Part 37

119 6 0
                                    


⊚⊚⊚

Zariah's P.O.V

Napailing na lamang si Knox habang nakangiti nang awtomatikong mapasimangot ako kahit kagigising ko lang kinabukasan. Hindi maganda ang gising ko, lalo na at naiisip kong babalik na kami mamayang gabi. My whole itinerary was ruined because of that damn call yesterday.

"Morning, peanut," ngingiti-ngiting sabi niya na nilapitan ako bago yumuko para halikan ako sa labi.

Shit. He smelled so fresh and nice kahit umagang-umaga. Gusto ko pa sanang amuyin ang buhok niya pero mabuti na lang at nakapagpigil ako. Pakiramdam ko nga eh, nawala bigla ang inis ko dahil sa ginawa niya.

"Peanut ka diyan!" pigil ang sariling mapakilig na binato pa siya ng unan pero swerte niya't nasalo niya.

"Anong gusto mo? Babe? Baby? Ang cliché na kaya ng mga 'yon."

"Don't call me any weird nicknames! May pangalan ako!"

"Ayoko. Baby na lang."

"Baby? Eww."

Simula bukas ay hindi na kasing sigla ang gising ko sa umaga. Hindi ko na makikita ang napaka-pogi niyang mukha sa tuwing magmumulat ako ng mata. Siya lang naman kase ang rason kung bakit ayoko pang umuwi. Hindi na kami matutulog sa iisang kwarto.

Ahh~ Gustong-gusto ko pa siyang makasama ng ilang araw.

Bago siya lumabas ng kwarto ay napansin kong ngumiti siya nang buksan niya ang sliding door malapit sa akin sa may terrace kung saan tanaw na tanaw ang malawak na dagat.

Kung noong una ay hindi ko naa-appreciate iyon, ngayon ay iba na. Napabuntong-hininga ako. It was too soon to end this opportunity to spend time with him alone.

Hindi ako sigurado kung ano ang mangyayari kapag nakabalik na kami ng sanitarium. I'm not sure if his treatment of me as my suitor would remain the same when we return.

Should I just tell Kuya about how he feel about me? Hindi ko alam kung kailangan kong sabihin o mas mabuti kung i-sekreto ko na lang muna. But I think, that doesn't seem a big deal to them. Alam naman na nilang gusto ko si Knox dati pa. Saka wala namang masama dahil nanliligaw pa lang naman siya sa 'kin.

Honestly, I was grateful to Knox. Siya ang naging inspirasyon ko para ipagpatuloy ang treatment ko rito sa sanitarium. Dati kase ay ayaw kong maging in-patient. Ayokong manatili rito but everything changed when we first met. Though, nung una napakalamig ng pakikitungo niya, pero hindi iyon ang pumigil sa akin na magustuhan siya.  It's just that it took me years to wait for him to like me back. Ang mahalaga naman na ngayon, may nararamdaman na kami sa isa't isa.

For me, he is a walking flag of Maldives. Akala ko dati, red flag lang siya pero sa loob loob, may green pala. That would be enough reason for them to accept him as my boyfriend once our relationship becomes official. Pero kahit siya pa ang pinaka-red sa mga red-flags tulad ng Morocco, magiging color blind ako.

As a matter-of-fact, our feelings are already mutual pero hindi ko pa siya sinasagot. In short, hindi pa 'kami' pero .. kung ituring namin ang isa't isa, parang kami na rin. Hihi. Ang gulo. Basta. Saka ko na siya sasagutin kapag nagsawa na ako sa mga panliligaw niya. Just go with the flow until I find the right moment to answer him.

Wala pang isang linggo mula no'ng umamin siyang may nararamdaman siya sa akin, so, I want to develop our feelings for each other by spending more time with him while we're not yet together.

I want to take things slowly between us. I guess.

"Coffee or milk?" tanong niya sa akin pagbalik niya. May dala siyang dalawang baso at kapansin-pansing mainit pa 'yon dahil umuusok pa.

DIREFUL SANITARIUM - [ON-GOING]Where stories live. Discover now