Ika Limampu't siyam na Yugto: Cuaderno

203 5 1
                                    

Claudio

Pinagmasdan ko ang pag-alis ng carruaje hanggang sa hindi ko na ito matanaw.

Lulan nito palayo hindi lamang si Milagros subalit maging ang aking puso.

Nagulat ako ng pumunta si Milagros kaninang umaga sa despacho at hiniling ang paglisan nya patungong hospicio sa lalong madaling panahon.

Marahil narinig nya ang pag-uusap namin ni doktor Luciano. Nagsusumigaw ang puso ko na lumabag sa desisyong iyon subalit mas nangangamba akong mapahamak sya dito sa Casa kung tunay nga syang isang rebelde o di kaya ay mas lalong lumubha ang kanyang karamdaman.

Lumabas ako ng sala de artes pagdating ng hapon at tumungo sa silid ni Milagros. Binuksan ko ang tocador at nakita lahat ng kanyang damit na ipinagawa namin para sa kanya. Tanging ang mga orihinal na damit lamang nya noong akin syang matagpuan ang kanyang dinala.

Naroon din sa loob ang mga abaniko at ilang mga alhajas na dati nyang isinusuot at ginagamit. Iniwan din nya ang paño na ibinigay ko sa kanya.

Marahan ko na isinara ko ang tocador.

"Anong ginagawa mo sa aking silid Claudio?"

Bigla akong napalingon sa likuran ng marinig ko ang boses ni Milagros, nagbabakasakaling naroon sya, nakapameywang na nakatingin sa akin subalit wala sya doon. Dala lamang ng aking imahinasyon ang marinig ang kanyang tinig. Tinig na maaaring hindi ko na muli pang maririnig.

Palabas na sana ako ng silid ng mapansin ko ang isang maliit na papel sa may lamesita sa gilid ng cama ni Milagros.

Lumapit ako at kinuha ito.

Claudio,

Maraming salamat sa pagligtas mo ng aking buhay at sa pansamantalang pagpapatuloy sa akin dito sa Casa del Valle.

Bilang pasasalamat ay nais ko sanang tanggapin mo ang aking mga regalo.

Sana ay magustuhan mo ang mga ito.

Milagros

Kinuha ko ang isang kwaderno na gawa sa balat at may nakaburda dito ang mga letrang CLA. May tatlong paño din sa tabi nito na may burda din ng inisyal ng aking pangalan.

Hinaplos ko ang mga ito.

Binuklat ko ang kwaderno at binasa ang sulat kamay si Milagros sa unang pahina nito.

Desafiaré al destino solo para estar contigo.

Hindi ko napansin na bumabagsak na pala ang luha sa aking mga mata.

Patawarin mo sana ako....aking Milagrosa.

"Dónde está Claudio? Haz que venga aquí de una vez!" Narinig ko ang pagsigaw ng isang lalaki mula sa labas mg Casa. Agad akong lumabas ng silid ni Milagros. Nakasalubong ko si Inocencia sa bungad ng escalada.

"Sino kaya iyon?" Tanong ni Inocencia.

Agad akong lumabas upang tignan kung sino ito. Kasunod ko na lumabas si Inocencia kasama si Martina. Nagulat ako ng makita si Teniente Juancho sa may patio. Pinipigilan sya ni Emilio.

"Hayaan mo sya Emilio." Utos ko.

Agad na lumapit sa akin si Juancho at hinawakan ako sa aking kwelyo. Lubos ang galit sa kanyang mga mukha.

One Upon A Time Two: MilagrosaWhere stories live. Discover now