Prologue

84 3 0
                                    

Nagising ako sa isang madilim na eskinita. Nalimutan ko na kung bakit ako nakarating dito. Hirap akong maglakad nang tumayo ako. Takang taka ako kung bakit nandito ako hanggang nakarinig ako ng taong naglalakad.

Huminto ako sa paglalakad. Naisip na sana hindi ito isang masamang tao o isang gwapong lalake. Ano ba 'tong nasa isip ko? Hirap na nga ako sa kalagayan ko mas nauuna ko pang naisip ang mga ganito.

"Sino 'yan?!" Tanong ng boses lalaki. Anino lang ang nakikita ko dahil hindi ko siya nakikita. Nasa kabilang daanan siya.

Hindi ako makasalita. "Sino 'yan?!" Tanong niya uli. Hindi ba niya ako nakita na dumating dito? Narinig niya siguro ang paglalakad ko.

Naalala ko na. May nasubong akong lalaki kanina lang. Baka siya ang nagdala sa'kin dito? Pero pano nangyari 'yun? Habang inaalala ko ang nangyari ay naramdaman kong nawala na ang lalaki. Bakit kaya hindi na niya ginusto pang ituloy ang paglalakad? Naglakad uli ako dahil mukhang doon ang tamang daan para makapunta sa kalye. May naririnig akong ingay ng sasakyan. Napakahina at halatang malayo ito mula dito.

Sinilip ko muna ang daanan. Wala na ang lalaki. Tinungo ko ang lugar na iyon hanggang sa may daanan na naman. Nakakalito na. Walang katao-tao dito. Tinignan ko ang suot ko. Nakapalda na maiksi lang naman ako. Medyo narumihan na ang damit ko. Hindi ko alam kung bakit ba nangyayari sa'kin 'to. Gusto ko lang naman mahanap ang tamang lalaki para sa'kin.

MarupokWhere stories live. Discover now