Pahina 2

64 3 1
                                    

FINE HARMONY'S POV

2 years later.....

Nakapikit ako pero hindi ko magawang makatulog. Maraming mga bagay ang sumasaginsa isipan ko. Ang iba nun ay napapangiti ng maliit dahil iilan sa mga iyon ay masaya ngunit halos lahat ay hindi ko gusto, hindi tama, hindi nararapat na isipin ng isang tulad ko.

Rinig na rinig mula sa kinaroroonan ko ang hampas ng mga dahon at sanga dala ng malakas na hangin. Napayakap ako sa sarili habang nakasandal sa matigas na pader ang kalahati ng katawan ko. Pinagsiklop ko ang dalawang palad upang makaramdam ng kahit papaano ay init ngunit hindi iyon sapat.

Giniginaw ako. Nanginginig ang katawan at kalamnan ko sa ginaw ngunit hindi iyon dahil sa malakas na hangin sa labas. Dahil iyon sa lamig na nagmumula sa sementong sahig at pader.

Wala akong makitang kahit na ano sa lugar na ito kundi ang dilim. Dilim na ang naging karamay ko sa lahat, ang kadiliman ang naging sandalan ko kaya kahit papaano ay napapanatag ang loob ko.

Hindi na bago sa akin ang sitwasyon, siguro ay dahil sa paglipas ng ilang taon ay nasanay na ako. Sanay na ako sa apat na corner ng kwartong ito, kuwarto ito para sa akin pero sa tingin ko ay hindi sasang-ayon kung sino man makakakita nito. Sa iba, hindi ito kwarto, isa itong kulungan, isang kulungan nang hinagpis at pagkamuhi.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito,  Oras pa nga lang ba o araw na ang lumipas, wala akong ideya. Bumuntong-hininga ako at nagpasalamat na rin, madalas ay nagkakapasa ako bago ako makakapasok sa kwartong to pero ngayon ay hindi, walang pasa sa braso ko, kung meron man ay alam kong pamumula lamang ang naroon dahil sa pagkaladkad at mahigpit niyang hawak sakin papunta sa silid pero alam kong hindi iyon nag-iwan ng marka sa balat ko.

Ilang beses na niyang ginagawa ito pero ilang beses ko na ding nagawa ang hindi na magpumiglas pa dagil wala ding silbi ang bagay na yun.

Inihahanda ko na ang sarili kapag dumarating na ang buwan ng disyembre. Buwan na pinakaayaw ko sa lahat.

Maaaring sa iba ay buwan ito ng kasiyahan at pagdiriwang ngunit hindi ko na iyon naramdaman pa pagkatapos ng pangyayaring iyon. Naging buwan iyon ng pagdurusa at pasakit.

Ni katiting na luha ay walang tumulo, wala akong naramdaman na kahit ano. Hindi ako nakaramdam ng kahit na akong galit. Walang lungkot o di kaya ay panghihunayang.

I felt like I was just here. Moving but in no direction.

Siguro nga ay sanay na sanay na ako sa ganito.

Ngunit sadyang hindi nga siguro ako pinapaboran ng nasa taas. Tanggap ko na iyon kaya hindi na ako nasasaktan pa kapag hindi niya tinutupad ang kaisa-isang kahilingan ko.

It's funny how people around me were so happy ang busy for their lives. Ni hindi ko iyon magawa para sa sarili ko. Hindi ko magawang maging masaya para sa sarili. Hindi ko magawang kahit maging busy man lang at makalimutan ang lahat. Wala sa prebeliheyo ko ang maging alin sa dalawa...

Ang dilim na bumabalot sa silid ay napalitan ng nakakasilaw na liwanag mula sa malaking flashlight. Kahit nakapikit ay alam kong may tao sa pintuan at nakatutok sa banda ko ang flashlight.

Hindi na ako nagulat. Kapag oras ko ng lumabas ay pumupunta siya dito.

"Get up. May pupuntahan tayo."

Dumagundong sa apat na pader ng silid ang strikto at malalim na boses ng aking ama. Ang kanyang tinig ay kinatatakutan ng lahat ngunit wala akong naramdamang kahit na katiting na takot mula sa kanya. Hindi ako takot sa boses niya, takot ako sa kaya niyang magawa.

Kalmado kong idinilat ang mata at agad na tumambad ang pigura niya sa paningin ko. Matangkad ang ama ko ngunit hindi ko nakuha ang pisikal na aspetong iyon sa kanya, nagmana ako kay mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unwanted Wife ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon