15

137 18 23
                                    

PATRICIA'S POV


" Ayy ano ba potpot tumatalsik yung dugo sa mukha ko"

" panu kasi hawakan mo mabuti yung pakpak higpitan mo mabuti"

" e panu kasi ang lakas ng manok na to ano ba pinakain mo neto bat ang lakas"

"ate potpot, ate bangs hindi pa kayo tapos diyan? Pinapatawag na kayo ni nanay para mananghalian"

"oo sunod na kami"

" oh my gosh potpot nawalan ako ng lakas don sa manok nayun"

" haha ang sabihin mo wala kalang talagang lakas"

" tskkk dami ko tuloy dugo sa mukha wait ligo lang ako pahiram ng towel ha" tumango nalang ako sakanya.

Ayy oo pala dalawang linggo ng nakalipas nung umuwi sila dito ni bangs at Don Rico, yung isa wag ayuko banggitin, kong kailan may crush nako sakanya dun pa siya aalis. Pero kong di pa siya siguro umalis baka di ko rin malalaman crush ko na pala siya. Ganito pala pag may crush ka noh parang gusto mo siya makita kaso nga di ko na siya nakikita, kailan kaya kita makikita ulit erin?

"oi miss na niya"

Pake mo?

"nak halika na sa kusina ng makakain na, nasan si bangs?"

"naligo po nay, sinalo ba naman yung dugo ng manok haha"

"hayaan muna alam mo naman di sanay yun magkatay o sya hintayin nalang natin siya"

" ate yung regalo ko ha"

" oo naman happy Birthday bunsoy sampung taon kana pala binata kana pero bawal muna mag crush crush ah nako sinasabi ko sayo" banta ko sakanya

" wag ka maniwala dyan toto hindi masama magka crush" singit ni bangs na bagong ligo lang.

" wag mo turuan kapatid ko sa mga ganyang bagay bangs baka makabuntis yan ng maaga nako ayuko magbantay ng pamangkin"

"nakakatawa ka talaga tsong di porket crush buntis agad? Bakit ikaw? Hindi kaba nagka crush dati hmmm?" nabigla ako sa tanong ni bangs.

" oh bat namumula ka? Haha nako may crush ka siguro dati noh?" asar niyang tanong.

" w-wala ahh bat naman ako magkacrush dati ang batang bata ko pa" depensa ko.

" o bat namumula ka kong wala kang crush dati?" jusko po sana di niya--

"AHA! Kong wala dati so ngayon meron? Aha! aha! "

" h-ha? W-wala nga!"

"ate bangs ate bangs totoo meron yang crush si ate ngayon" isa pa to.

" so tama nga ako?  aba potpot nakakatampo ka bestfriend mo ko bat di mo manlang sinabi sakin?"

"a-ah k-kasi ano---

" kasi ate bangs kaya di niya masabi sabi sayo kasi pinsksllffidnwzjkx " bigla ko sinubo sakanya yung isang kutsarang kanin.

"kain na tayo gutom nako"

" okay, toto lead the prayer" bangs

"owpo atoh"

_____________________

" Asan yung letter Y? Bakit Happi ang nakalagay jun2x? Tsaka ano to? Pati H sa Birthday wala din? Bakit dalawa yung I? Mali yan! " rinig kong reklamo ni bangs kay jun2x, magbabagayan na naman yan.

Ms. Erin Hanley (On Going) Where stories live. Discover now