Part 41

114 4 0
                                    


THANK YOU FOR READING! yomean_ ♡ ⁠~(⁠´⁠ε⁠`⁠ ⁠)

⊚⊚⊚

Hunter's P.O.V

After looking for him for half an hour for nothing, naisipan kong pumunta sa CCTV control room at doon ko nga nakita na sa opisina ni Doc Xerxes siya pumunta.

Agad ko siyang tinawagan sa mismong opisina niya at do'n ko nga na-kompirma na naroon talaga si Raven. Sinabi niyang natutulog daw ito at ayaw niyang pa-istorbo. I asked her if he was doing fine pero tiyak naman daw niyang wala siyang problema. Ibig sabihin, hindi sila nagkausap o ano? I'm anticipating that they will discuss what he just learned about Zariah since I believe that was the motivation behind him visiting her office. Kung hindi siya nandoon para magpa-counseling, then what's he doing in there? Just sleeping? Hindi ba siya nakatulog nung makatabi niya ako?

Whatever the reason is, I won't mind.

Hayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin dahil pinangako ko naman sa sarili kong hindi ko siya iistorbohin ngayong araw. Huwag lang siyang mangangahas na gagawa ng hindi ko magugustuhan, dahil sisiguruhin kong buong buhay kong iistorbohin ang naninikip pa niyang kaloob-looban.

Kagagaling ko lang sa isang pasyente ko at papuntang nurse station nang mapansin kong nasa hallway si Knox at halatang masaya. He was holding a piece of paper, and I can hear him humming a tune while reading him.

Maganda yata ang gising ng isang 'to. Kanina lang, para siyang kabadong anak na naghihintay sa sermon ng mga magulang dahil sa mababang grado. Ngayon 'ata'y naka-A plus lahat. Hindi kaya dahil hindi nagalit si Detective Treacher sa kaniya nung malaman niyang natulog sila ni Zariah kagabi sa iisang kama?

Aware naman na 'ko na may gusto si Zariah sa kaniya and she's too persistent of making a move to him if she had the chance. Kung maaari, kailangan ko pa silang i-set up para hindi makaangal si Knox sa kaniya dahil kilala ko naman na ang assistant ko. Inis na inis si Knox dahil sa walang lubay na pagpapapansin ni Zariah sa kaniya. Pero ba't parang naging baliktad ang inaasahan kong magiging reaksyon sana niya? He ought to be irritated or upset in some way. Inaasahan kong isusumbong rin niya agad sa akin ang babaeng matagal niyang hindi binibigyan ng atensyon nung time na magpunta siya sa kwarto niya bigla-bigla habang umiiyak.

But what happened was the opposite. Masaya siya ngayon dahil hindi namin siya pinagbawalan na i-comfort si Zariah kahit pa matulog sila nang magkasama sa iisang kwarto nang sila lang dalawa.

Is he just happy because of that o baka naman may nangyari na hindi ako aware habang nasa Maldives sila? I'm thinking too much. Makausap na nga lang ang loko.

Sigurado akong kahit lapitan ko siya ay hindi niya ako mapapansin dahil parang nasa ibang dimension ang utak niya. Mukhang binabasa niya ang papel pero ang totoo ay binubuklat buklat lang naman talaga niya iyon.

"Masyado ka nang masaya, ah. Dapat na yata kitang bigyan ng problema," saad ko nang makalapit ako at mahina siyang siniko sa likod niya kaya parang bula ring nawala ang ngiti sa labi niya.

"I'm not happy, Doc. I'm just smiling."

"It's the same thing. When you're smiling, it means you're happy," sabi ko na nagpatuloy na sa paglalakad pero hindi ko inaasahang susundan niya ako.

"No, Doc. Do you not know that a new study shows that that is not always the case. Smiling doesn't necessarily indicate that we are happy."

Aba. May gano'n gano'n na rin pala siyang nalalaman. "Then, bakit ka nakangiti?"

DIREFUL SANITARIUM - [ON-GOING]Where stories live. Discover now