Chapter 01: Let it go~

15 1 0
                                    


Raya's POV

"Let it go~
Let it go~
Can't hold you back anymore~
Let it go ~
Let it g---"

"Raya pwede ba yung alarm mo ang ingay! Lagi na lang akong nagigising kahit hindi naman dapat! Blah blah blah!" And here comes my very handsome, hot drop-dead freakin gorgeous lalabs.

Nakapasok na nga siya sa kwarto ko ng walang kahirap-hirap, ba't ko naman siya pahihirapang rape-in ako diba?

"Ang sarap sarap talaga ng alarm clock ko, lika nga lapit ka palaplap lang isa." Sabi ko pa at bumangon na sa pagkakahiga at ibinuka ang aking mga kamay na parang nagiimbitang yakapin niya ako.

Kitang kita sa Mukha niya ang pagkadisgusto sa ginagawa ko. HAHAHAHAHAHA ang cute niya talagang mandiri.

Lumapit siya sa'kin at akala ko ay gagawin niya ang pinapagawa ko kaso binatukan niya lang ako at dinutdot-dutdot ako sa noo.

"Tigil-tigilan mo ako sa kaharutan mo at baka masapak kita ng wala sa oras, pagod ako at gusto kong magpahinga ng matiwasay kaya kung pwedeng next time, huwag ka ng mag speaker para lang sa alarm mo!" Sigaw niya sa harap ko. Nako patay ang aga-aga ang init ng ulo ng mahal ko.

Niyakap ko sya sa bewang at isinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib, ang bango talaga! "Sige gagawin ko na po pero palaplap muna." Sabi ko at tumingkayad upang malapit Ang aking labi sa kanya kaso nilamutak niya lang yung buong mukha ko hanggang sa mabalik ako sa pagkakahiga sa kama.

"SABI NANG TIGILAN MO KO SA KAHARUTAN MO!!" sigaw niya at dinuldol pa ang ulo ko sa kama.
Feeling ko nga konting-konti na lang nasa ilalim na ng kama yung ulo ko eh pero ayos lang as long as yung kamay naman niya yung gagawa nun, hehe.

Nang feeling ko ay napapatidan na ko ng hininga'y nilabas ko na ang dila ko para malasap ko ang kanyang palad hanggang sa huling sandali ng aking buhay. Kahit man lang lasa na lang ng palad niya matikman ko ay ok na, ayaw niya palaplap eh ano magagawa ko.

Nang maramdaman niyang dinidilaan ko yung kamay niya'y mabilis niya itong inalis sa mukha ko at nandidiring tinignan ito. Wala pang isang minuto pinahid niya yun sa muka ko. Iww, so gross but so good at the same time HAHAHAHAHA.

"Napaka baboy mo talagang babae ka!" Sigaw niya habang ginagawan ako ng karumaldumal na kremen.

"Masarap naman ako baby, kahit tikman mo pa ko" pagkasabi ko nun ay limayo siya sakin habang sumisigaw pa rin ng kung ano ano at lumabas na ng kwarto namin ni Lilac. Hehe kahit kelan talaga asar talo ang irog ko.

"Ano na naman ginawa mo kay kuya ha? Nagsasalita na naman mag-isa yun papasok sa kwarto niya." Sabi ni Lilac habang dumudungaw sa pintuan at halatang bagong ligo. San na naman kaya gala netong babaetang toh?

"Nagrerequest lang ako ng laplap, nagagalet na agad. Sarap sarap ko eh." Pagmamalaki ko pa. Natawa naman siya at tuluyan ng pumasok sa kwarto namin at umupo sa tabi ko. Sa kama.

"San pala lakad mo at bihis ka?" Ani ko

"Ay ba't nakabold ba ko pagnandito lang sa bahay?" Tanong niya. Napaka pilosopo talaga kala mo naman mananalo sa'kin.

"Hindi mukha ka kasing nanay ng sampu pagnandito lang sa bahay eh." There you go, HAHAHAHAHAAH. Binatukan niya ko bigla. Aray ha, mapanakit tong magkapatid.

" Sinong may sabing may karapatan kang manakit sa'kin? Si baby Ruiz my labs so sweet ko lang ang pwedeng manakit, sumakal, at pumatay sa'kin sa sarap ugh~" sabi ko with tirik pa ng mata.

"Iww so gross! Kailan mo ba titigilan si kuya kaka ganyan mo ha?! Nag iinit lagi yung ulo ng tao sayo." Huramintado niya, napabuntong hininga ako at napahiga ulit.

My Mother God-daughter Where stories live. Discover now