Chapter 2

1 0 0
                                    

Formula: LP (Libreng pagkain) + S (suyo) = F (Friendship)

"Guys ayusin niyo na please, pasahan na nito sa Friday tapos wala pa tayong nafifilm." sigaw ni Alisha sa amin. Maayos naman yung acting ko, yung groupmates ko lang yung hindi. Hindi rin nakakatulong na kasama sa group namin si Scott. Ever since the "sheds" incident, iniiwasan ko siya. Kay sarap talaga mangtrip ng tadhana.

Hindi rin nakakatulong na gutom ako ngayon. Sumasakit na yung ulo at tyan ko actually. Sobrang dming beses ko nang sinabi sa sarili ko na never again akong papasok nang hindi kumakain ng breakfast and yet ang kulit ko, ginagawa ko pa rin.

"Ali, tapos na rin naman yung scenes ko, bili lang ako saglit, gutom na talaga ako." sabi ko sa kanya kalapit ko. Pumayag naman siya at pumunta na ako ng canteen, specifically sa nagbebenta ng fries doon. Magbabayad na sana ako para sa 35 pesos kong fries na asin lang ang flavor, pero hindi ko nakapa ang wallet ko sa bulsa ko. Ok. Sige. Ganyanan pala eh.

"Ate wag nalang, naiwan pala sa room yung-"

"Ate, here's the payment for her fries. Keep the change na po."

Biglang may sumulpot sa likod ko. Si Scott. May hawak na 50 pesos. Binayaran ang fries ko. Nag keep the change pa kay ate.

"Bayaran na lang kita karating sa room."  sabi ko sa kanya pagkatanggap ko ng fries ko.

"Don't. It's just 50 pesos. It won't hurt my wallet." sabi niya. Medyo cold pa rin ang tono. Pero mas cold pa rin nung sinabihan akong 'are you even using your brain at this point?'

"Thank you" Sinabi ko at saka naglakad palayo ng mabilis. Habang kinakain 'yung fries ko of course. Siyempre, bakit ako tatanggi sa libre. Mas angat yung gutom ko kaysa sa pride ko as of now.

~~~

Pagkauwi ko, nagbukas ako ng fb para mag rant nanaman sa dump ko. Ang stressful today eh. Bagsak ako sa quiz ko today sa Science tapos may assignment nanaman sa Math and may bagong peta nanaman. Ayos naman lods.

Magswiswitch na sana ako ng account nang mahagip ng mga mata ko na may notif ako sa friends icon. At nung pinindot ko, may friend request ako. Galing kay Scott. Nagdududa ako kung iaaccept ko ba pero sige, nanlibre rin naman ng fries eh. Pati baka matulungan ako sa assignment ko sa math.

Edmund Lawrence: Hi

NAGCHAT. Teka bat ako kinakabahan? Sis lalaki lang yan. Why freak out? Ok, breathe in, breathe out.

Olivia Louise: Yes? Ano yon?

Anong klaseng first chat naman yan Liv. And what if mangangamusta lang siya? What if wala naman pala siyang kailangan?

Edmund Lawrence: I just wanted to formally apologize for insulting you last week. I acknowledge that I hurt your feelings.

Edmund Lawrence Scott, natagpuang nagsosorry sa akin. What a sight to see. Nabingi ata yung mata ko wait lang.

Olivia Louise: Huy ok lang 'yun, forgiven kana ok lang talagaaa

Edmund Lawrence: Sure?

Olivia Louise: Mas sure pa sa possibility na papasa ako sa Math tbh

Edmund Lawrence: I'll tutor you. It's the least I could do for indirectly calling you stupid.

Olivia Louise: Huy wag na, wala rin akong pambayad

Edmund Lawrence: I'll tutor you for free.

TEKA. FOR FREE? Ay sabagay, nagbayad nga naman ng 50 pesos para sa 35 pesos na fries tas sinabi niyang keep the change kay ate.

Olivia Louise: Sure ka ba doon?

Edmund Lawrence: Sure as the sun will rise.

Grabeng sureness naman yan. As sure as the sun will rise kuno. Nahiya yung "mas sure pa sa possibility na papasa ako sa math" ko. Sanaol nalang.

Olivia Louise: Well then, sige, thanks ulit. Sa school nalang naten pagusapan anong sched natin. Oras na rin. Kailangan na nating matulog.

Edmund Lawrence: Good night, Olivia.

May something sa pagchat niya ng pangalan ko. Ang weird. Hindi naman kase siya yung katulad ng pagchat ni Maya sa name ko. This feels different.

Olivia Louise: Good night, Lawrence.

First time kong tawagin ng hindi ginagamit apilyedo niya. Mag celebrate dapat tayo, hindi na mainit ang dugo ko sa nagiisang mathematical genius ng section namin. Yay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mathematics of LoveWhere stories live. Discover now