Chapter 5

1.1K 32 12
                                    

TRISTAN POV

AFTER HEARING ALL MY COUSINS explanation, nangamba ako na maulit pa 'yon.  Hindi pa ako gano'n na nakalimot sa nangyaring ambush sa pamilya ni Annie tapos sumunod sila.

Nakatingin lamang ako sa kanya habang ginagamot ang mga pasa niya.

Umiinit ang ulo habang pinagmamasdan siya, I was in hell. Paika-ika na naglakad si Ashley habang iniinda ang sakit ng paa.

Nilapitan ko siya at inalalayan. Tumama raw sa kotse ang paa niya kanina. Inilagay ko ang braso niya sa balikat o at inalalayan siya papasok sa kwarto.

"Matulog ka na,"

"Salamat, Tan," aniya.

Dahan-dahan siyang umupo at malalim na huminga.

"Kilala mo ang nakabangga niyo kanina diba?"

Napatingin siya sa akin. "Si Ice pick,"

Kilala ko ang tinutukoy niya, pero ilang taon ding nanahimik si Ice pick, bakit ngayon nandito siya?

"Ilang taon din siyang nanahimik, kaya siya nagbalik ay maaaring para maghiganti sa La Costa Navis. Alam natin na may kinalaman ang La Costa Navis sa pagbagsak ng organization nila. Kaya siguro bumalik siya para maghiganti," dugtong niya.

"May sinabi pa ba siya?"

"Wala na… maliban lamang sa, mali ang impormasyon na sinabi ng tiktik," sagot niya.

"Mali? Ibig sabihin…"

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay kagat niya ang kanyang ibabang labi.

"…Oo, maaaring kasama natin ang tiktik ng mga oras na iyon. Kasama natin  siya ngayon dito sa Romblon."

"Kung gano'n, nagtatago siya sa likod ng isang anyo. Isang anyong… alam natin at kilala natin."

Kinuha niya ang cellphone niya sa bag, inalis niya ang casing nito at may kinuha. Isang maliit na papel.

Kinuha ko ito at isang salita na hindi pamilyar sa akin.

ᜊ᜔ᜎᜓᜂᜇ᜔

"Anong lenggwahe ito?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam, ang sabi ni Gael… nung nasa Enchanted Kingdom siya kasama si Kuya Cyrus, isang lalaki raw ang nagpapabigay niyan sa akin. Nagtataka nga din ako e, kung ano ang ibig niyang sabihin sa sulat."

"Ipinakita mo na ba ito sa ibang kasama natin? Kay Sly?"

Umiling siya, "Hindi pa… wala akong pwedeng pagkatiwalaan dyan,   maaaring may  kinalaman ang mga kataga na nakasulat riyan sa tiktik. Sa ngayon pwede bang ikaw at ako muna ang nakakaalam niyan," pakiusap niya.

"Sige. Pero kapag natapos na 'to, isusuko mo ito sa La Costa Navis…"

"Oo, I have my words, couz."

Ibinigay ko sa kanya ulit ang papel. I walk towards the door when I heard him snoring.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti, she vanished for years at ngayon lang kami ulit nagkita. I miss her. Sobrang close kami dati not until, I hurt her. I miss the old Ashley Constancia Montemayor, 'yung sobrang cute, lovable, caring at clingy sakin.

"How's Ash, Tristan?" Drake asked.

Anong oras na pero gising pa siya.   May hawak siyang baso na may alak at halatang tipsy na.

"Okay na siya and you… you better sleep now, lasing ka na!"

"Okay lang ako,"

Umupo ako sa tabi niya at inabot ang alak.

Before and AfterWhere stories live. Discover now