Chapter 14

945 26 0
                                    

SLYTHERIN POV

NAGING OKAY NAMAN KAMI AFTER our closure talk. Gumaan ang pakiramdam ko ng makapag-usap kaming dalawa.

"Sly, kanina ka pa dyan...halika na at maligo sa pool!" yaya ni Annie.

Dumating sila dito kahapon kasama siya ni Ashley at Drake. Napadako ang tingin ko kay Tristan na ngayon ay hinihintay ang sagot ko.

Nasa pool sila, mukhang okay na nga si Ashley at Drake based sa kilos nilang dalawa.

Umiling ako, "Kayo na lang...okay lang ako dito," sagot ko.

Tumayo ako sa pwesto ko at pumasok sa loob. Napasandal na lang ako sa dingding ng kusina, I bit my lower lips to stop my tears dropping.

I heard my phone vibrating, someone is calling.

"Hello?"

["Hi Slytherin! How's you? I've missed you!"]

Parang hulog ng langit ng marinig ko ang mala-anghel na hindi ko inaasahan na maririnig ko pang muli ang boses niya.

"Namiss kita..." bulong ko.

["Hey nasaan ka? Puntahan kita?]

"Sa old house nila Ashley," sagot ko.

["I'll be there, okay?"]

Parang nabunutan ako ng tinik. Sa pagkakataon ngayon, I'm in the stage of moving on kaya nasasaktan ako ngayong nandito ang bago niya.

Bumalik akong muli sa labas at nakijoin sa kanila. Maya-maya pa ay nagmamadaling pumasok ang isa sa mga kasambahay nila Ashley.

Parang hinabol ng ano sa labas.

"Manang, anyare sayo?" nagtataka na tanong ni Ashley.

"Ma'am...si ano po-"

"-Sly!"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang isang ngiti nang makita siyang nakangiti sa akin. After years, he's back...kaagad akong tumakbo papalapit sa kanya.

Isang mahigpit na yakap ang binitawan naming dalawa. His finally home.

"I miss you..." bulong niya sa buhok ko.

Hindi ko masagot ang sinabi niya kundi ang kumalas sa pagkakayakap niya at pisilin ang pisngi niya. Ayokong isipin na panaginip ang lahat, hinawakan niya ang kamay ko.

"Totoo ako!" puna niya.

Umahon kaagad si Ashley at niyakap siya.

"Kailangan ka nakauwi?"

"Kahapon lang and seems like nagka-kasiyahan kayo?!" mapanuri ang kanyang mga mata.

"Oy, you came to see Slytherin 'no? Bakit bigla kang nawala no'n sa New York?" sunod-sunod ang naging banat niya ng tanong.

"It's a long story pero sa ngayon can I meet them?" napatingin siya kina Tristan, Drake, Charisse at Annie.

Nandito si Charisse, papansin ang ginagawa. Pero sadyang hindi niya makuha ang atensyon ni Drake na kay Ashley lang ang mga mata.

"Sure!"

"That's Tristan, Drake, Charisse and Annie..." pagpapakilala ko.

Inakbayan niya ako, aaminin ko medyo hindi ako sanay na inaakbayan niya.

"Nice to meet you everyone, I'm Xavion Patterson..." aniya.

Nagulat ako sa biglang pagtanggap ni Tristan sa kamay ni Xavion.

"Nice to meet you,"

Iginiya ko siya papunta sa isang bakanteng upuan.

"Teka!"

Before and AfterWhere stories live. Discover now