Chapter 6 : Banda

20 12 0
                                    

    Habang kumakain kami ay panay tingin ng mga tao saakin.

   "Gabriel, may dumi ba ako sa muka o ano? Bakit tingin sila ng tingin saakin? May mali ba sa suot ko?" halos pabulong kong tanong rito.

   "Wala namang mali sayo, siguro ay nabighani lang ang mga yan sa kagandahanan mo at agaw pansin rin ang kaputian ng 'yong balat." natatawang ani nito saakin.

   May mga naririnig akong nagbubulong bulungan, hindi ko alam kung bulong pa ba ito ngunit sabi nila'y napaka haba raw ng aking buhok, napakaputi ko raw at napakaganda raw ng aking mga mata.

   "Gabriel ano ba ang kulay ng aking mga mata?" tanong ko rito at tumitig sa kanyang mga mata. Bigla namula ang mga tenga nito at umiwas ng tingin, nagtataka ko itong tiningnan at ipinagsawalang bahala ito

   "A-ano a-ang kulay ng mata mo ay color brown." nauutal utal nitong tugon.

   "At kitang kita ang pagkabrown ng mata mo kahit hindi naarawan." dagdag pa nito. Tumango ako rito at nagpatuloy na sa pagkain.

   Hindi ko napapansin ang kulay ng mga mata ko, tumitingin naman ako sa salamin ngunit tanging buhok ko lamang ang mas binibigay ko ng pansin. Uminom ako ng tubig at pinunasan ang aking labi dahil tapos na akong kumain.

   Nahuli kong nakatingin sa aking labi si Gabriel at napapalunok ito, nang makita nyang nahuli ko itong natitig sa'king labi ay agaran nitong tinuon ang tingin sa kanyang pagkain. Bakit laging namumula ang tenga ni Gabriel? May sakit ba sya?

   "Gabriel, bakit namumula ang mga tenga mo? May sakit kaba?" nagaalalang tanong ko rito dahil baka may sakit ito at hindi man lang sinasabi sa akin. Mas lalong namula ang tenga nito kaya't hinawakan ako ang kanyang tenga, bigla itong napalayo sa gulat at napaubo.

   "Pasensya na, ayos ka lang ba?" paghingi ko ng pasensya. Hinagod ko ang likod nito at pinainom ng tubig.

   "A-ayos lang ako, mainit lang talaga kaya namumula ang mga tenga ko." nauubo ubo nitong tugon saakin kaya patuloy kong hinahagod ang likod nito.

   Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami at binayaran na nya ang aming kinain, pinagbuksan nya uli ako ng pinto at lumisan na kami sa lugar na yun.

   "San mo gustong pumunta?" tanong saakin ni Gabriel.

   "Doon!" nakangiti kong turo doon sa mga nagtitinda ng mga tinutusok tusok na pagkain.

   "Good choice! Alam kong magugustuhan mo dyan." hinila ako nito papapunta sa lugar na yun.

   "Ano pala ang tawag dito?" turo ko sa puting bilog na niluluto.

   "Fishball ang tawag dyan"

  "E, ito?" turo ko sa kulay orange na pabilog rin.

   "Kwek-kwek at iyang kulay brown naman ay kikiam" pagliwanag nito saakin.

   "Kuya dalawang tig sampu pong fishball, kikiam tsaka po kwek-kwek." sabay abot ng bayad ni Gabriel sa mamang nagpiprito.

   "Anong tawag sa mga ganitong tindahan?" tanong ko kay Gabriel.

   "Lahat ng mga gantong nakikita mo, pati yun, mga stall ang tawag dun." pagpapaliwanag nya saakin.

   Habang hinihintay naming maluto ang binili ni Gabriel para saamin ay may nakita akong stall na may tindang parang ulap ngunit nakalagay ito sa lalagyan at mayroong kulay.

   "Anong tawag sa mga yun? Parang mga ulap, nakakain ba sila?" itinuro ko kay Gabriel ang stall na nakita ko. Tumingin si Gabriel sa stall na itinuro ko at natawa na lamang ito dahil sa sinabi ko.

Lost StarsWhere stories live. Discover now