong isang araw?"

Tumingin ako kay Emilio. Isa pa din ito sa mga usapin na iniiwasan ko. Nangangamba ako sa maaaring isagot ni Milagros.

"Paano kung...."

"Emilio." Pagputol ko sa kanyang pagsasalita. "Mabuti pa papasukin mo na ang mga vesita." Wika ko.

Habang nasa kalagitnaan ng pagpupulong ay nakarining ako ng komosyon sa labas ng bahay. Sumilip ako sa ventana at nakita ko na kinakaladkad papasok ng casa si Milagros ng mga guardia civil.

Nagmamadali akong lumabas ng despacho papunta sa patio.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Teniente Agustin na sya palang kasama ng mga guardia civil na bitbit si Milagros.

"Yan sana ang gusto kong itanong Señor Claudio. Nagulantang na lamang kami lahat sa loob ng cuartel ng mag escàndalo and babaeng yan sa labas." Sagot ni Teniente Agustin habang tumingin kay Milagros.

"Dejala ir." Tiim bagang na sinabi ko sa mga guardia na hawak hawak si Milagros na pilit namang kumakawala sa kanila.

Sumenyas si Teniente Agustin sa mga guardia civil na may hawak kay Milagros na bitawan nila ito.

Susugod sana si Milagros kay Teniente Agustin subalit pinigilan ko sya.

"Mga walang puso!!!! Nakakadiri kayo!!!!! Di nyo lamang sinaktan at pinatay subalit pinagsamantalahan nyo din si Juana!!!! Mga hayop!!!!!!" Sigaw ni Milagros.

Nagkuyom ang aking mga palad.

"Pasalamat ka Señor del Valle at inuwi ko pa ang isang yan dito. Sa susunod na mag escàndalo muli sya sa cuartel baka sumunod agad sya sa yapak ng criada nya." Pagbabanta ni Teniete Agustin.

"Vamos!" Utos ni Teniente Agustin sa kanyang mga kasama at pagkatapos ay umalis na sila.

Humarap ako kay Milagros. Hindi ko alam na lumabas na pala sya ng casa.

"Milagros, ano na naman ang ginawa mo? Hindi ka ba talaga nag-iisip? Hindi mo ba alam na sa ginawa mo ay maari ka nilang dakpin, ikulong o di kaya ay patayin?" Tanong ko sa kanya.

One Upon A Time Two: MilagrosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon