// 1. Feelings

45 3 0
                                    

Kasama ko ang mga kaklase ko. Naglalakad kami at syempre naghahanap na din ng pogi. Kasama ko si Kassandra. Isa sa maganda kong classmate.

"Kinilig ako kay Sir kanina, Kass!" Sabi ko habang naglalakad kami papalabas ng school.

"Tigilan mo nga 'yan, Mary." Sabi niya.

"Bakit naman para kinilig lang." Sagot ko at napasimangot.

"Grabe ka, kakakilig mo lang doon sa gwardya natin, ngayon naman kay Sir ka kinikilig. Partida, may jowa ka."

"Masama ba kiligin?"

"Masabihan ka lang o mangitian ng lalake kinikilig ka na?"

Hindi ko siya pinansin. Hawak ko ang phone ko nagtext ako sa gwardya na papalabas na kami kaya malayo pa lang nakangiti na siya.

"Tignan mo ngiti niya." Sabi ko kay Kassandra kaya napasimangot na naman siya.

"Ang tanda na niyan. Balita ko dalawang taon na lang 40 years old na 'yan."

"Age doesn't matter. Hindi naman edad ang nagmamahal. Puso."

"Kahit na. Mamaya jowain ka niyan matanggal pa sa trabaho 'yan dahil sa'yo."

"Secret lang naman. Pag nanligaw siya, syempre sasagutin ko na agad."

Hanggang makarating na kami sa gate. "Ingat ka Mary." Sabi ni Kuya Dark.

Dark kasi ang name ng gwardya namin. Binata pa siya kahit 38 na siya. Halatang crush niya ako kasi nung time na nawala ang ID ko, dinala sa kaniya ng estudyante kaya niya nalaman pangalan ko at agad nagchat sa FB. Marami naman mga babae pero bakit ako pa ang napili niyang kachat. Kaya alam kong may gusto siya sa'kin.

Nangmakalabas kami ng gate ay tinanong ako ni Kassandra. "Gagala ba tayo mamaya?"

"Syempre. Hanggang gabi tayo sa inyo sunduin mo ako."

"Sure ka na papayagan ka ng mama mo?"

"Syempre ipagpaalam mo ako. Kunyari gagawa tayo ng assignment."

"Kainis ka. Kailangan ko pang gawin 'yan."

"Oo tapos yayayain natin si Kuya Dark baka pwede siyang gumala."

"Bahala ka. Katawan mo 'yan. Kahit anong pigil ko sa'yo, ayaw mong makinig."

"Bakit ba. Okay lang 'yun."

Gustong gusto kasi akong kasama ni Kassandra kaya wala siyang magawa kundi hindi mangialam sa gusto ko.

Kinagabihan, nakasakay ako sa ebike ni Kassandra. 8 na ng gabi. Agad kong tinawagan si Kuya Dark.

"Hello, Kuya Dark. Sama ka sa'min." Yaya ko agad sa kaniya.

"Mamaya pang 9 ang uwian ko. Hindi ako pwede."

"Hihintayin ka namin. Hanggang 12 kami ng gabi tatambay kina Kassandra."

"Bakit?"

Napansin ko si Kassandra na napapailing lang sa'kin. May jowa kasi ako. Minsan sinasama namin siya paggagala kami pero ngayon hindi. Kasi gusto kong makita si Kuya Dark.

"Basta. Sama ka."

"Naku bawal. Kapag nalaman na nakakasama ko kayo baka matanggal ako sa trabaho. Sorry talaga."

Nalungkot ako. At maya maya tinawagan ako ng jowa ko. Sinagot ko. "Nasan ka ba?" Tanong niya.

"Gagawa lang assignment kina Kassandra." Dahilan ko.

"Umuwi ka ng maaga a."

"Opo."

"Chat mo ako."

Kachat ko ngayon silang dalawa.

Nakarating kami sa bahay ni Kassandra. "Baka malaman pa ng jowa mo 'yan." Tanong ni Kassandra.

"Hindi 'yan. Ako ang bahala."

Hanggang 12 na. Kachat ko lagi si Kuya Dark. Nag-goodnight na ako sa jowa ko pero hindi kay Kuya Dark. Gwapo din kasi siya. At halata na gusto niya ako. Ayoko naman iwan jowa ko kasi libre load ako sa kaniya at dinadalhan niya ako ng meryenda pag breaktime. Sayang naman kung mawawala siya. Pero gusto ko din naman si Kuya Dark.

Nang pauwi na kami. Hinatid ako ni Kassandra sa malapit sa amin. Hindi na kasi kasya ang Ebike niya kaya kailangan ko nang maglakad. Nakita ko ang ex ko. Nakatingin sa'kin.

"Gabi na a. Saan ka galing?" Tanong niya.

"Dyan lang. May ginawa lang kami ng kaklase ko. Nagpaalam naman ako." Sagot ko. Siya ang ex ko na umiwan sa'kin. May asawa kasi siya pero hiwalay. Sabi niya wala na daw sila pero madalas niya akong iblock kapag nandyan ang asawa niya.

Inaaway ko siya pag ganun. Kaya siguro iniwan niya ako kasi lagi ko siyang inaaway. Malaki din ang agwat ng edad namin. Kadalasan sa nagiging Boyfriend ko, malapit lang dito nakatira kaya galit na galit ang jowa ko sa'kin dahil mga ex ko puro kapitbahay ko lang. Hindi ko na naman sila pinapansin. Ayaw ko na sa kanila.

Kinabukasan tinawagan ako ni Nate. Siya ang jowa ko ngayon. "Bakit nakaonline ka pa. Akala ko kagabi uuwi na kayo?" Galit na tanong niya.

"Umuwi na nga kami."

"Gising ako. Akala mo hindi a."

Oo alam ko nakaonline pa siya. Ano kaya ipapalusot ko? "Iniwan kong nakaonline FB ko." Dahilan ko. Hanggang sa binaba na niya ang tawag.

Hanggang sa papasok na ako ng 12 PM. Hinatid ako ni Nate. Lagi naman niya ginagawa ang ihatid ako sa school. Dahil patago lang ang relasyon namin, hindi niya ako pupuntahan sa amin kundi sa malayo pa. Ayoko din naman mamasahe. May trycicle kasi siya. Tapos habang umaandar kami, hindi ko inaasahan na aagawin niya ang phone ko. Wala akong nagawa. Nakita niya ang chat namin ni Kuya Dark. Galit na galit siya.

"Magtapat ka nga. Mahal mo ba talaga ako?" Tanong niya.

"Oo naman." Natatakot kong sagot.

"Bakit kachat mo 'tong gwardya na 'to at bakit niyayaya mo? At bakit niya sasabihin na bawal sa kanila mag jowa ng estudyante?"

"Malay ko."

"Idedeny mo pa. Ano ba ang wala sa'kin bakit mo ito nagawa?"

"Joke lang 'yan, Nate. Ikaw ang mahal ko."

Ayokong mawala si Nate sa'kin kasi nakakatulong siya sa pang araw araw na buhay ko. Iniwan niya ako malapit sa school. Galit talaga siya. Wala akong nagawa. Pumasok ako sa school. Binati pa ako ni Kuya Dark. Nginitian ko siya. "Kuya. Ano na. Eto naman parang hindi lalaki." Sabi ko sa kaniya at umalis na.

Tinawagan ko agad si Nate. "Nate, kausapin mo ako." Sabi ko agad.

"Bakit mo nagawa sa'kin 'to?!" Galit talaga siya.

"Sorry. Hindi na mauulit."

"Talagang hindi na mauulit. Inayawan ka na niya. Pa'no pala kung hindi. Edi iiwan mo na ako?"

"Hindi mangyayari 'yun, Mal." Kailangan ko talagang suyuin siya.

"Pasalamat ka mahal kita."

Hay salamat. "Hindi na talaga mauulit 'yun, Mal. Sorry na. Okay na tayo a."

"Oo na."

"I love you, Mal."

"I love you too. Pumasok ka na. Kita nalang tayo mamaya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MarupokWhere stories live. Discover now