8

2.7K 105 27
                                    

ERIN'S POV

Nanginginig pa yung mga kamay ko na kumuha ng tubig sa ref , "what just happened?, hinalikan ko siya sa lips....Accidente lang yun, dapat sa cheek lang yun eh kaso Lumingun siya aist at ikaw naman heart pwedeng kumalma ka na?" bulong kung sabi.

" meron akong nakita pero di ko sasabihin pero kapag akoy pinilit di ko parin sasabihin" kanta ni bangs sa likuran.

" w-what?" Kinakabahan kong tanong, shiii nakita niya yung nangyari kanina.

" Waaalaa, oi couz ano yun? Thank you kiss parin ba yun? at lumi level up na ha nung una sa cheek lang ngayon sa li----AARAY" binato ko siya ng pipino na galing sa ref.

" bagay lang yan sayo, tsimosa" galit galitan kung sabi.

" oi couz hindi ako tsimosa nagkataon lang na nadun ako sa balcony ko noh" depensa niya.

" w-well a-accidente lang yun" utal kong depensa

" really?" Duda niyang tanong

" oo nga dapat sa cheek lang yun" me

"owwkay sabi mo eh, sige couz ligo lang ako ciao" paalam niya pero pag labas niya sa kusina " I KISS A GIRL AND I LIKED IT" kanta niya.

" Bwiset ka bangs!!" Inis kong bulong, Buong maghapon wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto, hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nangyari kanina, yung paglingon niya at kung pano naglanding ang lips ko sa lips niya, " omg ang soft ng lips niya" kinikilig kung sabi sabay hawak sa lips ko, in my entire life ngayon lang ako nakadama ng kilig at bilis ng tibok ng puso, never ko tong naramdaman sa mga ex boyfriend's ko ngayon lang at sa babae pa, i dont know kung ano tong naramdaman ko naguguluhan nako.

Tok tok tok

" couz dinner is ready" bangs

"sunod nako"

------------

" erin apo napagsunduan namin ni bangs na gagawa kami ng party two days from now dito sa mansyon para sayo tsaka para makilala ka narin ng taga compound" lolo

" sino po yung ininvite niyo lolo?" Ako

" sila lang na taga compound ang mga bisita apo, ok lang ba apo?" lolo

"Sure po lolo" sagot ko

..........

PATRICIA'S POV

Dalawang araw ng nakalipas simula nung hinalikan ako ni alien sa sa ano sa basta yun, ayoko ng banggitin yun baka hindi naman ako makakatulog sa gabi nito.

" nak paki bili muna ng magic sarap, ubos na pala yung binili ko kahapon" utos sakin ni nanay sabay abot ng limang piso.

" sige po nay" ako

...

" ay sinasabi mo pa ang ganda daw niya, model nga daw yun eh" sabi ni aling kiray na chismosa, aba ang aga aga nag chichismis na.

" kaya kaliangan bongga tayo bukas, oi mareng marikit hindi ka ba sasama samin mamaya? magpaparlor kami". Aling tikay, wow anong meron?.

" aling marikit pabili po ng isang magic sarap yung maliit po" ako,

" teka lang potpot huh" aling marikit

" potpot hindi mo ba alam ang balita ngayon dito satin?" Tanong ni aling tikay sakin.

" ay hindi ko po alam, hindi po kasi ako chismosa" ako

" grabe ka naman, kaibigan mo si bangs diba? Hindi ka ba sinabihan? May parti daw bukas sa bahay nila, para daw makilala natin yung isa pang apo ni don rico" aling kiray, ay oo nga pala ang alam lang nila dumating na ang isa pang apo ni don rico pero hindi lahat ng taga rito nakakita na sakanya.

Ms. Erin Hanley (On Going) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