Chapter 7 (They meet)

40 7 0
                                    

Napatagilid ako nang higa dahil hindi ako makatulog. Dahil sa inis ay napabangon ako

“Nakakainis argh!” sigaw ko at itinakip ang unan sa mukha ko. Inabot ko naman ang cellphone ko at tinignan ang oras

“2:am pa lang?!” napahiga ako ulit at tinitigan ang lock screen ng cellphone ko hanggang sa biglang mag text si mizuki.

‘Maine, hindi ako makatulog’ text nito, nag reply naman ako pabalik

‘Same’ text ko rin

‘P’wede ba puntahan mo ako rito? Sa palagi nating pinupuntahan kapag hindi tayo makatulog’ text nito pabalik. Napatingin naman ako sa kumot na nakasampay sa electric fan.

‘Sige, pupuntahan na kita’ text ko bago kinuha ang mahabang kumot at binalot sa katawan ko. Maingat ang naging hakbang ko para hindi magising si Andrew, Khairo at Andrey.

“Saan ka pupunta?” napahinto ako sa paglalakad nang magsalita si Andrew, isinindi ko ang nakapatay na ilaw at nakita ko itong nagkakape sa sala.

“Pupuntahan ko si mizuki” sagot ko

“Madilim sa labas, ipagpabukas mo na lang” sabi nito

“Huwag mo akong pakialam sa dapat kong gawin!” pagtataas ko ng boses at lumapit sa pinto at binuksan ito. Niyakap ko ang sarili ko nang makalabas ako, napakadilim ng paligid at napakalamig ng hangin. Natulos ako sa kinatatayuan ko nang may biglang naglagay ng sumbrero sa ulo ko.

“Saan ka ba pupunta? Sasamahan na kita, mapano ka pa d’yan sa daan” sabi nito bago ako inakbayan.

“Malapit lang, sa ilalim ng puno ng ipil sa taas ng burol” sagot ko

“Tara na” aya nito bago kami nag-umpisang maglakad.

Nang makarating kami sa tuktok ng burol, nandito na si mizuki at nakatanaw sa malayo.

“Zuki!” sigaw ko bago lumapit sa kan’ya, tumayo naman ito sa pagkakaupo bago ako niyakap.

“Andrew, si mizuki best friend ko” pakilala ko sa kan’ya. Para naman itong naistatwa habang nakatingin kay mizuki at si mizuki naman ay walang reaksyon na nakatingin kay Andrew.

“Hello” bati ni mizuki pero nanatili lang na nakatitig sa kan’ya si Andrew. Iwinagayway ko ang kamay ko sa harapan nito para ibalik s’ya sa katinuan at natauhan nga ito bago sumagot

“H-hi” nauutal nitong sabi, bakit nauutal? Nilalamig lang siguro s’ya. Naupo na lang kami ni mizuki sa ilalim ng ipil bago kami nag kwentuhan.

“May nararamdaman ka ba?” tanong ko.

“Sinusundan parin n’ya ako” takot na takot na sagot ni mizuki bago yumakap saakin.

“May alam akong manggagamot” sabi ni Andrew na sumulpot sa tabi namin.

“Anong kinalaman nito sa sitwasyon ni mizuki?” tanong ko

“Hinahabol s’ya ng mga elemento diba?” balik tanong nito kaya tumango ako..

“Ipatingin na lang natin s’ya, tara na” sabi ni Andrew na alalang-alala kay mizuki. Nang makauwi kami sa bahay ay kinuha lang ni Andrew ang susi ng sasakyan at pinaandar na papunta sa kung saan.

“Sa albularyo ba tayo pupunta?” tanong ko habang nasa byahe kami

“Oo” sagot ni Andrew.

Nang makarating kami sa isang magubat na lugar may nakita kami ritong bahay, lumiliwanag narin ang paligid dahil pasikat na ang araw.

“Tao po” sabi ni Andrew nang nasa pintuan na kami. Nang bumukas ang pinto ay bumungad saamin ang isang matanda na may panyo sa ulo.

Mang kepweng?

“Ano ang sadya n’yo?” tanong nito

“May ipapatingin lang po kami” sabi nito, binuksan naman ng matanda ang pinto kaya kaagad kaming pumasok, puro mga dahon at langis na nasa bote ang nasa bahay nito.

