CHAPTER 1

10 1 0
                                    

"Hi future Architech namin, kamusta mga ginagawa nyong plates anak?" tanong ni mom sakin pagkauwi ko galing school.



"Ok naman Mom, madaming natutuwa sa mga drawings ko" natutuwa kong sabi sakanila ni Dad.




"I'm so proud of you anak pagpatuloy mo lang yan para maabot mo ang mga pangarap mo susuportahan ka namin ni Mom mo hanggang dulo" sabi sakin ni dad at lumapit naman ako sakanila ni Mom para yakapin sila pareho.





"Thank you Mom, Dad, I'm lucky to have parents like you two" sabi ko pagkatapos ko silang yakapin.






"At swerte din kami ng Dad mo na meron kaming anak na katulad mo, katulad ninyo ni Lawrence" sagot sakin ni Mom at hinalikan ako sa noo ko.





"Hi Ate! Buti nalang nakauwi kana kanina kapa iniintay nina Mommy para daw sabay sabay na tayo kumain, lets go na ate I'm really hungry na po" bati sakin ng kapatid ko at nakahawak na sa tiyan niya.







"Ok, but before we eat give ate a hug muna" sumimangot siya pero lumapit din saakin para yakapin ako. Lumuhod naman ako ng kaunti para magkapantay kaming dalawa, hindi pa kase sya ganoong katangkad he's only 6 years old.




"Ok naba Ate? pede napo ba tayo kumain? please please pleasee" pangungulit niya saakin habang hinihila ang kamay ko.






"Yup, lets goo!" lumiwanag naman ang muka niya dahil sa sagot ko.





"Yey!" sigaw niya saka kami nagpunta sa dining area.


...



Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na ako sa kwarto ko at nagshower. Pagka-open ko naman ng cellphone ko ay nakatanggap ako ng message from my friend, Margarett.



delaluna.margarett: Huy Loisaa! Sama ka tom? manonood kami nina Vanessa ng laro sa UP, UST ang kalaban 10 am start ng game g?






Pinag-isipan koba kung may gagawin ako bukas, at wala naman akong plates na gagawin bukas kaya naisipan ko nalang na manood.

loisavenizeg: Sure! Sino bang kakilala nyo dun?

Tinanong ko muna dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming tatlo na kakilala sa UP eh.


delaluna.margarett: Ay hindi ako bes, syempre si Vanessa ang may kakilala dun papanoodin nya daw yung Kiell Ivan Rosales bayon? basta nireto ata sakanya ng ibang friends nya sa Ateneo


Hay nako eto talagang kaibigan naming si Vanessa ay hindi nauubusan ng crush dahil kapag hindi sya gusto ng crush niya ay nagpapareto agad siya ng bago. Para bang hindi sya titigil hanggat hindi niya nahahanap ang the one niya.



loisavenizeg: Ah sige Marg message mo nalang ako tom kung san ko kayo kikitain.

delaluna.margarett reacted ❤️ to your message


Pagkatapos ng usapan namin ni Margarett ay inayos ko lang ang iba kong gamit at nahiga narin sa kama ko para makapag pahinga na.

...


Nagising ako ng 8 am dahil medyo late narin akong nakatulog kagabi dahil nag-usap kami ni Margarett. 10 am pa naman ang start ng game pero pagkabangon ko ay dumeretsyo na ako sa cr ng kwarto ko at nagshower na, at dahil sabi ni Vanessa kay Margarett ay team UP daw kami ay dapat red daw ang suot namin kaya nagsuot lang ako ng red crop top at fitted high waist pants at maong na jacket medyo kita ang shape ng body ko dahil dun sa high waist kong pants, nagrubber shoes lang ako para comfy kase baka gumala kaming tatlo after ng game. Nagmake up lang ako ng very light at nagsuot ng pearl necklace ko.


Right Time ComesWhere stories live. Discover now