Chapter 12 : Balabal

24 5 0
                                    

     "Sandali!" pagpapatigil ko kay Gabriel.

     "Akala ko ba ay ayos na kayo ng papa mo?" tanong ko rito, umiwas naman ito ng tingin saakin. Napa buntong hininga ito bago sinagot ang tanong ko.

     "Pasensya na Felise, hindi pa rin talaga saakin maalis ang mga nagawa saakin ni papa noon pero huwag kang mag alala, pagbubutihan kong mas maging maayos ang pakikitungo sakanya ngayon." tugon nito saakin, tumango naman ako at nginitian ito.

     "Mag libot libot na lang muna tayo rito?" tanong ko kay Gabriel, tumango naman ito at naglakad lakad na kami.

     Sa gitna ng paglalakad ay nadaanan ulit namin ang fountain, nakita namin ang mga batang may tinitirintas ang buhok at nililinisan ang sapatos, pagkatapos ay binigyan ng babae ng pera ang mga bata.
    
     Nakita ko ang saya sa mga mata nila kaya napapangiti na lamang ako. Nang makarating kami sa tapat nila ay sinabi kong mag papatirintas rin ako ng buhok.

     "Sige po ate, libre na lang po sayo!" nakangiting sabi ni emma kaya umupo na ako at sinimulan na nilang suklayin ang mahaba kong buhok.

     Nag paalam muna si Gabriel na may pupuntahan muna kaya hinayaan ko na muna ito. Habang tinitirintas ako ng mga bata ay panay tanong ng mga ito saakin.

     "Ate, wala ka pa talagang boyfriend?" tanong ni john saakin, umiling ako.

     "Hindi pa ako pwede magkaroon ng boyfriend at sinabi saakin ni mama na kung magkakaroon man raw ako ay iyong sigurado at pakakasalan ko na rin naman." tugon ko rito.

     "Hindi ba po, kapag boyfriend palang hindi pa naman asawa agad?" nagtatakang tanong emma. Napatawa na lamang ako dahil sa mga tanong nila.

     "Oo, iba lang rin talaga ang pananaw ni mama, siguro ay dahil ito sa papa ko."

     "Nasan po pala ang papa nyo ate?" tanong ni Jaydie.

    "Matagal ng pumanaw ang papa ko." nakangiti kong tugon rito.

     "Siguro po ay binabantayan ka po niya ngayon." saad ni Emma.

     "Siguro nga." nakangiti kong tugon habang mahinang tinatapik tapik ang kanyang ulo.

   
      Hindi ko namamalayang tapos na palang itirintas ng mga bata ang aking buhok. Binigay nila saakin ang salamin at tiningnan ko ang aking buhok.

     "Ang ganda naman neto, maraming salamat sainyo." saad ko sa mga ito.

     "Walang anuman po ate." sabay sabay na tugon nito saakin, kaya napatawa ako ng mahina.

     "Ate, bakit hindi na lang po kayo ni Kuya Gabrie?" tanong ni Jaydie, bigla akong nabilaukan sa sarili kong laway.

     "Ano ba kayo, kaibigan ko lang ang Kuya Gabriel nyo walang namamagitan saamin dalawa, maliwanag ba yun?" paniniguradong tanong ko sakanila, tumango naman ang mga ito at iyon rin ang saktong pag dating ni Gabriel.

    May mga bitbit itong paper bag na sa tingin ko ay may laman na mga pagkain.

     "Doon tayo." turo nya sa isang tambayan na may lamesa at upuan, hindi naman roon mainit kaya sumang ayon ako rito

     Kaagad namang tumungo ang mga bata sa pwestong sinabi ni Gabriel kaya sumunod kami sa mga ito. Kaagad na pinatong ni Gabriel ang mga pagkain, saktong lima ang upuan na naririto. Inilabas rin nya ang paper plate, kustara at tinidor sa isa pang paper bag. Kaagad na kumuha ang mga bata kaya'y hinayaan muna namin itong kumain.

     "Hindi ka pa ba kakain Felise?" tanong nito saakin, umiling naman ako.

     "Mamaya na, hayaan muna natin sila." nakangiti kong tugon rito.

Lost StarsWhere stories live. Discover now