CHAPTER 39

30 4 0
                                    

MUKHA BA akong hindi marunong magbayad ng utang?

Kung makapaningil kasi itong damuhong William na 'to akala mo naman tatakasan e isang garapong stick-o lang naman ang utang ko.

Oo damuho na rin siya sa paningin ko.

"When do you want to pay me for my Stick-o?" diba? Tapos kung makapagsalita at kung panlakihan ako ng mata akala mo milyones na utang ko.

Hindi ko tuloy matapos-tapos ang kinakain ko dahil sa panggugulo niya at pati na rin sa mga matang---asusual, pinapanood nanaman kami.

Singilin ko kaya sila ng bayad sa panonood samin tapos iyon ibayad ko dito sa kumag na 'to.

Huminga ako ng malalim atsaka siya tamad na hinarap.

"Pwede ba? Patapusin mo muna kong kumain?" nagtitimping sabi ko, pero lintik na damuho nga naman, pinatapos lang talaga akong kumain tapos bumalik nanaman sa pangbu-bwisit sa akin ng papalabas na kami ng Canteen.

"Jowey! Ano ba kasing nangyayari bakit ba kasi sayo napunta yung stick-o niya?" tanong ni Sabina na ikinanguso ko na lang.

"Inalok niya kasi ako kanina, kala ko naman bigay." natawa naman siya sa sinabi ko.

"Paborito ni William ang stick-o kaya never yan magbibigay, pero for real? Inalok ka niya? Bakit okay na ba kayong dalawa?" natawa naman ako sa sinabi niya.

"kami? Magiging okay? Mangyayari lang yun kapag nasapian ng anghel yang dimonyito na yan---"

"What did you say? Ako? Dimonyito?" singit niya at nagawa niyang pang harangan ang dinadaanan namin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at balak na sanang umiba ng way pero ang hinayupak, humarang lang ulit.

Para na tuloy kaming nagpapatintero dahil sa pagharang niya.

"Ano ba! Umalis ka nga d'yan, ang laki mong harang." singhal ko na ikinangisi niya lang.

"What if I don't want huh!? Pay me first transferee."

"Mukha ba kitang tatakasan ha?" naiirita ng wika ko. Pati tuloy si Sabina ay napalayo na lang ng kaunti sa amin dahil sa kabaliwan ng lalaking ito.

Sa bawat iba ko ng way ay sumusunod lang siya at halata pang nagugustuhan niya ang ginagawang pang-aasar sa akin.

Hanggang sa pag-akyat papunta sa main building ay hindi talaga ako tinantanan ng damuhong 'to, napansin ko na nga lang na nasa gitna na kami ng ground field.

Iniisip na siguro tuloy ng mga napapatingin sa amin ay para na kaming nag haharutan.

"I want the same flavor. Kapag hindi mo binigay sa akin hanggang bukas makakatikim ka sa'kin---"

"at makakatikim ka din sa'kin ngayon palang kapag hindi kapa umalis sa paningin ko." singhal ko sa kanya,

"As if naman kaya mo?" panghahamon na sabi pa nito habang nakangisi.

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din siya sa harap ko.

Napangisi ako. Akala siguro ng kumag na 'to hindi ko magagawa ang sinabi ko.

"What? You're going to hit me?" tanong niya sa pagitan ng mga ngisi niya.

"Oo!..." sagot ko at tinaas ang kamay ko para sana hampasin siya, pero nagulat ako ng may humawak sa nakataas kong kamay at walang sabi-sabing niyakap ako dahilan para manlaki ang mga mata ko at makarinig ako ng pagsinghap sa paligid.

"Oh my god!..."

"They are hugging..."

"bakit niya niyakapsi transferee?"

The Chosen Bride-(On-Going)Where stories live. Discover now