Chapter 6

1.1K 27 8
                                    

TRISTAN POV

"I PROMISE YOU'LL ENJOY HERE," aniko.

Ngumiti si Annie sa akin, kinuha ko na ang mga gamit niya at hinayaan siyang maaliw sa paligid.

"Omg! I've never expect na nakatapak na ako sa Romblon!" halata sa boses niya ang saya.

"Kapag may oras ako, ipapasyal kita rito, kasama si Ross."

Napatingin siya sa akin at niyakap ako.

"Really?! Omg! It would be exciting!"

I love the way she smiles. Annie is a type of masayahin girl. Simple things make her happy.

Magkahawak ang kamay namin ng pumasok sa rest house hotel na tinutuluyan namin. Dumiretso kami sa taas kung saan nandoon ang silid na nirant ni Chief, malaking space iyon, which ito na ata ang pinaka-high class nilang room.

Kaagad kung napansin si Sly at Ash na may pinag-usapan. Mukhang seryosong usapan dahil sa kurba ng kilay ni Ash habang nagpapaliwanag kay Sly.

"I wanna met your cousin, hindi ko siya nakilala nung nasa Manila tayo e,"

"Kapag tapos na silang mag-usap ni Slytherin, saka kita ipapakilala, okay ba?"

Tumango siya at kinuha ang cellphone. She open the camera icon and stole some pictures.

"Mabuti't nandito na kayo,"

Naagaw kaagad ni Chief ang pansin naming lahat.

"Sinabi niyo na ba?"

"Ang alin?" Kakaakyat lang ni Drake galing sa baba kasama ang mga babae niya.

Ramdam ko kaagad ang tension sa pagitan nila Charisse at Ash.

"Kailangan pa ba talaga iyon, Chief?" Nag-aalinlangan na tanong ni Ash.

"Bakit hindi... alam natin na hindi pa din nahuhuli ang tiktik, kaya kailangan nating mas maging maingat,"

Seryoso na nakatingin si Slytherin sa kung saan habang kuyom ang kamao nito. Nanggigigil siya sa hindi ko maintindihan na dahilan. I've never been saw her like this before, she's a demon.

"Kailangan nating lumipat ng paglalayluan,"

Lilipat?

"Saan, Chief?"

"Sa pribadong mansion ng mga Monteverde,"

"Sa amin?"

Tumango si Chief, "Nakausap ko na ang mga Monteverde at pumayag sila na doon muna tayo mamalagi," sagot niya.

"Anong oras tayo aalis kung gano'n?" tanong ko.

"Ngayon na mismo, wala na tayong oras," sagot ni Chief.

"Sa tagaytay ang mansion, anong sasakyan natin paluwas doon?"

"May mga sasakyan na naghihintay sa likod... kailangan na nating umalis,"

"Sasama kami, Chief... pero sa isang kondisyon," sabi ni Sly. "Hindi kami titira kasama niyo sa mansion," dugtong niya. "My townhouse si Mommy doon and maybe do'n na lang kami ni Ash."

"S-Sigurado kayo? Hindi ba mas malayo kayo kapag?" nagtataka man si Chief ay tila alam niya ang gustong puntuhan ni Sly.

Alam kong ayaw niya na makasama ako and I respect it. Hindi naman sa naiinis ako pero hindi kami nagkaroon ng closure na dapat tuldukan ko na.

Gusto ko siyang makausap pero hindi ko alam kung paano, ang ilap niya para malapitan.

"Hindi naman, Chief."

Before and AfterWhere stories live. Discover now