“Sino ang pasyente?” tanong nito

“Ito po” sagot ni Andrew bago hinila si mizuki papalapit kag Andrew.

“Upo ka hija” sabi nito, kaagad namang sumunod si mizuki. Kumuha ng mga ugat-ugat ang matanda at isang planggana ng tubig. Hinawakan nito ang kamay ni mizuki bago pumikit.

“May isang taong sinusundan ka hanggang ngayon, s’ya ang pinuno ng kadiliman at ikaw ang magiging daan para makuha nito ang gusto n’ya” sabi ng matanda, nanatili parin itong nakapikit at nakahawak sa kamay ni mizuki.

“Maraming elemento ang gustong kumuha sa‘yo para dalhin ka sa kanilang pinuno” sabi pa ulit nito, napatingin naman saakin si mizuki at nginitian ko lang ito para sabihin na magiging maayos ang lahat.

“Hija, ikaw ay mag-iingat” sabi nito at may kinuhang tubig na nakalagay sa kawayan at ipinainom ito sa kan’ya

“Maaari kitang ipabantay sa anak ko hija, lalo na at isa rin s’yang manggagamot. Magkamukha nga kayo ng anak ko Andrew. Nagpaalam ito kagabi na gagala lang sa labas at hindi na nakabalik. Ewan ko ba sa batang ‘yun” sabi ng matanda

“Tinutukoy n’yo po ba si Andrey?” tanong ko, napatingin naman ito saakin bago nagsalita

“Paano mo nalaman ang pangalan n’ya?” tanong ng matanda

“Nasabahay po kase s’ya ni Andrew, pinatuloy namin kagabi. Anak n’yo po ba talaga di Andrey?” tanong ko

“Hindi hija, ampon lamang si Andrey pero tinuring ko s’yang parang tunay kong anak” sabi nito bago ngumiti

“Mizuki tama ba? Mag-iingat ka palagi. Ipapasama kita sa aking anak-anakan bago sumapit ang kaarawan mo” sabi nito

“Malapit na po ako mag eighteen, pero ano po bang mayroon?” tanong ni mizuki

“Ikaw ang magiging daan para makuha nito ang gusto n’ya” sabi nito at napatingin saakin bago ito lumapit.

“Sharmaine, ikaw ang gusto n’yang kunin at si mizuki lamang ang magiging daan para makuha ka” sabi nito

“Sino po ba ang tinutukoy mo?” tanong ko

“Sa kabilugan ng buwan s’ya ay nagbabago ng anyo, sa umaga ay iba at sa gabi ay iba rin. Nakasunod ito palagi at lagi kang pinagmamasdan” sabi nito bago naglakad paalis sa harapan ko.

“Mapanglansi ang panlabas na anyo, huwag kayong papalinlang” sabi nito.

Nang makalabas kami sa bahay ng manggagamot ay tinignan ko si mizuki na mukhang nilalamig, hinubad naman ni Andrew ang jacket nito at ipinasuot kay mizuki kaya nagulat din ang kaibigan ko sa ginawa ni Andrew at maging ako ay nagulat din.

“Tara na” aya nito bago sumakay sa kotse, magkatabi na kami ngayon ni Mizuki sa back seat kaya biglang nagsalita si Andrew

“Ayaw mo na bang tumabi saakin sharmaine?” tanong nito. Pero hindi ko s’ya pinansin

“Gusto mo bang manatili muna sa bahay ni Andrew? Doon ako ngayon nakatira dahil pinakuha n’ya ako sa kaibigan n’ya para raw maging assistant sa pagiging exorcist nito” paliwanag ko

“P’wede d’yan na muna ako? Wala kaseng pakialam sila mommy at daddy saakin kahit naririnig nila akong sumisigaw sa kwarto ko dahil may mga elemento na lumalapit saakin, at sila abala lang sa pagtratrabaho” pagkukwento nito. Napatingin naman ako kay Andrew na nagmamaneho

“Andrew, p’wede ba manatili muna si Mizuki sa bahay mo? Kahit pansamantala lang?” tanong ko

“Bakit pa kailangan pansamantala? Kung p’wede narin naman itong tumira sa bahay ko ng pang matagalan” sagot nito. Ang weird nang kinikilos n’ya simula pa kanina.

I Will Always Find You (Season 1)Where stories live. Discover now