Chapter 1

2 0 0
                                    

Formula: A (ako) + B (new boy) = 2C (Catastrophic Consequences)

Olivia's POV:
Hay buhay. Tapos na ang mga maliligayang araw. May pasok na ulit ngayon. Di ko pa nga natatapos yung book 2 ng series na binabasa ko sa Wattpad tapos pasukan na nga ulit? Wala bang pa summer break extension diyan si mayor? Final na?

"Liv!! Akala ko absent ka today!! Buti pumasok ka!!" sigaw ni Maya na unang bumungad sa akin pagkatungtong ko sa 3rd floor kung saan ang classroom namin.

"Wala eh, no choice ako alam mo naman. Pinapapasok ni Mother. Hays." Bakas sa boses ko 'yung pagod na nararamdaman ko ngayon. Sino ba naman ang hindi mapapagod kung 3 hours lang ang tulog mo tapos 3rd floor pa yung classroom mo diba? I mean kasalanan ko naman yung first part pero what if subukan nila mag-adjust diba? Like kahit pa escalator lang gan'on. Deserve naman namin eh.

"Alam mo ba, nakahagilap ako ng balita! May-" Excited na simula ni Maya habang naglalakad kami papuntang classroom.

"Balita ka dyan, ang sabihin mo, nakahagilap ka ng chismis!" pagputol ko sa sinasabi niya

"Don't act like you don't want to hear it! Chismosa ka rin naman like me!" Wow, nag best in English lang si ante last year, nag English na parang Amerikano. Taray ah, parang kailan lang di alam yung pinagkaiba ng Your at You're.

"Ay so inaamin mo na Chismosa ka rin?" Nakangisi kong sagot sakanya. Ok mukhang nagising ko ang dragon. Hehe.

"Ay sige edi don't, bahala ka diyan." Oo, napikon na talaga siya.

"Wag ka na magtampo diyan, sige na, ikuwento mo na." Siyempre kase sayang naman yung fresh chismis. Oo na, inaamin ko na, isa akong chismosa.

"So heto na nga, may transferee raw tayo na galing ng ibang bansa! Ang sabi nila, he spent his childhood dito sa Philippines then he had to move to the Netherlands for a while. Last year lang siya bumalik kaya ngayon lang nakapag enroll." Buti pa sa chismis nakikinig siya. Pag nasa klase kasi, tulalang nakatingin sa labas ng bintana at naghahanap ng shoti. Pustahan tayo pinakinggan niya yung chismis na ito kasi naghahanap siya ng puwedeng jowain.

Pagkaupo namin, ilang minuto lang ang dumaan at nagsimula na ang klase. Siyempre dahil first day may pa introduce yourself.

"Hi I'm Olivia, nasa edad na puwede na magdrive, at gusto ko na pong umuwi. Eme lang, pero madalas hindi rin." sinabi ko nung ako na. Natawa naman sila kahit papano kahit medyo annoyed si Miss. Sorry na

"Hi, my name is Edmund Lawrence Scott, I'm 16, and I love mathematics." Sinabi ng isang slightly matangkad at maputing lalaki. Ito siguro 'yung sinasabi ni Maya na transferee. In fairness may itsura, pero mukhang snob.

"Ang guwapo shocks" narinig kong bulong ng katabi ko sa sarili niya. Lahat ng girls sa klase parang ewan simula noong magpakilala siya. Sorry Mr. Scott, hindi mo ako magagayuma.

~~~

"AYOKO NA MAG MATH!!!" halos pasigaw kong sinabi. Pinagtinginan ako ng mga tao sa sheds. Ah ehe sorry po. Stress lang po talaga sa buhay, lalo na sa math.

"You're not trying hard enough. Are you even using your brain at this point? It's so easy, even my 10 year old self could solve it." a cold voice came from above me. It was mr. I love mathematics. Sorry na kase, kasalanan ko ba kung ito lang yung kapasidad ng utak ko? Kasalanan ko ba kung pagod na akong umintindi sa problema ng math? 'Yung math ang may problema, bakit ako ang gumagawa ng solusyon sa problema niya? My gosh.

Kinuha niya ang lapis ko at nagsimulang sumulat ng solutions sa blankong piraso ng pad paper ko. Nasolve niya in under 30 seconds. Pero hindi mababago ng tulong niya yung insulto niya sa akin kanina. What gives? Tinatry ko naman yung best ko ah. Wala siyang karapatan na husgahan at insultuhin ako ng ganon.

"Thank you pero I don't appreciate you insulting me. Hindi lahat kasing talino at galing mo sa math. And that doesn't give you the right to insult people and belittle them. Anong tingin mo? You're above me kase kaya mong isolve yan? Ang yabang lang ng approach mo." sabi ko habang sinisimulan ko nang ipack ang gamit ko.

"Walang taste 'yung karamihan ng girls sa section natin, ikaw 'yung crush nila eh." Sinabi ko at naglakad palayo. Kung saan ako papunta, hindi ko alam. Basta malayo mula sa kanya at sa attitude niya.

Mathematics of LoveWhere stories live. Discover now